Chapter 3

4 0 0
                                    

Unang araw ng klase kaya maaga akong nagising at nag-ayos para sa pagpasok ko. Nang masiguro kong ayos na ang gamit at ang suot ko para sa araw na 'to ay nagpasya akong bumababa na para masabayan sila Mama sa umagahan. Pagkababa ko ay saktong kakatapos lang ni Mama mag-ayos nag hapag-kainan kaya nilapitan ko s'ya at hinalikan sa pisngi. 

"God morning, Ma." bati ko sa kan'ya.

"Good morning, anak." bati pabalik sa akin ni Mama kaya lumapit ako kay Papa at hinalikan din s'ya sa pisngi.

"Good morning, Papa." 

"Good morning, princess." bati sa'kin ni Papa. "Ang ganda naman ng prinsesa ko." nakangiting sabi n'ya kaya pabiro akong sumimangot at umupo sa harap n'ya.

"Binibola mo naman ako, Papa, e." sabi ko at nilagay ang gamit ko sa tabi ko.

"Hindi ah! Ba't ko naman gagawin sa prinsesa ko 'yon?" tanong ni Papa kaya napa-iling na lamang ako at nagsimula na kaming kumain. 

Pagkatapos kumain ay chineck ko ulit ang gamit ko kung kumpleto ito at ng masiguro na nandun na lahat ang gamit ko ay sumunod na ako kay Papa papunta sa sasakyan dahil s'ya raw ang maghahatid sa akin. Halos thirty minutes lang ang byahe papunta sa school kaya nakarating din kami kaagad. Pababa na ko ng magsalita si Papa.

"Nasayo na ang alllowance mo?" tanong ni Papa kaya tumango ako. "Sige, good luck sa first day of school." sabi n'ya at hinalikan ako sa noo kaya nginitian ko s'ya at bumababa na ko sa sasakyan. Nang umalis na si Papa ay napatingin ako sa gate habang dumadating ang kotse ng mga estudyante. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa kaba at humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. 

New school, new environment. 

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papasok. Ang ibang estudyante ay busy na nakikipag-usap sa mga kaibigan nila, habang ang iba naman ay tinitignan ako. Sabagay, bago lamang ako rito kaya naniibago sila na may bagong estudyante. Habang naglalakad ako ay biglang may nagsalita sa speaker kaya napahinto ang lahat ng estudyante sa ginagawa nila pati ako ay napahinto sa paglalakad.

"Good morning, VU students'. Magsipunta na muna ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang klase. Maraming salamat." sabi ng isang babae sa speaker kaya nagsipuntahan ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang building papunta sa classroom nila kaya agad akong pumunta sa college department pero napatigil na lamang ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin.

"Ms. Rodriguez?" paglingon ko sa taong tumawag sa akin ay nakita ko si Ms. Eryn na nakatayo 'di kalayuan sa akin, nakalagay ang dalawang kamay sa likod at nakangiti sa akin. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya.

"Bakit po?" magalang na tanong ko.

"Maaari mo ba akong tulungan sa mga gamit ko?" tanong n'ya kaya tumango ako.

"Tara sa faculty." nakangiting sabi n'ya at naunang maglakad kesa sa akin kaya sumunod na laamng ako sa kan'ya papunta faculty room. Nang makarating na kami doon ay bumati ako sa ibang guro habang sinusundan si Ms. Eryn sa table n'ya na nasa dulo na kahilera lamang ng pinto. Binigay n'ya sa akin ang laptop n'ya at dala naman n'ya ang bag n'ya. 

"Mauna ka ng maglakad." nakangiting sabi n'ya kaya nauna na akong maglakad habang nagbibigay galang sa mga guro. Nang makalabas na kami ay sabay kaming naglakad ni Ms. Eryn apuntang elevator. S'ya pa mismo ang pumindot ng button habang nakatayo lamang ako sa tabi n'ya at nakatungo.

"Kinakabahan ka ba?" tanong n'ya kaya napa-angat ako ng tingin at nakitang nakangiti ito sa akin.

"Opo." nahihiyang sabi ko.

"Naiintidihan ko. Bago ang school kaya bago rin ang environment. Parang back to zero ka ulit kasi kaialngan mong makipagkaibigan sa ibang tao, unlike, sa school mo dati marami ka ng kaibigan." sabi n'ya sa akin at naunang pumasok sa elevator kaya sumunod na lamang ako sa kan'ya.

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon