Shannen's POV,
It has been two days since nong kinumpronta niya ko tungkol sa pictures. Hindi kami nagpapansinan hanggang ngayon.
I still do my work as his wife pero para na kaming mga pipi dahil hindi man lang nag-uusap.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung tatanungin ko ba siya tungkol sa annulment paper. Natatakot ako! Natatakot ako na baka mas lalong hiwalayan niya ko dahil sa nangyari nong nakaraang araw.
Iniisip ko rin kung itutuloy ko ba ang pag-alis after two days. Noong nakita ko ang annulment paper, sinabi ko sa sarili ko na hahayaan ko munang masaktan ng isang linggo makasama lang siya.
Gusto kong makasama siya. Kahit 'yun nalang ang hiling ko sa tanang buhay ko.
Tumingin ako sa ceiling namin na para bang iniisip ko kung tatawagin ko ba siya para bumaba na.
Hinaon ko na ang niluto ko at nagpunas ng kamay sa suot kong apron. Hinubad ko naman na ito at nilapag na sa mesa ang niluto kong ulam niya. Umakyat na rin ako para tawagin siya nang makarinig ako ng boses sa kwarto namin.
"I can still provide for the baby even if we are not annulled." Biglang kinabahan ako at bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Baby?
Nahihirapan na kong huminga. Hinawakan ko na ang dibdib ko and I tried to reach for the walls to support my weight. Feeling ko matutumba ako.
"No. Do not hurt the baby ok, he's our son for f*ck sake." Parang frustrated niyang sabi. Hindi ko binuksan ang pinto at nakikinig nalang sa labas.
Nanlumo ako sa narinig ko. Para bang hinuhugutan ako ng hininga at pinipilit ang puso ko sa sakit.
Sobrang sakit!
Namanhid ang mga tuhod ko at parang feeling ko'y hindi ko maramdaman ang sahig. I reached for my heart.
May anak siya?
Tumalikod na ko dahil hindi ko na rin maaninag ang harapan ko. Kanina pa pala ako umiiyak. Sobrang nanlalabo ang paningin ko dahil punong-puno na ng luha ko.
Tumakbo ako papasok sa banyo at doon umiyak ng umiyak. I opened the shower as if I'm taking a bath. Para na rin hindi niya marinig ang mga hikbi ko.
Ngayon ko lang naisip kung gaano ako ka-selfish. May anak na pala siya na nangangailangan sa kaniya pero heto ako at inaagaw siya sa bata.
I really wanted to hurt myself now.
I cried and cried. Ramdam ko ang sobrang paninikip ng dibdib ko. Hinawakan ko naman ito, nagbabakasakaling huminto na ito da pagtibok.
"Shannen!" Napalingon ako sa pintuan at nagpapasalamat nang ilock ko pala ito. I tried to calm myself and stop from sobbing para hindi niya marinig.
"Bakit?" I tried to sound ok.
"What are you doing there?" Tanong niya. Ngayon niya kang ulit ako kinausap.
BINABASA MO ANG
The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔
Romance"Discomforts come not only to make us strong but also for us to bring out the best version of ourselves." -Shannen Mantilla / Shantal Guerrero "I'm sorry. Sorry for the late realization at umabot pa sa magsawa ka na." -Dean Del Prado "You know what...