Chapter 1

7 0 0
                                        

"Mama," tawag ko sa nanay ko.

"Hmm?" tugon n'ya habang tinutulungan akong mag-empake ng mga damit ko.

"Kailangan ko po ba talagang mag-aral do'n? Hindi ba pwedeng dito na lang po ako mag-aral?" tanong ko kaya napatigil s'ya pag-eempake at nilingon ako.

"Anak, ayaw mo ba kaming makasama ng Papa mo?" malungkot na sabi ni Mama kaya umiling ako. "Atsaka anak, malapit 'yong bahay natin sa school mo do'n at isa pa prestigious school iyon anak, mapalad ka nga at ikaw ang napiling exchange student do'n e. Pangarap ng karamihan sa mga estudyante ang eskwelahan na papasukan mo, anak, tapos ikaw ayaw mo?"

Napabuntong-hininga s'ya sa tinuran ng ina. "Mama, hindi naman po sa ayaw ko. Nandito po kasi ang mga kaibigan ko, ayaw ko pong malayo sa kanila." malungkot na sabi ko at tumungo. Narinig kong napabuntong-hininga si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay na nasa kandungan ko.

"Anak, alam kong nakakalungkot pero kailangan nating lumipat, babalik naman tayo dito kapag bakasyon na o kaya ay may mahalagang okasyon." sabi n'ya at hinaplos ang pisngi ko. "Kaya 'wag ka ng malungkot, okay?" nakangiting sabi n'ya kaya napangiti ako ng kaunti at tumango.

Napatingin na lamang kami ni Mama sa pinto ng bumukas 'yon at iniluwa nito si Papa na nakangiti samin.

"Kakain na mga babaeng mahal ko sa buhay." nakangiting sabi ni Papa kaya napangiti ako sa sinabi ni Papa. Nilapitan ni Papa si Mama para alalayang tumayo ng mapansing papatayo na ito.

"Salamat, mahal." sabi ni Mama kaya mas lalo akong napangiti.

Napatigil ako sa pagtayo dahil nakita ko ang tsinelas ni Papa sa harap ko laya napatingala ako sa kan'ya at nakita ko na nakalahad ang kamay n'ya sa akin kaya buong galak ko itong hinawakan at tinulungan ako ni Papa na tumayo.

"Tara na. Masamang pinaghihintay ang pagkain." nakangiting sabi sa'min ni Mama at naunang lumabas ng kwarto ko kaya inakbayan ako ni Papa at sabay kaming lumabas ng kwarto ko.

Pagkababa namin ay nakita namin si Mama na nilalagyan na ng kainin at ulam ang plato namin ni Papa kaya pumunta na kami sa mga pwesto namin at nagsimulang magdasal. Pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan na lagi naming ginagawa kapag lagi kaming magkakasamang kumain.

Habang nagkukwentuhan ay nakaramdam ako ng kalungkutan. Dahil aalis na kami sa bahay na ito kung saan ako lumaki. Aalis na kami sa bahay na ito kung saan kami bumuo ng masasayang alaala. Aalis na kami sa lugar na ito kung saan nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Nakakalungkot lang pero alam kong babalik naman ako rito para magbakasyon. Mabibisita ko pa rin naman ang mga kaibigan ko kaya hindi ko kailangan malungkot.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa taas para tapusin na ang pag-eempake ko para bukas ay konti na lang ang aayusin ko. Habang naghahanda na ko sa pagtulog ay biglang umilaw ay cellphone ko at nakita kong nakatanggap ako ng mensahe galing sa group chat namin.

Ann:
Aalis ka na ba talaga, Selene?

Althea:
Oo e. Pero sabi babalik naman kami dito sa bakasyon o kaya ay may okasyon sabi ni Mama.

Kim:
:(

Kim:
P'wede bang 'wag ka na lang umalis?

Althea:
Gustuhin ko man, hindi pwede. Atsaka pwede pa naman natin ma-contact ang isa't isa e, diba? 'Wag kayong mag-alala. Magkaron man ako ng bagong kaibigan doon, hindi ko kayo kakalimutan.

Joy:
Promiiiiiise?

Althea:
Promise!

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon