CHAPTER||10

284 22 2
                                    

Habang nakahiga ay naiisip ko si Mama, yung mga alaala na kasama ko pa siya, and to be honest... konti lang naman ang mga magagandang alaala na natira sakin. Kasi puro, pain and sad memories ang naalala ko. Siguro ganon nga talaga kapag mahirap ka, walang good memories kahit na mahal mo sa buhay ang kasama mo. Pero bigla kong naalala ang kababata kong, hindi ko na nakita.
Nasa isang magandang garden ako magisa, ito ang laging tambayan ko dahil parati namang wala si mama. Maya-maya ay may narinig akong ingay ng dahon. Bigla akong napatingin kung san galing ang tunog na 'yon.
"S-sino yan?" tanong ko. Pero wala parin sumasagot. Tumayo ako at lumakad palapit sa dahon kung saan narinig ko ang ingay na 'yon kanina. 'Don ko nakita ang isang chinitong lalaking na nakatago 'don.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Dahan-dahan itong tumayo at inayos ang damit niya. Mukha siyang mayaman dahil maganda at desente ang itsura niya.
"Wala, nagpapahangin lang." nahihiyang saad nito. Napatango naman ako.
"Gusto mo kong samahan?" tanong ko. Ngumiti ito at tumango. Mag mula non ay dun na kami parati nagkikita at naglalaro. Nang magkita kami ulit don ay naisipan niyang maglaro malapit sa bangin.
"Ano ba migo, wag kang maglaro diyan! Baka mahulog ka!" I said. Pero patuloy parin siyang naglaro hanggang sa muntik na siyang mahulog sa bangin. Buti nalang at mabilis akong nakatakbo patungo sakanya at nahawakan ang kamay niya.
"Sabi ko kasi sayo, wag kang maglalaro 'don eh," saway ko sakanya habang nililinis ang sugat niya. Tinignan ko ang panyo ko na may pangalan ko dito. "Zamirah" bigay'to sakin ni mama, Anna talaga ang gusto kong itawag ng lahat sakin, pero si mama gusto 'Zamirah' ang itawag sakin para daw sosyal at tunog mayaman. Kaya lahat ng mga kakilala ko ay tawag sakin Zamirah. Pati na rin kay Migo, ang binugay ko na rin na pangalan ay Zamirah. Hindi ko rin alam. Tatlo kasi ang pinangalang sakin ng aking nanay. Anna Marie Zamirah Viceral. Di pa kasama yung initial pero mahaba na. Tinignan ko ulit ang sugat ni Migo. Tinalian ko ito gamit ang panyo ko na may pangalan para tumigil sa pagdudugo. Nginitian ko ito at ngumiti rin ito pabalik. Pagkatapos non ay hindi na siya nagpakita pa ulit. Parati akong pumupunta dun sa garden na 'yon pero wala na siya. Mag i-isang linggo nang hindi na siya pumupunta roon. Siya nalang kasi ang kaibigan ko kaya siya ang parating hanap ko, pero wala na siya dun at di na bumalik pa.


Napagtanto kong inaanod na pala ako ng sarili kong mga luha, si mama nawala, pati ba naman ikaw Migo mawawala den? Hinayaan ko ang sarili ko na hilahin ng antok dahil pagod na pagod na talaga ako sa kakaisip ng mga alaalang di naman masaya isipin.














HELLO WASSAP! sorry kung ang tagal ko mag ud hehe, I really just rested a little, kasi tao lang din naman akong nakakaramdam ng pagod, ayowns lang, sana naenjoy nyo, kbye.

amveeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon