CHAPTER||9

579 29 12
                                    

Humiwalay siya sa kiss na 'yon. Pangalawang kiss na namin 'yon, pero naiinis na ako kasi hindi ko magawang iwasan yung mga halik na 'yon. Siguro na rin ay masarap siyang humalik. Hay, ano ba 'tong mga iniisip ko? Hindi dapat ako nagiisip ng ganito. Mali, mali, mali, mali. Naisip kong gantahin siya. Sobra sobra na talaga ang ginagawa niya sakin, mas higit pa nga sa sobra eh. Humanda ka sakin Iñigo Xander Perez. Hinanap ko si Mia para chikahin, natagpuan ko naman siya sa maid's room na nag me-make up.

"Uy, san rampa mo?" tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sakin, at halata namang nagulat siya sa biglang pag-sulpot ko.

"Ah, wala lang. Mag g-grocery,"

"Grocery? Eh bakit kailangan mag-makeup?" i asked.

"Kasi kailangan?" I rolled my eyes at her.

"May itatanong sana ako sa'yo. May gusto akong malaman," i said as she gave me a confused look.

"Gusto kong malaman kung ano yung mga bagay na weakness ni Sir Iñigo," i said. Tumango-tango ito.

"Ah! First, ayaw niya ng maanghang. He hates spicy/ness to hell. Kaya kahit anong luto ng pagkain hindi namin nilalagyan ng sili, maski sa ref wala kang mahahagilap na sili. Second, ayaw niya ng maasim, so kung nagtataka ka? Yes, never pa siya kumakain ng paksiw. At kahit kailan ay hindi siya gumamit ng suka pangsawsayan. Mostly, toyo lang at patis. Third, takot siya sa gagamba kaya gusto niya malinis na malinis ang bahay niya, Fourth—" pinutol ko na ito at tumakbo papalayo.

"Salamat!" sigaw ko sakanya tyaka nag-wave.
Dali-dali akong pumunta sa tindahan na malapit sa bahay at bumili ng sili at maliit na pakete ng suka. Nang makabili ako ay agad-agad akong bumalik sa mansion at nagluto ng pagkain. Nagluto ako ng tokwa't baboy at gumawa ng sawsawan. Nilagyan ko rin ng suka, di naman halata ito dahil may toyo akong hinalo dito. Tapos ay nilagyan ko ng dalawang sili yung sawsawan at nilagyan ko na rin eto ng sibuyas at bawang para matago yung sili. Tinanggal ko yung katawan mismo, yung kulay red. Bali ang tinira ko na lang ay yung buto ng sili. Yung nagpapa-anghang. Tiyak, di niya mapapansin yun. Pagkatapos ay ginawa kong suka imbis na tubig ang inumin niya. Nilagay ko na 'yon sa tray at dinala sa kwarto niya.

"Rish and shine Sir Iñigo!" paggising ko kay Iñigo. Nakita ko namang gumising ito at umupo ng inaantok pa. Nilagay ko sa harap niya ang pagkain at binuksan ito.

"Kain na sir, masarap yan. Ako nagluto niyan." napatingin siya sa'kin bigla.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan? Kain na," saad ko na sinunod niya naman. Pagkasubo niya ay bigla siyang naubo, and dami pa naman nung sawsawan na nilagay niya. Tapos ay uminom siya, mas lalo pa siyang naubo at nadura niya lahat ng iyon ng wala sa oras. Tumingin siya ng masama sakin ng makita niyang halos mamula at mamatay na ako sa tawa.
Iniwanan niya ako at nagdabog. Tawa parin ako ng tawa, pfft. Yung mukha niya, pero actually gwapo parin siya. That's unfair! -__-

IÑIGO's POV
Walang hiyang babae 'yon. Pinainom ba naman ako mg suka at pakainin ng maanghang. Didn't she knew I hate that to hell? Kelangan ko siyang gantihan sa pinaggagawa niya. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Mia which is one of the maid's room. Nadatanan ko siya 'don na naka-bra lang at naka-shorts.

"Ahhh!" sigaw nito at bigla naman akong napatalikod.

"S-sir ano pong ginagawa niyo dito?" tanong nito. Saglit ko siyang sinulyapan at nakita ko itong naka-shirt na. Napaiwas ako ng tingin.

"May alam ka bang weakness ni Anna?" deretsang tanong ko.

"Bakit po? Kanina pa kayo ah. Si anna nagtanong din sakin kanina, tungkol diyan sa topic na 'yan." paliwanag niya sakin.

"Kaya naman pala," I murmured.

"Ha? Ano po 'yon?" tanong nito.

"Hatdog," i said.

"Po? May sinasabi kayo?" tanong niya ulit.

"Ah... ah wala. So ano nga ang weakness niya?" i asked again.

"Ipis po. Her only weakness," she simply replied. Tumago-tango ako at pinatawag si manang rose.

"Manang rose, bumili ka nga 'don ng ipis. 'Don lang sa tindahan," utos ko at tumango nalang ito bilang sagot.
Wala pang 10 minuto ng dumating na siya na may dalang ipis.

"Pahanap ako ng paper bag," i said.

"Sir eto na po," saad niya at binigyan ako ng pink na may stripes paper bag, parang 10 segundo lang ang tinagal niya bago bumalik dito. Nilagay ko na ang ipis sa paper bag.

"Patawag si mia," utos ko ulit kay manang rose na sinunod niya naman. Pagbalik niya ay kasama niya na si Mia.

L'ia, check mo nga kung nasa kwarto nya si anna," tumango naman ito at umalis na. Nagintay rin ako ng mahigit limang minuto bago siya bumalik ulit.

"Wala po sir. Bakit po?" tanong ko.

"Wala. Sige, bumalik ka na sa trabaho mo." i said at bunalik naman ito. Nakita ko namang nasa hagdanan na si Anna, at kung makita niya kami ay mabubuko niya. Kelangan maunahan ko siya baka makita nita pa na ako ang nagpalagay 'don.

"Manang, o eto, ilagay mo na sa kwarto niya. Bilisan mo dali. Nasa baba ng chest ko ito, medyo nakadikit. Binigay ko na kay manang rose at nagmadali naman siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Anna para ilapag ang surprise ko.

ANNA's POV
Pababa na ako ng hagdan ng makit ko si Iñigo at Manang rose na naguusap. Nakatalikod sila sakin kaya di ko malaman kung anong pinagusapan nila. Dumeretso muna ako sa kitchen para ilapag ang pinagkainan ni Iñigo. Tapos ay dumeretso na rin ako sa kwarto. Pagpasok ko ay, nakita kong may pink na striped paper bag na nakalapag sa kama ko. Umupo ako sa tabi nito at nilagay ito sa lap ko. Ano kaya 'to? Binuksan ko ito at nakita akong may ipis dito, pero nakita ko rin ang butones kaya naisip ko kagad na pinrank lang ako ni Iñigo. Sorry, prank failed.
Pumasok ako ulit sa kwarto niya at nakita ko ang polo niyang nude. Tinignan ko ang butones nito, pareho sa butones na nakita ko dun sa loob ng pare bag na hawak ko ngayon. Sinasabi ko na nga ba eh. Kinuha ko na ang polo niya at pumunta sa kwarto ko. Tinahi ko ang butones na natanggal dun sa polo. And as soon as I've fixed it, pumasok ako ulit sa kwarto niya. Nakita ko namang frustrated siyang hinahanap ang polo niyang kaninang nakalapag sa kama niya.

"Looking for this?" i asked habang nakataas ang polo niya.

"Whe—where did you get that?" he asked.

"Ikaw naman, mag p-prank ka na nga lang, fail pa. Better luck next time, mister." I said at hinagis ang polo niya sa mukha niya. I smirked at him and left him there.
Prank failed!👌🏻

amveeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon