Chapter 13

2 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ngayon si Ryzk dahil sa nangyari kahapon. Nakakahiya na ganun ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nang pag-uusap namin dalawa kahapon ay bigla naman akong tinubuan ng hiya sa katawan dahil sa nangyari. Hindi ko nga matignan ang Papa nila pati na rin Reese dahil sa nangyari.

Kaya ngayon hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanilang kambal. Parang ayokong pumasok para hindi ko muna sila makita. Parang hihimatayin ako sa hiya. Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa.

Napa-angat ako nang tingin ng may kumalabit sa akin at nakita ko ang isa kong kaklase na nagtatakang nakatingin sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Sa room..." at may tinuro s'ya sa likod n'ya.

"Do'n ang room natin." sabi n'ya kaya namula ako. "Mabuti na lang nakita kita. Kundi baka saan ka na makapunta."

"Hehe... sige, salamat ah?" nahihiyang sabi ko.

"Wala 'yon. Pumasok ka na." nakangising sabi n'ya at nilagpasan ako kaya pumunta ako sa room namin na namumula ang muhka sa isa na namang kahihiyang ginawa ko.

Pagkapasok ko sa room ay napansin kong nandito na si Reese. Hindi n'ya ako napansin dahil tutok na tutok s'ya sa phone n'ya habang nakakunot ang noo kaya napabuntong-hininga ako ng hindi n'ya ako napansin.

Pagka-angat naman ng tingin ko ay kinabahan agad ako at bumilis ang pintig ng puso ko ng magtama ang tingin naming dalawa ni Janus na nakahalukipkip at nakatingin sa akin ng seryoso. Sa sobrang kaba ko ay napalunok na lamang ako at dahang-dahang naglakad papunta sa upuan ko. Dahil hindi ko kayang tignan s'ya ay tumungo na lamang ako.

Pagkadating ko sa pwesto ko ay nilagay ko kaagad sa upuan ko ang bag ko at umupo. Nakatingin lang ako sa harap habang s'ya ay nararamdaman kong nakatingin sa akin kaya hindi ako mapakali sa tingin n'ya. Kaya tinignan ko rin s'ya pabalik, hindi man kang s'ya natinag sa pagtitig ko sa kan'ya, ni hindi nga rin s'ya umiwas ng mahuli kong s'yang nakatingin sa akin kaya bumilis ang pintig ng puso ko at pinagpawisan ako ng kaunti.

"Bakit nakatingin sa akin?" tanong ko habang nakakunot ang noo pero umiling s'ya at ngumisi.

"Wala naman." sambit n'ya.

"Alam mo," naiinis na sabi ko. "Baliw ka!"

"Baliw sa'yo?" nakangising tanong n'ya sa akin kaya lalong kumunot ang noo ko at tinaasan s'ya ng isang kilay.

"Lolo mo baliw! Atsaka tigil-tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo! Hindi bagay sa'yo!" inis na sabi ko sa kan'ya kaya natawa s'ya at napatitig naman ako sa kan'ya. Ewan ko ba parang sarap lang sa pakinggan ang tawa n'ya.

"Oh! Baka ma-in love ka na sa'kin n'yan ah?" nang-aasar sabi n'ya kaya inirapan ko s'ya.

"Tigilan mo nga ko! Alam mo, ang weird mo ngayon. Anong nakain mo? Nakakain ka ba ng panis na pagkain? Naalog pa utak mo? Papa-mental na ba kita?" sunod-sunod kong tanong kaya tinawanan na naman n'ya ako.

"Nope, I'm fine, baby." nakangising sabi n'ya sa akin. "Why? Worried?"

Naalala ko na naman ang nangyari sa aming dalawa ng malaman n'yang nag-aalala ako sa kan'ya kaya naramdaman kong namula ako at iniwas ang tingin sa kan'ya dahil na rin sa hiya.

"Utot mo worried!" inis na sabi ko. "Manahimik ka na nga lang d'yan."

Magsasalita pa sa s'ya ng biglang dumating si Ms. Eryn kaya wala na s'yang nagawa kundi ang tumahimik.


Sa umaga ay kapag nakakakita ng chance si Janus ay iniinis at inaasar n'ya ako. Kaya ang ending inaaway ko s'ya o 'di kaya ay babarahin. Hindi ko alam na merong ganong side pala ang mokong kaya nakakapanibago. Pero at least nakikita ko na masaya na s'ya ngayon unlike sa una kong kita sa kan'ya na seryoso talaga at hindi mababakasan ng saya sa muhka.

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon