CHAPTER||3

445 23 2
                                    

Nakatingin ako ng masama kay mia ngayon. Hindi dahil sa, hindi natuloy ang kiss pero dahil nandyan lang pala siya sa gilid nanonood samin all this time. Bago pa man ako makapag-salita ay nag peace sign na ito.
"Sorry po," saad nito at nag bow na parang princesa habang hawak ang medyo dulo ng uniporme niya na kunwari ay dress.

A/N: yung parang ginawa ni kathryn bernardo sa got to believe nung muntik ng mabagsakan ng bakal sa ulo si joaquin (daniel padilla)

Nilapitan ako neto at linink ang arms sakin.
"Alam mo bang?, ikaw palang ang ginanon ni sir? Ilang taon na kami naninilbihan dito pero ikaw lang ang—" pinutol ko s'ya.

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Alam mo ikaw, di kita maintindihan. Diyan ka na nga." saad ko at iniwanan siya 'don. Lumabas ako sa sliding door para tumungo sa garden na may pool, mahirap i-explain pero ganun yun. Basta garden siya at may pool, di naman kasi ako laking mayaman kaya wala akong alam sa mga gantong bagay. Lilinisin ko naman ang pool this time though hindi naman siya marumi. Lumakad pa ako papalapit dun sa pool ng biglang may umahon. Shux! Si sir iñigo! He's now topless at naka board-shorts lang siya exposing his 4 packs abs and his muscles. Dahil basa siya, it makes him 10x hotter. Shet!! Hinawi nito ang buhok niya, I saw his expression as soon as he saw me, he was shocked, as well as I do. Nanlaki ang mata ko, pumunta siya sa bench para kunin ang towel at punasan ang basa niyang katawan. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang dalawa kong kamay at tumalikod sakanya.

"S-sorry sir. Should-should I go out?" I asked habang nakatalikod parin.

"No, don't bother." sabi niya.

"Pwede ka ng humarap." he said at dahan-dahan ko namang tinanggal ang kamay ko na nagtatakip sa mata ko kanina at pasimpleng sumulyap sakanya bago ako humarap ng tuluyan sakanya.

"Im s-sorry sir, hindi ko po sinasad—" pinutol niya ulit ako.

"Its okay. Basta sa susunod, you should know your limits." saad neto. Tumango naman ako.

"Uhm, oo nga pala, thank you ulit sa pag-gamot sa mga sugat ko." He said, bashfully. I smiled.

"No problem. Ano nga po pala ang nangyari sainyo?" tanong ko.

"Ah, wala, napa-away lang sa bar." saad neto habang kinakamot ang batok. Bakit ba siya nahihiya? Halos kaninang hapon lang pagdating ko ang taray-taray niya.

"Eh bakit po ba kasi kayo nakikipag-away? Alam niyo po? Wala namang magandang patutunguhan ang pakikipag away eh. Isa pa, makakasakit lang kayo ng kapwa mo, kaya—" pinutol niya nanaman ako. Ano ba 'tong lalakeng 'to??? Ang hilig sa putulan!

"You know nothing, Ms. viceral," matigas na saad neto. Bigla namang nagbago ang expression neto. Sabi ko na nga ba bipolar eh.

"So if I were you, I would just shut my mouth up." He said as he was controlling his temper.

"You know sir? You can say all of those words in a good way." i said. Ano ba 'tong pinaggagawa ko? Anytime baka bigla ako netong patalsikin. Shet lang talaga anna!

"How can you say that all of a sudden? At the end of the day, im still your boss, ms. viceral!" saad neto in a higher tone.

"So, don't you dare raise your tone on me nor give me a sermon." mariin niyang saad, napansin kong nag-igting ulit ang panga niya.

"Im sorry sir. That won't happen again." I said.
Hindi ko na lang siya pinansin ulit baka may masabi pa akong mali at tuluyan niya na akong paalisin dito. Hindi pa nga ako sumusweldo ang pangit na kaagad ng reputation ko dito.
Lumapit ako sa swimming pool para malinis na ito. Napatingin ako sa iilang dahon na nasa gitna, medyo malayo ito kaya kahit sa anong anggulo aybdi ko ito makukuha kagad. Pinilit ko itong kuhanin hanggang sa na out of balance na ako at hinihintay nalang bumagsak, pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ko nalang na bumagsak ang aking sarili sa tubig. Pero ilang segundo na ay di parin ako bumabagsak, may naramdaman din akong kamay na nakahawak sa braso at bewang ko. Agad kong minulat ang aking mga mata at nakita kong nasalo na pala ako ni sir iñigo. Ng mabalik kami pareho sa realidad ay bigla niya akong binitawan at lumayo siya ng bahagya.
Napakamot ito sa batok na parang na-irita.

"You're so clumsy. Try to be careful next time, Ms.viceral," he said at iniwanan ako 'don.
Wow! Pagkatapos saluhin, bibitawan. Hanep, ibang klase!

amveeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon