TWS 36

10.6K 207 32
                                    

Shantal's POV,


"How's her vital signs?" I ask sa nurse na pinatawag ko para magcheck ulit kay Jazrine.

Gawain naman talaga ng mga nurse iyun at gaya ng sabi ni Dr. Sullera na imomonitor sila frequently ay ginawa ko naman, but with nurse Chesca.

"Thank you nurse Chesca." Sambit ko at kinuha ang papel ng observations niya kanina.

Nurse ang nagmomonitor na ng mga patients but it is us, doctors, kung palagi naming bibisitahin or kami mismo ang magchecheck sa patients namin.

And since mas gusto kong ako mismo ang nagmomonitor sa patients ko ay araw-araw ko silang binibisita, maliban nalang kung may mas importante akong ginagawa gaya ng seminars or whatsoever.

Pero iba ngayon. Ayokong haluan ng personal things kung maaari ang trabaho ko kaya tinanggap ko pa rin ang hiling ni Dr. Sullera na ako nalang ang magmonitor sa dalawa lalo na kay Jaz.

Ako naman ang nagmomonitor kay Anaes and she's a lovely girl. She's 24 who suffered from meningitis, but a cheerful lady.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok rito.

"Come in." Sambit ko at binalik na ang tingin ko sa monitor ng laptop na hawak ko. Tinatapos ko ang research ko.

"Dra. Guerrero, may gusto pong kumausap sa inyo." Sambit ni nurse Chesca.

"Yes, who is it?" I ask na mata lang ang gumagalaw.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakawheel chair na pumasok si Jazrine. May dextrose pa.

"Can you...leave us for a minute?" She said to nurse Chesca. Sumandal naman ako bahagya sa upuan ko habang pilit na pinapakalma ang sistema ko. I want to pretend like I don't know her, even if I will look stupid.

"Yes, Mrs. Del Prado? You are not yet advice to roam around." I tried to sound like casual but formal.

"Bakit ka bumalik?" Agad niyang tanong sa akin, walang pag-alinlangan.

"What do you mean by bumalik?" I rested my arms on the arm rest of my chair.

"I don't like you being stupid. Bakit ka bumalik?" May sakit na siya't lahat-lahat, naggawa pang magganyan.

"I don't like the way you speak to your doctor." I tried to contain my mood and don't forget the professional etiquettes.

"Sa pagkakaalam ko hindi ikaw ang doctor ko." Maldita. "Dr. Sullera is my doctor."

"But Dr. Sullera is not around. I'm in charge of you."

"I don't want you to be my doctor."

"Neither do I. But I am a professional. Kung may galit ka sa akin, please, huwag mo ng idamay ang sinumpaan kong tungkulin." Gatol ko. Kung maaari, ayokong mag-away kami rito sa office ko. Baka masuspenso ako kapag nalaman to ng nakakataas.

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon