TWS 37

10.7K 200 31
                                    

Shantal's POV,

"I have nothing to explain to you."

I tried to look at him with no feelings and interest anymore. But, damn! I'm still affected by his presence.

I never thought of seeing him again. Hindi ako handa sa pagkikita namin ngayon.

Bakit ba napakatuso ni tadhana?

"Please..." He pleaded. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil nakikita kong nakatingin ang mga nurse na dumadaan ngayon sa amin.

"Please din, Dean. I don't want to see you anymore. Sana klaro na sayo ang hindi ko pagpapakita sayo ng ilang taon." I said habang pilit pa rin tinatanggal ang pagkakahawak niya.

Sh*t! Nasa loob lang ng room na kung saan kami nakatayong dalawa ang asawa niya! What if she see us here? She'll probably think that I'm still after his husband!

"No, Shannen. Please talk to me. Please! I won't let you go unless you'll talk to me." Pinikit ko ang mga mata ko, due to frustration.

"Ano ba kasing pag-uusapan natin? We have nothing to talk abou---"

"We have! Marami! Marami tayong pag-uusapan. Please, Shannen. I want to know everything." I looked at his eyes and then to his hand that holds mine. I looked at the room kung saan nagpapahinga ang asawa niya.

"Rooftop." Sabi ko sa kaniya.

Ayokong may makakita sa aming nag-uusap kaya pinili kong sa rooftop nalang makipag-usap sa kaniya. Ayokong mamisunderstood ng mga tao sa paligid.

Tinanggal ko na ang kamay niyang nakahawak at umakyat na papunta sa rooftop.

Pinag-krus ko ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko habang sa baba ng building namin ako nakatanaw. Ramdam ko naman ang pagtabi niya sa akin.

"Why did you leave?" Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong niya.

Iyang tanong na 'yan ang pinaka-t*ngang tanong na narinig ko sa buong buhay ko.

"Are you serious with that question?" Nakakunot ang mga noo kong nakatingin sa kaniya.

"I mean---"

"No! Hindi mo alam? Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon kaya kita nagawang iwan?" Bigla siyang napatahimik dahil sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa malayo pero alam kong nakikinig siya sa akin.

"Kasi Dean..."

Sh*t! Bakit may luhang tumulo sa mga mata ko?

"Simple lang naman ang sagot sa tanong mo. Nasaktan ako Dean, nasaktan dahil sa ginagawa mo sa 'kin noon." Pinahiran ko ang luhang kumawala na naman sa mata ko. "Naubos ako sayo. Nakalimutan ko ang sarili ko nang dahil sayo. Binigay ko naman ang lahat ng akin, sayo. Kasehodang malaspag ako, binigay ko pa rin ang sarili ko sayo ng paulit-ulit dahil naniniwala akong balang araw ay magkakaanak tayo at magagawa mo na akong mahalin."

The Wife's Suffering [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon