CHAPTER||8

392 27 1
                                    

INIGO's POV
Kagigising ko lang nang makaramdam ako ng init, kaya tinanggal ko ang pangtaas na damit ko at lumakad patungo sa pinto para makalabas na ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay biglang napayakap sakin si Anna dahil siguro ay nasa pinto siya nakatayo o nakasandal. Nakahawak ngayon ang isang kamay niya sa dibdib ko, at isa naman sa braso ko. At mas naloka pa ako dahil wala akong suot na pangitaas kaya ramdam na ramdam ko ang lamig at lambot ng mga kamay niya. Wala siyang imik, nakatingin lang siya sa dibdib ko. Tumitig pa ako sakanya, actually may itsura siya. Medyo maputi siya, matangos ang ilong, medyo makapal ang lips niya at pinkish. Now Im wondering how would it feel to kiss her, teka ano ba 'to? Di ko dapat iniisip ang mga ganito. Lumipas ang mahigit limang segundo at ganun parin ang posisyon namin. Bakit ayaw niyang umalis sa harap ko? Siguro ay nasasarapan siya sa yakap niya sakin, o kaya naman ay gusto niyang maramdaman ang pamatay na abs ko sa katawan niya. Hmm? Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha niya para masulyapan ang gwapo kong mukha. Napalaki ang mata niya at biglang umalis sa kaninang pagkakayakap sakin. Napatingin siya kaagad sa katawan ko, at napansin ko namang tumagal ang titig niya sa 4-pack abs ko, lumunok pa ito. Sabi ko na nga ba, bet din ako neto eh.

"Loving the view, huh?" i asked. Nagulat naman ito at napalaki ang mata.

"S-sir? May sinasabi ka?" she asked. I smiled, lumapit ako sa mukha niya. Kita ko naman ang pagkabigla niya, nilapit ko ang mga labi ko sa labi niya, at nakita kong kusang pumikit ang mga mata niya. Natawa naman ako ng bahagya 'don pero di ko pinarinig sakanya. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, kahit nakapikit parin siya. Akala niya ata hahalikan ko ulit siya, pfft.

"Ang sabi ko, parang gusto mo ata ang nakikita mo," mapang-akit na bulong ko sakanya. Lumayo na ako sa mukha niya at bumalik sa pagkakatayo ko kanina. Napadilat siya ng mata at umiwas ng tingin sa'kin. Siguro ay napahiya siya dahil pumikit siya dahil akala niya hahalikan ko siya.
Nilapit niya ang mukha niya sakin, tapos ay tinignan niya ang mga mata ko ng mabuti na parang sinusuri niya ito, hindi ako makatingin ng deretso kaya tinapunan ko nalang ng tingin ang pinto ng kwarto kong kanina pa hindi sarado. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumuntong hininga. Nakakakiliti ang bawat  paghinga niya.

"Alam mo? What I hate most about the boys, is you keep us... hoping. Hoping for more. Mga paasa," bulong niya sa aking tenga.

"Teka, bakit mo ba sinasabing pinaasa kita?, eh in the first place ikaw naman ang umasa." pambasag sakanya.

"Correction, Ms. Anna Viceral, Di kita sinabihan na umasa ka, ikaw mismo ang umasa. Kaya wag kang aasa, kung ayaw mong mapaasa." i said and left her. Pero bago pa man ako makalayo-layo ay sinigawan niya na ako kaagad.

"Alam mo ikaw? Kaya walang nagmamahal sa'yo eh. Ganyan ka kasi kung umasta. Che!" saad neto at umirap.
Medyo nainis ako, pero di ko na rin pinansin. Kasi at the end of the day, tama naman yung sinabi niya. Wala naman talagang nagmamahal sakin, alam ko 'yon at tanggap ko 'yon kaya I don't mind. Saglit ko siyang sinulyapan at tinapunan ng masamang tingin, tyaka ko siya tuluyang tinalikuran na. Pagtripan ko nga 'tong babaeng 'to hmm.

Maya-maya lang ay pinatawag ko na siya kay manang esther.

"Manang esther, pakitawag si Anna. May ipagagawa ako sakanya." utos ko na kaagad naman nitong sinunod. Within 15 seconds ay nasa harap ko na si Anna.

"Yes sir? May pinauutos daw po kayo?" inocenteng tanong nito na parang hindi ako inaway kanina.

"Gusto kong linisin ko lahat ng kwarto dito." i said. Nanlaki ang mata nito. Goodluck nalang sayo ate gurl.

"Also, put in mind that there are 18 rooms here in my house." aangal na sana ito. Pero bago pa ito umangal ay tinakpan ko ang bibig niya gamit ang dalawa kong kamay.

"What?!!!" umangal parin ito pagtanggal ko ng kamay ko. Napaka-kulit naman nitong babaeng 'to sabing walang aangal eh.

"Walang op-op. Aangal ka o mamahalin kita?" tanong ko sakanya. Nanlaki ang mata nito haha. If I could just record the expression of her face. She's blushing hahahaha.

"Eto na nga. Maglilinis na nga." sabi nito at umalis na sa harap ko at sinimulang linisin ang kwarto. 
Halos buong magdamag itong naglinis kaya di ko rin siya nakikita kahit na nandito lang naman siya sa bahay. Di ko nga lang alam kung kumain na ba siya ng hapunan eh. Gabi na rin, siguro 8pm na. Kaya hinayaan ko na ang thought na 'yon at pumasok na sa loob ng kwarto ko para matulog.

ANNA's POV
Walang hiya talaga ang lalakeng 'yon! Pinaglinis ba naman ako ng lahat ng kwarto dito sa bahay niya! Wala na ba talagang natirang kahihiyan sa sarili niya ha? Nakakabwisit naman.
8pm na siguro. Pumasok ako sa kwarto nito dahil yung kwarto niya nalang ang hindi ko pa nalilinis. Pero pagbukas ko ng pinto ay, nakita kong ang beast/monster ay parang anghel na natutulog. Out of nowhere, dahan-dahan ko siyang nilapitan at tinitigan. Ang ganda ng kurba ng jaw niya. His perfect pointy nose, his kissable red lips, and his long eyelashes. To be exact, he is almost perfect. Ang gwapo pala talaga niya, at ngayon ko lang natitigan ito ng malapitan. Mas lumapit pa ako sa mukha niya. Parang 2cm away nalang ang layo ko sakanya ngayon. Nabigla ako ng biglang hinawakan niya ang mukha ko gamit ang magkabila niyang kamay at bigla nalang akong hinalikan. His eyes were closed, habang sa'kin ay nanatiling naka-bukas. Making me see his face closer.
And I hate the thought that I want more of his lips and kiss.

amveeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon