Chapter 9

2 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa practice room ni Reese dahil magpa-practice raw s'ya ng sayaw n'ya. Habang nagpapalit s'ya ay tinignan ko ang buong paligid ng practice room. Kung wala lang talaga akong sakit, baka sumali talaga ako sa dance group.

Noong bata kasi ako ay sumali ako sa pagsasayaw kahit bawal dahil nga sa sakit ko. Kaya nang nagpractice kami ng sayaw ay dinala ako sa ospital dahil sa sakit ko. Pinaalalahan nila ako na bawal nga ako sa mga gano'ng bagay dahil ikakapahamak ko lamang daw iyon. Mabuti nga raw na hindi malala ang nangyari kundi baka kung ano na raw ang mangyari sa akin. Kaya simula noon ay hindi na ako sumasali sa mga gan'to pati sa ibang sports dahil nag-iingat na ko.

"Althea, ayos lang ba suot ko?" tanong n'ya.

Nakasuot s'ya ng white hanging shirt, black high-waisted leggings, at white rubber shoes. Ang buhok naman n'ya ay naka-high ponytail.

"Oo naman." sabi ko kaya napangiti s'ya.

Naglakad s'ya papunta sa dulo ng kwarto at may inayos. Inaayos n'ya siguro ang kanta na sasayawin n'ya. Maya-maya ay bigla s'yang tumakbo sa gitna at nagpose at s'ya namang nagsimula ang kanta kaya nagsimula na rin s'yang sumayaw.

Namangha ako sa ganda ng sayaw n'ya. Ang smooth nang mga galaw n'ya kaya sobra akong namamangha. Habang sumasayaw s'ya ay nakatingin lamang ako sa kan'ya. Tinitignan ang bawat galaw na ginagawa n'ya. Pati ang expression nang muhka n'ya ay nakakamangha kaya ng matapos ang pagsasayaw n'ya ay napapalakpak na lamang ako.

"A-ayos ba?" hinihingal na tanong n'ya kaya nginitian ko s'ya ng malaki at tumango nang ilang beses.

"May crush na ata ako sa'yo, Reese." namamangha na sabi ko kaya natawa s'ya.

"Gaga ka talaga!" nakangiting sabi n'ya kaya nagulat ako.

"Nagmumura ka pala?" gulat na tanong ko kaya natawa na naman s'ya sa akin.

"Clown ba ko?" tanong ko kaya umiling s'ya. "Eh, ba't pinagtatawanan mo ko?"

"Wala, nakakatuwa lang ang reaksyon mo." nakangising sabi n'ya at tumabi sa tabi ko kaya inabot ko sa kan'ya ang tumbler n'ya.

"Thank you." sabi n'ya at uminom.

"Alam mo," sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya. "Sa tingin ko marunong ka namang sumayaw, ayaw mo lang sabihin."

"Ha? Hindi ah! Hindi talaga ako marunong sumayaw." saad ko.

"Weh? Maniwala sa'yo." sabi n'ya kaya tumango ako.

"Oo nga."

"Hay nako! Sige na. Sabi mo e." sabi n'ya at tumayo. "Magpapalit lang ako tapos alis na tayo. Baka ma-late pa tayo e." kaya tinanguan ko s'ya.

Habang nagsusulat ako nang notes ay tinawag ako ni Ms. Eryn kaya nag-angat ako ng tingin at tinignan s'ya.

"Bakit po?" tanong ko at sinenyasan naman n'ya akong lumapit kaya agad akong tumayo at nilapitan s'ya sa unahan.

"Bakit po?" tanong ko ulit kay Ms. Eryn.

"Nagre-recruit kasi sila ngayon ng students para sa archery club. Tapos nakita namin ang records mo at nalaman namin na kasali ka pala sa archery club sa school mo dati?" kaya tumango ako.

"Sabi rin do'n na you're the ace in archery club in St. John, that's why they want to recruit you." kaya nagulat ako.

"Po?" at tumango naman si Ms. Eryn.

"Sana pumayag ka na pumasok sa archery club, Althea." sabi ni Ms. Eryn kaya nag-alangan ako.

"P'wedeng kausapin ko po muna parents ko?" nag-aalangan na tanong ko kay Ms. Eryn kaya nginitian n'ya ko.

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon