Nakaharap ako sa salamin at tinitignan ang repleksyon. Nakalugay lang ang buhok ko na hanggang bewang, saktong medyo wavy ito kaya hindi na ganoong ginalaw ang buhok ko. Ang make-up ko ay hindi naman gano'ng kakapal pero ang ginamit nilang kulay ang black, ang lipstick ko naman ay red. Ang suot ko ay fitted croptop na kulay white at nakasuot naman ako ng high-waisted short na kulay black at naka-under the knee boots na kulay black.
Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang pangalawang beses na magpe-perform ako sa harap ng maraming tao. At hindi lang 'yon, kinakabahan ako para sa sarili ko. Alam kong bawal ito sa akin, pero sumige pa rin ako. Malaking pagkakamali ang gagawin kong ito dahil alam kong may mangyayaring masama sa akin. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko at kahit anong oras ay para akong kakapusin ng hininga.
Habang kinakalma ko ang sarili ko ay nakita ay may biglang humawak sa balikat ko kaya napaigtid ako sa gulat at tinignan ito. Nakita ko si Reese na may hawak ng saklay at nakatingin sa akin ng may pag-aalala. Kasama n'ya si Reo at si Janus na inaalalayan si Reese. Nakatingin din sila sa akin.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Reese.
"O-oo. Kinakabahan lang ako." sabi ko habang may pilit na ngiti.
Napabuntong hininga naman si Reese, "I'm sorry kung ikaw pa ang sumalo sa akin pero thank you kasi ginawa mo 'to para rin sa'kin." at ngumiti.
"Wala 'yon, 'no ka ba!" nakangiting sabi ko.
"Ano nga pa lang sabi nila Tita?" tanong n'ya kaya kinabahan ako.
Naalala ko na naman ang sinabi nila sa akin ng malaman nila ang tungkol dito.
"Anak, bakit kailangan mo pang gawin 'yon?" naiiyak na tanong ni Mama.
"Mama, please, payagan n'yo na po ako." nagmamakaawang sabi ko. "Alam n'yo naman pong pangarap ko ang pagsasayaw, 'di ba? Sana po ibigay n'yo na 'to sa akin."
"Pero anak, ayokong may mangyaring masama sa'yo, hindi namin kakayanin ng Mama mo." nag-aalalang sabi ni Papa. Halatang may namumuong luha na rin sa mata nito pero pinipigilan n'ya lang.
"Ma, Pa," at hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at tinignan sila. "Kung... kung m-mawawala po ako rito---"
"Hindi! Hindi mangyayari 'yon!" sigaw ni Mama at lalo s'yang umiyak kaya hinagkan s'ya ni Papa at pinatahan.
"Kung mawawala po ako rito sa tabi n-n'yo dahil sa pagsayaw ko bukas o kung may m-mangyayari man sa akin na masama, a-ayos lang po. Kasi kahit papa'no naipakita ko ang talento na namana ko sa i-inyo. Masaya na po ako do'n. Kaya sana p-po hayaan n'yo ko..." nanginginig na sabi ko at umiyak kaya niyakap nila ako.
"S-sige, kung ayan ang magpapasaya sa'yo... hahayaan ka namin." sabi ni Papa at hinalikan ako sa noo.
"A-ayos lang daw sa kanila, pumunta nga sila para manood." sabi ko habang may pilit na ngiti.
"Sige, hanapin na lang namin sila. Galingan mo ah! Iche-cheer kita!" nakangiting sabi ni Reese kaya napangiti na rin ako. Medyo gumaan kasi ang loob ko sa sinabi n'ya.
"'Wag kang mag-alala gagalingan ko."
"May tiwala ako sa'yo, Althea. Sige na, punta na alis na kami. Magsisimula na ang program." paalam nito kaya tumango s'ya.
"Sige, ingat ka sa paglalakad."
"Reo," tawag ni Janus kay Reo kaya nagtataka ko s'yang tinignan.
"Ikaw na muna ang bahala kay Reese, mag-uusap lang kami." at tinignan ako kaya parang tinambol ang dibdib ko sa kaba at bumilis din ang pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Separated
Teen FictionVillanueva Series #1 Si Althea Selene Rodriguez ay isang exchange student na mapalad na napili ng VU o Villanueva University na isang prestigious university sa Manila na pinapangarap ng karamihang estudyante. Magbabago ang buhay n'ya ng makilala n'y...