Ngumiti si manang sakin, Yung nagpapasok sakin dito sa loob. I smiled back.
"Hija, dito ang kwarto na lagi mong pupuntahan kung kelangan mo ng pang-linis ha? Dito kasi lahat nakalagay ang mga cleaning tools." paliwanag ni manang.
"Opo, salamat manang." masayang saad ko.
"Ano nga palang pangalan mo hija? Kanina pa tayo magkasama dito hindi ko man lang alam ang pangalan mo," saad nito at bahagyang tumawa.
"Anna po." saad ko at ngumiti
"Ang ganda naman ng pangalan mo hija. Ako si manang esther," sabi niya and left me there. Pumasok na ako sa kwartong yun at naghanap ng mga gamit na pang-linis. Sabi ni manang kanina nung nagchi-chikahan kami ay ako daw ang maglilinis ng kwarto ni sir. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan nun eh. Kukunin ko na sana ang pangpunas dun sa gilid ng may narinig akong nahulog. Tumindig ang mga balahibo ko.
"S-sino yan?" tanong ko na natatakot. Kumuha ako ng walis na pwedeng ipang-pukpok ng kung sino man ang nandito. Biglang lumabas ang pigura ng isang maputi at magandang babae. Hindi siya katangkaran, mas matangkad parin ako sakanya. Yung buhok niya di rin ganun kahaba, hanggang shoulders lang ito at tama lang ang haba. Yung lips niya medyo makapal at malaki pero maganda parin s'ya.
"S-sino ka?" tanong ko. Ngumiti ito. Ang ganda niya.
"Hi I am Mia Anette Ojales. You can either call me Mia or anne. Nice meeting you," dere-deretso nitong sinabi at nag wave sakin. Ang friendly niya!
"Ugh uhn, h-hi. A-ako si Anna." sabi ko at ngumiti din sakanya.
"Wow! Cool coincedence! Magka-pangalan pa pala tayo!" masyang saad nito.
Tumango-tango lang ako and gave her a slight smile.
"Halika, k-kwentuhan pa kita tungkol sa dapat at hindi mo dapat gawin dito bilang iritado si sir inigo sa mga bagay na di dapat gawin," saad nito.
"Alam mo naman atang, si sir na amo natin ay isang succesful, and youngest billionaire dito sa pilipinas dahil 20 palang siya. Yung dad niya ay isa sa pinaka-nayaman na buisnessman sa pilipinas. At nasa ibang bansa ang mga magulang ni sir iñigo dahil nga dun sa buisness nila. Iñigo Xander Perez ang kanyang pangalan. Ang pogi no?" nakangiting tanong nito.
"Suplado naman," i murmured.
"Ganon talaga si sir, masanay ka na. Masyado siyang misteryoso, suplado, ititado at mataray," saad nito na parang nanakot pa.
"Ano ba yan? Bat nanakot ka pa?" reklamo ko dito sabay tawa niya naman. Muntik na kaming mapatalon ni mia sa gulat dahil sa may kalabog sa labas. Humigpit ang hawak ko sa walis na nasa kamay ko.
"Mia, kumuha ka rin ng kahit anong pang-sangga diyan," bulong ko sakanya. Tumango naman ito at kumuha ng mop. Dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa pinto para silipin kung anong nangyayari sa labas. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Lumabas ako at tumungo ng sala. Naka-patay na lahat ng ilaw. Tinignan ko ang relo sa wrist ko na bigay sakin ni mama dati, 5:30 na pala. Ang bilis ng oras. Parang 5:00 lang lang, kakadating ko dito tapos 30 minutes na ang nakalipas. Dahan-dahan parin kaming naglakad ni mia sa sala. Nakita namin si sir na nakaupo sa sahig habang hawak-hawak ang aking wrist. Tumingin ako kay mia na nasa likod ko lang. At sinulyapan ulit si sir. Nakita kong ang hawak niyang wrist niya ay dumudugo. Nabitawan ko ang hawak kong walis at mabilis na tumakbo papalapit kay sir.
"S-sir, ano pong nangyari sainyo?" lumuhod ako para lumebel sakanya ng konti. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa kanyang kanang braso to check if he's okay. Ano ba 'tong ginagawa ko?
"Im okay." Sabi nito and tried standing up. Pero di siya makatayo. Inalalayan ko naman siya.
"Wag niyo ng pilitin sir kung hindi mo naman kaya." saad ko na iniindi niya parin ang sakit na dala ng wrist niya.
"Teka, diyan ka lang sir, kukuha lang ako ng first aid." Tinignan ko si mia na nakatayo sa likod namin. Tinuro niya sakin kung san nakalagay yung first aid. Kinuha ko ito sa cabinet na tinuro niya at dali-daling binalikan si sir iñigo.
Naglabas ako ng betadine at cotton balls sa first aid at dali-daling nilagyan ng betadine ang cotton nalls. Kinuha ko ang wrist niya at dinampian ng cotton ball na may betadine ang wrist niya na may sugat. Napansin ko namang bawat press ko ng cottonball sa sugat niya ay napapangiwi siya, 'don ko rin napansin na may sugat din pala siya sa panga. Dahan-dahan kong iniangat ang mukha niya at dinampian rin ito ng cottonball na may betadine.
"Ano po bang nangyari sainyo sir?" tanong ko.
"None of your buisness," saad nito.
"None of my buisness, edi dapat di na pala kita ginagamot. Sige, ikaw na bahala dito sir," saad ko sabay bigay sakanya ng cottonball. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako gamit ang paghawak sa wrist ko.
"D-don't leave," maliit na boses na saad nito habang nakayuko. Lumuhod ulit ako at nilapag na ang cottonball sa sahig. Kumuha ako ng maliit na band-aid at nilapat ito sa mukha niya na may sugat. Sunod naman na kinuha ko ay bandage, ni-roll ko 'to sa wrist ni sir at nilagyan ng tape.
"Okay na sir. Welcome." saad ko, tatayo na sana ako ng pigilan niya ako ulit. Nilapit niya ang mukha niya sakin, seconds ago, mas nilapit niya pa. Sobrang lapit na talaga namin sa isa't isa. Konti nalang at mahahalikan ko na siya. Malapit na m, sobra. Then he mouthed 'thank you' to me. Hahalikan niya na sana ako ng biglang may tumunog na phone.
"Ong!" Mia exclaimed na nagtatago sa isang malaking vase sa gilid ng stairs habang hawak ang phone niya, kung san galing ang tunog. Saglit kong sinulyapan si mia pero bumalik rin ang mga mata ko kay sir iñigo. Nakita ko itong namumula at napakamot sa batok. Nakita kong nag-igting ang panga nito. Bigla itong tumayo at lumayo sakin.
"Fuckin' shit!" He exclaimed habang nagdadabog paakyat sa stairs.
Oh what just happened?
BINABASA MO ANG
amvee
FanfictionAccidentally, a maid fell in love with his affluent beast boss. Will everything going to work out for them?