Epilogue

4 0 0
                                    

Nailibing na si Selene tatlong araw pagkatapos n'yang mawala sa akin... sa amin. Nagpaiwan ako dito sa sementeryo dahil gusto ko pa s'yang makasama kahit sandali lang. Ang sakit pa rin sa'kin na wala na s'ya. Ni hindi man lang tumagal ang pagkakakilala naming dalawa ay kinuha na s'ya sa akin. 'Yong mga bagay na gusto kong gawin at iparamdam sa kan'ya, hindi ko masyadong nagawa dahil agad s'yang binawi sa amin.

Pero tama s'ya, na kahit na wala na s'ya. Nandito lang s'ya sa isip at puso ko. Hindi s'ya mawawala. Alam kong binabantay n'ya kaming mga mahal n'ya sa buhay. Hinawakan ko ang lapida n'ya kung saan nakaukit ang pangalan n'ya.

Althea Selene Rodriguez

April 27, 20** - July 10, 20**

"Mahal na mahal na mahal kita, Althea, alam kong masaya ka na ngayon kung nasa'n ka man." parang piniga ang puso ko sa sakit ng sabihin ko ang mga salitang 'yon.

Ang sakit talaga na mawala ang taong mahal mo na hindi mo man lang naiparamdam sa kanila kung gaano mo sila kamahal.

Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso ko at pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang Mama ni Althea kaya agad akong napatayo. Kaya napangiti s'ya sa akin ng tipid. Namamaga ang mata nito at halata ang sakit at lungkot ng mawala ang nag-iisa nilang anak kaya parang kumirot ang puso ko ng makita ang itsura ni Tita.

"A-akala ko po umalis na kayo magpahinga." magalang na sabi ko.

"Nakalimutan ko ng ibigay ito sa'yo." sabi ni Tita at inabot sa akin ang puting sobre. "Sabi ni Althea p-pagnawala na s'ya ay iabot ko 'yan sa'yo."

Napatingin ako sa sobreng inabot sa akin ni Tita. Nang tignan ko ang likod nito ay may nakasulat.

To: Ryzk Janus Villanueva
From: Althea Selene Rogdriguez

"Salamat po, Tita."

"Janus, salamat... salamat sa pagmamahal sa a-anak ko." naluluhang sabi ni Tita kaya nginitian ko s'ya.

"Sige na, mauna na ko. Umuwi ka na rin at magpahinga." sabi n'ya kaya tumango ako.

"Sige po, Tita." nginitian n'ya ako at tumalikod na sa akin para umalis. Kaya ng makita kong umalis na ang kotse nila Tito ay hinarap ko ulit ang lapida n'ya at umupo sa harap nito.

"Aalis na ko, Selene. Pero babalik ulit ako rito. Mahal na mahal kita." sabi ko at biglang humangin kaya napapikit na lamang ako dahil pakiramdam ko ay niyakap n'ya ako kaya ng tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko ay agad ko itong pinunasan.

Tumayo ulit ako at umalis na sa lugar na iyon para umuwi at magpahinga. Pagka-uwi ko sa bahay ay agad-agad akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame ng maalala ang sobreng binigay sa akin ng Mama ni Selene kaya agad-agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Tinitigan ko ito sandali at binuksan ang sobre at kinuha ang sulat na para sa akin. Pagkabuklat ko nito ay parang gusto ko ng maiyak kahit hindi ko pa nababasa.

Janus,
     
         Kung nababasa mo man ito ngayon paniguradong wala na ako rito sa mundo. Gusto ko lang sabihin sa'yo na masaya ako na nakilala kita kahit sandali lang tayo nagkasama. Kahit gano'n ay masaya ako na nakilala kita. Babaunin ko ang mga alaala na 'yon kahit na wala na ko rito sa mundo.
        
         Lagi kang mag-iingat, okay? Lagi mong iingatan ang sarili mo. Mag-aaral ka ring mabuti. Dapat maging architect ka katulad ng pangako mo sa'kin. Ingatan at alagaam mo rin ang mga kapatid mo. Masaya rin ako na okay na kayo ng papa mo kaya aalagaan mo rin s'ya ha? Sana bumuo pa kayo ng masayang alaala ng magkakasama. Sana rin, Janus, ay bantayan mo rin sila Mama para sa'kin. Gusto ko na nasa mabuti silang lagay kapag nawala na ko. Gusto ko na makita silang masaya. Sana gawin mo 'yon para sa'kin.

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon