CHAPTER||5

410 25 3
                                    

12:30 am
Di ako makatulog, dahil narin siguro sa pagsalo sakin ni sir iñigo ng dalawang beses. Sasaluhin ako, tapos sesermonan naman ako. Ano ko ba siya? Nanay? Kung maka-bawal sakin kala mo nanay ko eh. But I mean, na-appreciate ko naman yung concern niya, or, is he even concerned at all? Ewan ko, bahala siya.
Nasa loob lang ako ng maid's room, nakahiga. Nagiisip mula pa kanina. Di lang ako makatulog, kahit na nakahiga na ako sa kama. Lumabas ako para uminom ng tubig, para naman mahimasmasan ako sa mga pinag-iisip kong 'to. Di na ata napagod utak ko sa kakaisip, kanina pa 'to ha. Tinanggal ko ang kumot kong kanina pa naka-balot sakin at tumayo. Hindi parin ako nagsusuot ng uniporme. Okay lang yan, madaling araw naman na eh. For sure, lahat sila tulog na.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng fancy na hagdanan. Tinungo ko ang kitchen para uminom ng tubig. Bubuksan ko na sana ang ref ng may maka bunggo ng ulo ko. Nauntog ang ulo ko sa kung sino, di ko pa ito mamukhaan dahil madilim at nakapatay na lahat ng ilaw. Lumapit pa ako sakanya para mas makita siya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Mas lumapit pa ako dahil di ko talaga maaninag ang mukha niya, malapit na kaming maghalikan. Napalaki ang mata ko sa nakita ko. Si sir iñigo!!!!!! Di ko alam kung anong nangyari sa katawan ko, gustong gumalaw ng mukha ko para mailayo ko sakanya pero parang nanigas ito at hindi makagalaw. Dahan-dahan niya pang nilapit ang mukha niya sakin. Hanggang sa, hanggang sa.....hinalikan niya na ako.  His eyes were open while mine was kept open. Ano ba 'tong ginagawa niya? Gustong gusto ko na makawala sa halik niya pero bakit naninigas ang katawan ko? After a few seconds, humiwalay na rin siya sa kiss. Tila namula kaming dalawa.
"Fuck, fuck, fuck! Shit." he said.

"I can't understand you, you curse too much." sabi ko at iniwanan siya 'don. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang siya kung umasta, ganoon nalang kung gumalaw. May sakit kaya siay? O kaya may problema? O baka may gusto siya sakin? Okay fine, malabong mangyari ang last part pero, ano ba talaga ang nangyayari sakanya? I need to find out if he's okay, cos' it seems like he doesn't.
Di ko alam ang gagawin, pumasok na ako ng kwarto at sumandal sa likod ng pinto pagka-sara ko dito. Hinawakan ko ang labi ko. Napa-iling ako sa tought na gusto ko pa ng halik niya. Teka! Ano ba 'tong iniisip ko?? Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito no! Ano ba 'to? Ano ba 'to? Gulong gulo na ako, pati na rin ang utak ko. Kahit na hindi pwede ay ang laman lang ng utak ko ay, ang sarap ng lips nya, ang tamis ng laway niya, ang lambot ng labi niya, ang sarap niya humalik and somehow I want more. But this tought should stop running in my mind. Walang idudulot na maganda 'tong pag a-ambition ko. On his looks, his gestures, the way he act, mukha lang naman siyang womanizer. And im sure im not his first kiss. Teka! First kiss ko 'yon ah! Aba! Ninakaw niya pa! Once in a lifetime na nga lang magkaroon ng first kiss, sakanya pa na-punta. Napaka-swerte ko naman. Ah swerte pala.., teka, hindi! Sarcasm yun no! Ah sarcasm, okay. Ano ba! Hay! Nakakainis naman!
Nakakabwisit talaga ang lalakeng 'yon. Pumong puno na talaga ako sakanya! Konting-konti na lang talaga at sasabog na ako sa inis. Hay, nakakainis! Umupo na ako sa kama at sumandal sa bakal na headboard. Nakakabwisit talaga ang lalakeng 'yon. Hinayupak. Haeop talaga! Humiga na ako sa kama at tinigilan ang kakaisip sakanya, ano ba yan, hindi ko dapat siya iniisip eh. Tigilin mo na nga anna ang kakaisip sakanya, babatukan na talaga kita. Natulog nalang ako at tinigil ang pagiisip sakanya. We would surely feel awkwardness tomorrow. Hay! Ano ba 'to???

amveeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon