TWS 6

9.2K 140 9
                                    

Third Person's POV,

5 araw nang nakakulong ang kawawang dalaga sa silid na pinagdalhan sa kaniya ng kaniyang tiyuhin.

5 araw na rin itong hindi kumakain kung kaya't hinang-hina na ang dalaga at gumagawa ng kung ano-anong imahe sa kaniyang isipan.

"~Sampung mga daliri, kamay at paa. Dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda.~" kanta ng dalaga habang nagkukutkot ng kuko.

"~Malinis ang ngipin, masarap kumain. Dilang maliit nagsasabing, huwag kang magsinungaling.~" kanta ng dalaga sabay iling-iling ng kaniyang ulo bilang pag-aaksyon ng kanta.

"Nasan na po kayo mommy? Ang tagal niyo po akong balikan." Sambit nito.

Kaawa-awa ang itsura ng dalaga dahil sabog-sabog na ang kaniyang buhok at tila'y nawawala na sa katinuan.

Nilibot lang ng dalaga ang kaniyang mata sa lahat ng sulok ng kwarto kahit wala siyang maaninag dahil sa dilim.

Tatlong beses ng nahimatay ang dalaga dahil sa gutom. Tanging laway niya lang ang nilulunok niya.

*Pewwww*

Nag-angat naman siya ng tingin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Bigla naman siyang natuwa nang makitang pinagbuksan siya ng kaniyang tito at may dala pa itong pagkain.

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon