Habang naglalakad ako papunta sa school ay bigla na lang may unakbay sa amin kaya muntikan na kaming matumbang dalawa kaya tinignan ko s'ya at nakita kong malaki ang ngiti sa muhka n'ya.
"Reese, ginulat mo naman ako." sabi ko kaya napahagikgik s'ya.
"Sorry." nakangiting sabi n'ya kaya umiling na lamang ako at nagsimula na kaming maglakad.
"Alam mo ba kung bakit hindi ka na nilalapitan nila Vivian?" tanong n'ya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
Naalala kong hindi na nga ako nilalapitan ng mga iyon nitong nakaraan. Kung makikita man nila ako ay iirapan lang ako at aalis na. Panatag na ako na ganito kesa sa binubully nila ako.
Umiling ako sa tanong n'ya.
"Sinabi namin ni Ryzk kay ate ang nangyari sa room pati na noong nangyari sa locker room. Sinabi raw ni ate kay Dean yung mga sinabi namin kaya pinatawag sila."
"Sana hindi n'yo na---"
"Sinabi?" pagtutuloy n'ya sa sasabihin ko pero wala akong tinugon.
"Althea, ayaw naman namin na mamihasa sila sa kakaaway sa'yo sa bagay na hindi mo naman ginawa. Atsaka alam kong ayaw mong magsumbong kasi new student at ayaw mong magkarecord. Pero hindi naman ikaw ang malalagay sa alanganin e. Sila. Kaya mabuti na rin 'yong sinabi namin kay ate. At least, wala ng nanggugulo sa'yo." sabi n'ya kaya bumuntong-hininga ako.
"Salamat." sabi ko at nginitian s'ya.
Nang makapasok kami sa room ay nakita ko na si Janus sa pwesto n'ya kaya kinabahan ako sa 'di malamang dahilan. Kailangan ko na atang magpa-check up. Shoul I consult someone about what I feel?
Ayoko naman kasing kapag nand'yan s'ya puro kaba at pagpintig na lang ng puso ko ang nararamdaman ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Tanungin ko na lang si Reese tungkol dito.
"Good morning!" bati ko sa kan'ya.
"Morning..." kaya umupo na ako sa tabi n'ya.
Habang hindi pa nagsisimula ay napansin ko na ganun pa rin ang itsura ng muhka n'ya, seryoso. Pero halatang magaan na ang nararamdaman n'ya kaya hindi ko mapigilang kausapin s'ya.
"Ryzk..." tawag ko sa kan'ya kaya tinignan naman n'ya ako at naramdaman ko na naman ang kaba.
"Uhm... okay... ka na?" nag-aalangang tanong ko at tinitigan naman n'ya ako kaya lalo akong kinabahan kaya napa-iwas ako ng tingin sa kan'ya.
"Oo... ayos na ko. Salamat." seryosong sabi n'ya. Kaya tinignan ko ulit s'ya at bakas sa mata nito na kahit seryoso ay makikita ang sinseridad.
"Salamat?" kumunot ang noo ko. "Para saan?"
Sinandal n'ya ang kan'yang likod sa upuan at humalukipkip at naglalaro akong tinignan.
"Really?" he said playfully and shook his head.
"Thank you for listening to me, Althea." nakangising sabi nito kaya naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko.
Kaya nginitian ko s'ya kahit na kinakabahan at mabilis ang pintig ng puso ko.
"You're welcome." sabi ko at dumating naman si Ms. Eryn kaya nagsimula na ang klase namin.
Tanghali na nang lumapit si Reese sa kan'ya. Habang s'ya naman ay nag-aayos nang gan'yang mga gamit. Umupo si Reese sa laging inuupuan nito kapag nandito s'ya sa pwesto ko at tinignan ako sabay tingin sa kapatid na batid kong tinitignan din ako.
"Alam n'yo..." sabi ni Reese kaya tinignan ko s'ya ng matapos akong mag-ayos ng gamit. "Parang may something sa inyong dalawa."
Bumilis ang pintig ng puso ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin at kumunot na lamang ang noo ko sa sinabi n'ya.

BINABASA MO ANG
Separated
Roman pour AdolescentsVillanueva Series #1 Si Althea Selene Rodriguez ay isang exchange student na mapalad na napili ng VU o Villanueva University na isang prestigious university sa Manila na pinapangarap ng karamihang estudyante. Magbabago ang buhay n'ya ng makilala n'y...