Pagkapasok ko sa room ay napansin kong wala pa si Ryzk sa upuan nito. Lagi kasi itong unang pumapasok sa kanilang dalawa ni Reese. Kaya nakakapagtakang wala pa ito gayong nandito na si Reese.
Pagkaupo ko ay hindi ko mapigilang mapatingin sa pwesto n'ya sa pagtatakang wala pa rin s'ya. Pero naisip ko na baka may importante lamang itong ginawa kaya wala pa rin s'ya hanggang ngayon.
Pero tanghali na ay hindi pa rin s'ya dumadating. Tapos wala rin kaming pasok sa hapon. Nang lumapit sa akin si Reese ay halata sa muhak nito ang lungkot at halatang puyat dahil sa eyebags nito. Kaya nag-aalala akong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa magkabilang balikat.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko. Umiling s'ya at napansin kong namumuo ang luha sa mata n'ya.
"Reese, anong problema?" tanong ko pero yumuko s'ya at umiling.
Napansin kong tumulo na ang luha sa mata n'ya kaya niyakap ko s'ya at do'n na s'ya humagulgol kaya hinagod ko na ang likod n'ya. Umiyak lang s'ya nang umiyak sa balikat ko at habang yakap-yakap ko para maramdaman n'ya nandito ako para sa kan'ya.
Nang kumalma s'ya ay lumayo s'ya sa akin at pinunasan ang mga luha n'ya at tinignan ako ng may maliit na ngiti.
"Masasabi mo na ba sa'kin kung anong nangyari?" tanong ko.
"Nag-aalala ako kay Ryzk, Althea. Nag-away yata sila ni Daddy." naiiyak na sabi ni Reese. Kaya nag-alala ako sa sinabi n'ya.
"Kaya ba hindi s'ya pumasok?" tumango naman s'ya. "Kumusta s'ya?"
"Hindi ko alam, Althea. Nagkulong s'ya sa kwarto n'ya at ayaw magpapasok ng kung sino." nag-aalalang sabi n'ya at hinawakan s'ya sa kamay. "Althea, subukan mo naman s'yang kausapin oh." kaya nagulat ako sa sinabi n'ya.
"I know that the two of you are close now. So please, Althea, please, talk to him." nagmamakaawang sabi n'ya kaya bumuntong-hininga ako at tumango.
"Sige, susubukan kong kausapin s'ya." sabi ko at nginitian s'ya ng kaunti.
Nang makarating kami sa bahay nila ay bumungad sa amin ang isang katulong na may katandaan na. Halata rito ang pagiging strikto kaya nakakatakot na kausapin at tignan s'ya.
"Kumusta po si Ryzk, Manang? Lumabas na ho ba s'ya sa kwarto n'ya?" tanong ni Reese at pumasok sa loob kaya sinundan ko s'ya at nang tumapat ako sa matanda ay tumungo ako.
"Magandang tanghali po." magalang na bati ko.
"Magandang tanghali rin." bati nito pabalik kaya sinundan ko si Reese na nakaupo sa mahabang sofa sa sala nila. Umupo agad sa tabi n'ya ng dumating ang isa pang katulong na may dalang tray.
"Hindi pa s'ya lumalabas ng kwarto n'ya, hija. Nag-aalala na kami. Ayaw n'ya rin kaming pagbuksan. Hindi naman namin gamitin ang susi dahil ipinag-utos ng Papa mo na 'wag gagamitin dahil lalong magagalit si Ryzk." sabi ni Manang na nasa gilid pala namin. Tumayi ito sa harap namin na halatang nag-aalala at problemado.
Kaya tinignan ako ni Reese. "Gusto mo na bang kausapin s'ya o gusto---"
"Gusto ko s'yang makausap." seryosong sabi ko. Kaya bumuntong-hininga s'ya at tumango.
"Follow me." sabi n'ya sabay tayo at naglakad papunta sa taas kaya sinundan ko s'ya.
Nang papalapit na kami sa kwarto n'ya ay naabutan namin ang isang lakake na kamuhka ni Ryzk. Halatang ito ang ama nila. Nang mapansin n'ya kami ay bumuntong-hininga s'ya. Naglakad papalapit si Reese kaya sinundan ko lang s'ya. Nang tumapat na kami ni Reese sa tatay n'ya ay bumuntong-hininga si Reese.
"Daddy, ito po si Althea, kaibigan ko po." sabi ni Reese kaya nag-bow ako sa lalake.
"Magandang tanghali po." sabi ko kaya tumango naman ang lalake.
BINABASA MO ANG
Separated
Roman pour AdolescentsVillanueva Series #1 Si Althea Selene Rodriguez ay isang exchange student na mapalad na napili ng VU o Villanueva University na isang prestigious university sa Manila na pinapangarap ng karamihang estudyante. Magbabago ang buhay n'ya ng makilala n'y...