Chapter 2

3 0 0
                                    

Pagkadating namin ni Mama sa VU ay namangha talaga kami sa laki ng university. Dapt nagyon pa lang ay malibot ko na ito para hindi na ko maligaw sa Lunes. Baka ayun pa kasi ang maging dahilan ng pagka-late ko. Pagkapos mo pa lang ng malaking gate ay may makikita kang dalawang daan sa gilid, sa taas niyon ay may nakasulat na 'Parking Lot'. May makikita ka pang isang malaking gate at pagkapasok mo ay bubungad agad sa iyo ang quadrangle, sa gitna nang quadrangle ay may fountain tapos sa gilid nito ay may apat na benches. Ang linis ng bermuda grass dito sa quadrangle na mahihiya ka talagang tapakan ni magtapos ng basura, na hindi naman talaga dapat gawin. Talagang maalaga sila sa eskwelahan na ito.

May tatlong daan papunta sa tatlong building ng University. Sa left side ay ang College Department, sa middle naman ay ang papuntang High School Department, at sa right side naman ay ang Senior High Department. Ayun yung nakasulat sa nakita naming arrow sa tatlong daan papunta sa mga building. Kaya pumunta kami sa left para makapunta sa college department.

Nang makarating kami doon ay nagtanong kami sa janitor na nakita namin sa hallway kung saan ang registar office at tinuro n'ya ito sa dulo ng hallway kaya pumunta kami doon at agad naman namin 'tong nakita.  Kumatok kami at nakita namin ang isang may katandaan ng babae. 

"Yes, how can I help you?" mabait na sabi nito.

"Uhm... Hinahanap ko po kasi si Mrs. Joyce Cruz?" nahihiyang sabi ko.

"Ako 'yon, bakit?" sabi nito at nagsuot ng salamin.

"Ako po si Althea Selene Rodriguez, taga-St. John University---"

"The exchange student?" pagputol sa'kin ni Mrs. Cruz kaya tumango ako at nahihiyang ngumiti. "Oh! Come in, please." sabi nito kaya nahihiya kaming pumasok ni Mama sa opisina n'ya.

"Seat down." sabi n'ya at tinuro ang apat na upuan sa harap ng desk n'ya kaya magkaharapan kaming umupo ni Mama. "Kasama mo pala ang mother mo." nakangiting sabi n'ya saamin kaya tumango ako.

"Gusto n'ya raw po kasing sumama." nakangiting sabi ko kaya natawa ng mahina si Mrs. Cruz.

"May I see your files?" tanong ni Mrs. Cruz kaya inabot ko sa kan'ya ang puting folder ko, pati letter na ipinadala sa akin ay nandun din.

Habang tinitignan n'ya ang mga files ko ay may lumabas na babae sa pinto sa gilid, mga nasa 20s panigurado ang babae. Lumapit s'ya kay Mrs. Cruz at inabot naman ni Mrs. Cruz ang folder ko sa babae.

"By the way, she's my secretary, Dana Cruz, my daughter." pagpapakilala ni Mrs. Cruz.

"Good morning po." sabay naming sabi ni Mama.

"Good morning." bati nito sa amin pabalik.

"Naka-process na ba ang files ni Ms. Rodriguez?" tanong nito sa anak.

"Opo, Mama, hard copy na lang ng mga files ni Ms. Rodriguez ang kailangan natin." sabi ni Ma'am Dana kaya napatango si Mrs. Cruz.

"Kung ganun, kailangan mo na lamang pumunta sa Supplies' Office para makuha ang mga kailangan mong libro pati na rin ang schedule mo." sabi ni Mrs. Cruz samin kaya tumayo na kami ni Mama at nagpasalamat sa kanilang dalawa.

"Ang Supplies' Office ay dalawang kwarto mula dito papunta sa kung saan kayo nanggaling." nakangiting sabi ni Ma'am Dana kaya nagpasalamat ulit kami at pumunta sa Supplies' Office.

Pagpunta namin doon ay kumatok muna kami at binuksan ang pinto. Pagkabukas namin ng pinto ay nakita namin ang isang lalaki na kasing edad lang siguro ni Papa at isang babae na kasing edad naman ni Ma'am Dana. S'ya ang unang nakapansin saamin ni Mama.

"Kayo po ba si Ms. Althea Rodriguez?" tanong nito kaya napansin na rin kami ng kasama n'ya.

"Opo, ako nga po." nahihiyang sabi ko. 

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon