CHAPTER||6

385 21 2
                                    

Kinaumagahan, puyat na puyat ako at hindi pa rin matanggal sa isip ko ang nangyari kagabi. Hay!! Ano ba 'tong iniisip ko?? Lumabas ulit ako papuntang garden gamit ang sliding door. Wala si sir, for sure na sa trabaho nanaman 'yon. O kaya naman ay nasa mga parties, gano'n lang naman ang araw-araw na buhay niya. Andito ako ngayon sa garden ng bahay ni Iñigo. Umupo ako sa grass, at nilanghap ang simoy ng hangin. Hay, ang sarap, hindi kasi katulad 'don sa loob, centralized. Masyado kasing mayaman ang nakatira dito, tsk. Umupo ako may pool, at binabad ang paa ko. May nakita nanaman ako dahon dito. Aba, kakalinis ko lang nito kahapon ha? Inabot ko ito, pero sa kaabot ko ay nahulog pa ako. Ayan tuloy, basang basa na ako. Pag-ahon ko sa pool may mga naririnig na akong pinagsamang tawa at paguusap ng lalake at babae. Tinignan ko ang nasa loob ng nakaawang na sliding door papasok dito. Mga sosyaling babae, nakita ko ang mga luxury black bags nila, chain ang strap nila at merong dalawang 'G' sa bag nila. Mukhang pamilyar ang logo na 'yon, san ko nga ba nakikita ang mga 'yon?? Ah tama! Sa mga fashion models sa magazine, at sa mga mayayamang artista! Habang pinagmamasdan sila ay di ko napansing napa-tingin na rin sila sa gawi ko. Mas lalong tumawa ang mga babae kanina.
"Yan ba yung bagong helper ni xander dito?"
"Why is she even here?"
"She's so cheap! She doesn't even look fashionable!"

Iilan yan sa mga narinig kong pangungutya nila sa'kin. Doesn't even look fashionable, sino ba nagsabing kahit sa swimming pool ay kelangan maging fashion model? At kelan pa nauso 'yon?
Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"San ka pupunta?" he asked. Di ko siya sinagot at kinalas na ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pano nga pala siya napadpad dito? Ah! Muntik ko na atang makalimutang may daanan pala sa likod. Teka! Dumaan pa talaga siya sa likod para puntahan ako dito? He's unbelievable!
Nagulat ako ng bigla niya ako binuhat mula sa pagkakatayo ko. Nagsimula na siyang maglakad at deretso ang tingin.

"W-what are you doing sir?" i asked while moving.

"Stop moving. Ibaba kita mamaya, just please stop moving for now."

Maya-naya lang ay nasa ikalawang palapag na kami ng bahay. Binuksan niya ang pinto, ng isang kwarto. Namangha ako ng mapansing home gym niya pala 'to. Teka! Bakit hindi pa ako nakakapunta dito? Pumasok kami at binaba niya ako sa boxing ring.

"You're wet." saad nito. Nilabas niya ang cellphone niya at nag-dial.

"Hello, I need slippers," he said while looking at me. Dumating na ang inutusan niya na may dalang tsinelas. Kinuha niya ito at nilapag sa harap ko. Kinuha niya ang isa kong paa at isinuot sakin ang isang itim na slip-ons na may malaking check sa harap. Sabay suot niya rin sa kabila.

"Sorry malaki." tanging nasabi niya lang.

"O-okay lang." saad ko, tanging ang pag-tango lang ang kanyang naisagot.

"Ano nanaman ba kasi ang pinaggagawa mo?" he asked as if he's concern.

"Teka nga! Bakit mo ba ako tinatanong kung anong ginagawa ko? Kasambahay mo lang naman ako ah,"

"And! Im you're boss." mariin nitong saad.

"Exactly. You're my boss ONLY, my boss." matigas na saad ko.

"Only? Did you forgot that I, your boss, pay you?" he asked habang nakataas ang kilay.

"I think you lose, formality, Ms. Anna Viceral." he said.

"I guess we were in a same age, maybe you're older. Pero di mo maalis sa'kin na tao paren ako." matigas na saad ko.

"What are you talking about? Ano ba talaga ang gusto mong patunayan?"

"That someone like you, ay parang puzzle na mahirap i-solve. You can't be concern, Oh hell no. I din't know na kailangan ko palang sabihin sayo ang mga nangyayari sakin sa araw-araw, huh?"

"Well, now you know." He said and left me there.
Shit! Shit lang anna! Shit lang talaga! For now, I an ready for my consequences. Di na ako magtatako kung bukas makalawa ay tanggalin niya na ako sa trabaho ko. Bakit ba kasi gan'to nalang ako kung umasta? Bakit kasi binubuka ko pa ang bibig ko??

amveeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon