TWS 38

10.2K 178 33
                                    

Shantal's POV,


"What are you doing here?" Tanong ko nang bumungad sa harap ko si Dean. "Pano mo nalaman ang bahay ko?"

Pero wala akong natanggap na sagot sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin kaya tinitigan ko rin ito sa mukha.

"Nakainom ka ba?" Tanong ko nang makaamoy ako ng alak.

"Nah! Onti lang." Pasegwey niya pang sabi at nag-'three' gesture pa.

"What are you doing here? You have to go home. It's already 12:30 in the midnight." I said.

"Can I sleep here?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"No. You are not welcome here." Diretsahan kong sabi. Iniisip ko rin ang mararamdaman ng asawa niya kapag nalaman niyang makikitulog ang asawa niya sa bahay ng ex niya.

Kahit wala naman kaming gagawin, di rin naman ako papayag, hindi pa rin basta-basta maniniwala ang asawa niya kapag nalamang magkasama kami buong gabi kung ganon.

Umiling lang siya at tinukod ang isang kamay sa pinto ko kaya medyo gumilid ako para hindi kami magkadikit.

"Ihahatid na kita kung gusto mo---"

"Please..."

"Dean, ano nalang iisipin ng asawa mo? Pamilyado ka ng tao. Respetuhin mo naman ang---"

"Kahit ngayon lang, Shannen. Gusto kitang makasama."

"Ano bang sinabi ko non sa 'yo sa rooftop? Ayaw na kitang makita. Ayaw na kitang makas---"

Nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Para bang naparalyse ako at tanging mukha niya lang na nakalapit sa mukha ko ang nakikita ko.

"Aww!" Sambit niya nang bigla ko siyang sinampal nang bumalik ako sa aking ulirat.

"Hanggang ngayon, napakawalanghiya mo pa rin. Sinong nagsabi sa 'yong pwede mo kong halikan? May anak ka at asawa ka na. Kasal ka na at hindi ka na dapat lumalandi. Ang landi-landi m---Sh*t!" Usal ko nang bigla nalang itong natumba sa harap ko, buti nalang at nasalo ko.

Napatingin naman ako sa hallway at nagpapasalamat nang walang taong lumabas sa unit nila.

Sinubukan kong buhatin si Dean pero di ko talaga kaya kung kaya't kahit hirap na hirap sa pagsampa sa likod ko ay pinasok ko nalang siya sa unit ko. Tutal may dalawa namang kwarto rito ay doon ko nalang siya patutulugin.

"Aww!" Daing ko matapos ko siyang ibagsak sa kama. He groan.

I looked at him na ngayo'y naka-arms open sa kama. Umupo ako sa paahan niya para hubarin ang sapatos niya. Hindi ako masamang tao na basta nalang hahayaan ang lasing na ito, porket hindi maganda ang sitwasyon namin ngayon.

I looked at him again before going out oara kumuha ng bimpo't tubig. Pupunasan ko lang siya.

"Shannen!" I heard him muttering my name when I came back. "Shannen..."

I stopped for a second.

I'm happy that you already have your family, Dean. Dalangin ko lang na hindi naranasan ni Jazrine ang naranasan ko noon sayo.

Lumapit na ko at sinimulan na siyang punasan sa mukha at sa braso. Ayokong hubaran siya ng damit dahil wala akong karapatang gawin iyun.

Matapos ko na siyang punasan ay kinuha ko na ulit ang bimpo at tubig sabay labas. Matutulog na ko dahil may pasok pa ko bukas. Saka ko na siya kakausapin tungkol sa bagay na ito.

Humiga na ko sa higaan ko at natulog na.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bumangon na ko nang bigla kong maalala ang nangyari kaninang madaling araw.

Naligo na ko at nagbihis para pumasok na sa trabaho ko. Doon nalang ako kakain ng umagahan.

Pumunta ako sa kabilang kwarto para tingnan kung nandoon pa ba si Dean. Nakita ko lang siyang tulog pa kaya hindi ko na siya ginising at nag-iwan nalang ng sasabihin sa sticky notes. Nilagay ko ito sa pinto para makita niya agad at saka na ako lumabas.

Wala na kong pananagutan at karapatan sa kaniya kaya hindi ko na siya gagalawin pa.

Ayokong manggulo ng pamilya kaya kung maaari, ako na mismo didistansya, knowing na napapansin kong lapit pa rin ng lapit sa akin si Dean.

Hindi na ako ang doctor-in-charge kay Jazrine dahil nakauwi na sila Dr. Sullera kung kaya't medyo napanatag ako doon. Di ko na siya makikita ulit.

Pero pansin kong nagigising mas mahina na si Jazrine kaysa sa una ko siyang nakita.

Nakausap ko si Dr. Sullera and as for him, tanging miracle nalang ang magagawa namin para sa kaniya para humaba pa ang buhay niya.

Ayoko siyang mamatay sa totoo lang. Iniisip ko ang anak niyang maiiwan. Mahirap mawalan ng magulang. Alam ko 'yun dahil lumaki akong walang magulang.

"Dr. Guerrero, may nagpapabigay po." Sabi ng nurse pagkapasok niya sa office at inabot sa akin ang hawak nitong bulaklak. Napakunot naman ang noo ko sabay abot nito.

"Kanino galing?" Wala pong sinabi eh ang delivery man basta sabi po sa inyo raw po.

"Sige salamat." Sambit ko nalang at tinignan ang bulaklak. Lumabas naman na ang nurse kung kaya't tiningnan ko ang palibot nito kung may sulat at hindi nga ko nagkakamali dahil meron nga.

To Dr. Guerrero,

Salamat sa pag-alaga mo sa anak ko nong ma-hospital ito. Ito nalang muna pinadala ko sayo dahil bawal pa kong umabsent ulit sa trabaho para bisitahin ka. Pero hayaan mo, aayain kitang lumabas. Ayieee, keleg ke nemen! 0 _ ‹.

From: Aaron the pogi!

Napatawa naman ako sa message sa akin ni Aaron. Siya lang pala nagpadala.

Napaka!

Napatingin naman ako sa pinto nang makarinig ulit ako ng katok.

"Come in." Sambit ko kasabay ng pagpasok ng isang nurse na naman.

"Doktora, may nagpapabigay po." Sambit niya sabay abot na naman ng isang bulaklak na naman.

"Kanino na naman galing yan?" Tanong ko at napapakunot pa ang noong inabot ito.

"Ayaw ponsabihin ang pangalan eh. Pero lalaki po." Sambit ng nurse.

"Sige, salamat." Sabi ko at lumabas naman na ang nurse.

Tiningnan ko ang mga bulaklak at kinuha ang sulat na nakatupi.

Napakunot naman ang noo ko nang pangalan ni Dean ang nabasa ko.

I just want to thank you for letting me in last night. Pero sinadya ko talaga iyun. Sinadya kong magpunta sa 'yo dahil believe me, I've been longing for you. But I know hindi mo na ko tatanggapin pa ulit as a lover. I know this is too much to ask, but can I be friends with you?

Friends?

Is it ok to consider your ex as your friend?

I mean, he became my weakness and heartaches before, but should I let him enter my life again as a friend?

Should I?

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon