Pagkadating namin sa mall ay didiresto sana s'ya sa mamahaling restaurant ng makita ko ang paborito kong kainan kaya hinawakan ko s'ya sa braso na nagpatigil sa kan'ya sa paglalakad at nilingon ako.
"Bakit?" tanong n'ya.
"Nakakain ka na ba sa Mcdo?" tanong ko kaya kumunot ang noo n'ya at tinignan ang sinasabi ko at bumalik ulit sa akin ang tingin.
"Hindi pa." sabi n'ya kaya napangiti ako at hinatak s'ya papunta ro'n.
Nang lingunin ko naman s'ya ay nakakunot ang noo n'ya pero hindi ko na lamang ito pinansin.
Pagkapasok namin sa loob ay wala masyadong tao kaya nakakita agad ako ng pwesto sa may sulok kaya dinala ko s'ya doon."Upo ka na." nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya umupo s'ya pero seryoso pa rin ang muhka n'ya. Ako naman ay umupo sa harap n'ya.
"Ba't mo ko dinala rito?" tanong n'ya sa akin kaya nginitian ko s'ya.
"Diba sabi mo hindi ka pa nakakain dito?" kaya tumango s'ys. "Kaya dinala kita rito para ma-try mo. Promise!" at tinaas ang kanang kamay ko. "Magugustuhan mo rito."
"Mahilig ka bang kumain dito?" tanong n'ya kaya tumango.
"Oo."
"Bakit?"
"Kasi kahit matanda ka na, mafe-feel mong bumalik ka sa pagkabata. Same sa Jollibee." nakangiting sabi ko kaya kumunot ang noo n'ya.
"Jollibee?"
"Oo, 'yong pulang bubuyog." sabi ko kaya napangisi s'ya sa sinabi ko.
"Parang gusto kong makita 'yang pulang bubuyog na 'yan." sabi n'ya kaya napatitig ako sa kan'ya.
"Mas lalo kang gumagwapo kapag nakangiti ka." sabi ko kaya tinignan n'ya ako ng seryoso.
"Talaga? So, gwapo ako para sa'yo?" sabi n'ya kaya tumango ako.
"Oo, lahat naman siguro kaming nakakakita o nakakakilala sa'yo e naga-gwapuhan din." sabi ko at tumayo. "Sana lagi kang ngumiti. Mas lalo kang gumagwapo." at umalis para maka-order.
Dahil wala masyadong customer ay naka-order agad ako at nakuha ko rin agad ito. Papunta ko sa table namin ay nakita ko s'yang naka-upo lang habang tumitingin-tingin sa paligid kaya napangiti ako at lumapit sa kan'ya.
"Ito na ang order natin." nakangiting sabi ko sa kan'ya at nilapag ang tray.
"Sorry kung ako na ang umorder para sa'yo." sabi ko at umupo sa upuan ko. Umiling naman s'ya.
"Okay lang. Ikaw naman ang may alam dito." saad n'ya.
Kaya nilapag ko sa harap n'ya ang pagkain na inorder ko para sa kan'ya.
"Chicken Ala King 'yan. Masarap 'yan." nakangiting sabi ko at nilapag ko ang coke, fries at mcflurry. "Oreo mcflurry 'yan." tumango naman s'ya. Pareho lang ang inorder ko para sa'ming dalawa.
Nagsimula na kaming dalawang kumain. Habang kumakain s'ya ay pinagmamasdan ko s'ya. Halata namang nagustuhan n'ya ang inorder ko para sa kan'ya kaya napangiti na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng fries at ni-deep sa ice cream at kinain. Tinignan ko naman s'ya at nagtataka naman s'yang tumingin sa akin.
"What are you doing?" kunot-noong tanong n'ya.
"Bakit?"
"Ang weird ng ginagawa mo." sabi n'ya kaya sumimangot ako.
"Masarap kaya 'to. Try mo." sabi ko at kumuha ng fries sa kan'ya at ni-deep sa ice cream n'ya pagkatapos tinapat sa kan'ya kaya inurong n'ya palayo ang ulo n'ya.

BINABASA MO ANG
Separated
Novela JuvenilVillanueva Series #1 Si Althea Selene Rodriguez ay isang exchange student na mapalad na napili ng VU o Villanueva University na isang prestigious university sa Manila na pinapangarap ng karamihang estudyante. Magbabago ang buhay n'ya ng makilala n'y...