Ilang araw na rin akong nandito sa ospital at ramdam ko ang mas lalo kong panghihina. Bumisita rin sa akin ang tatlong kong matalik na kaibigan na masa Laguna. Napalapit din ang mga ito kay Reese kaya kapag nandito ang tatlo ay talagang umiingay ang kwarto ko dahil sa mga tawanan at kwentuhan namin.
Bumisita rin sa akin ang pamilya nila Reo at Janus. Kinamusta nila ako at naging malapit din ang mga ito sa mga magulang ko. Nakita ko na rin okay na ang relasyon ni Janus sa tatay n'ya kaya masaya ako. Kasi alam ko na kahit mawala ako rito sa mundo, sa tabi ni Janus ay nakita ko naman maayos na ang relasyon n'ya sa Papa n'ya. Na malaya na ang puso nito sa galit.
Wala ring oras o araw na hindi ipinaramdam sa akin ni Janus ang pagmamahal n'ya. Lagi n'ya akong binabantay pagkatapos nito sa school. Pumunta pa nga s'ya rito kasama si Reese at Reo, minsan naman ay hindi at naiintidihan ko 'yon. Nalaman ko rin na Architecture rin ang kinuha nito. Kumuha lang s'ya ng Culinary ay dahil sa Mama n'ya na nami-miss na n'ya. Nagulat pa nga ako ro'n dahil ni hindi man lang ito lumiban sa klase namin, 'yon pala ay kinuha n'ya ang afternoon class.
Ngayon araw ay nandito na naman s'ya para bantayan ako dahil umuwi si Mama para magpahinga kaya s'ya ngayon ang pumalit para magbantay sa akin. Nagbabalat s'ya ng mansanas ngayon at ako naman ay pinapanood s'ya. Napapansin ko ang patingin-tingin n'ya sa akin kaya napangiti ako at napa-iling.
"Janus, 'wag kang sulyap ng sulyap sa'kin. Baka naman sa kakagan'yan mo ay masugatan ka." pananaway ko sa kan'ya kaya napangiti s'ya.
Ayan din ang napansin ko sa kan'ya nitong mga nakaraang araw. Lagi na s'yang nakangiti pero makikita mo naman sa mata nito na nasasaktan s'ya. Kaya ginagawa ko ang lahat para mawala 'yon sa mata n'ya pero alam ko na babalik din ang sakit na 'yon.
Lumapit s'ya sa akin dala ang lalagyan ng mansanas na binalatan n'ya at hiniwa. Umupo ito sa upuan sa tabi ng kama ko at nilapag ang lalagyan sa tabi ko. Inabutan ako n'ya ako ng isang piraso ng mansanas kaya kinain ko agad ito.
"Pinadala sa akin 'yan ni Mama pagkauwi ko kanina para magpalit." nakangiti sabi nito kaya napangiti ako kahit na nanghihina.
"Manamis-namis..."
"Sabi nila susubukan nilang bisitahin ka mamaya."
"Sige, hihintayin ko sila."
Sinubuan ko s'ya ng isang piraso at agad naman n'ya itong kinain. Napatango-tango pa ito habang nginunguya n'ya ang binigay ko.
"Manamis-namis nga..." nakangiting sabi n'ya kaya pinisil ko ang pisngi n'ya.
"Kumusta ang school?" tanong ko habang kumakain kami ng mansanas.
"Okay lang, nami-miss na nga kita e." nakangising sabi nito at kinindatan ako kaya natawa ako.
"Baliw ka talaga!"
"Pero totoo 'yon. Kaya 'wag mo kong tawanan." seryosong sabi nito kaya hinawakan ko ang pisngi n'ya.
"Ako rin, Janus, ako rin." nakangiting sabi ko kaya napangiti s'ya.
"Kaya ikaw, mag-aaral kang mabuti ha? Dapat maging architect ka balang-araw, hmm?" sabi ko kaya tumango s'ya.
"Pangako, magiging architect ako balang-araw." kaya lalo akong napangiti sa sinabi n'ya.
"Alam kong tutuparin mo 'yan..."
Napansin kong ubos na ang mansanas na kinakain namin kaya tinignan ko ulit s'ya at natawa na lamang s'ya sa akin.
"Sige, ipagbabalat at ipaghihiwa ulit kita." nakangiting sabi nito at tumayo para ipagbalat at ipaghiwa ulit ako. Kaya naghintay ulit ako sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Separated
Teen FictionVillanueva Series #1 Si Althea Selene Rodriguez ay isang exchange student na mapalad na napili ng VU o Villanueva University na isang prestigious university sa Manila na pinapangarap ng karamihang estudyante. Magbabago ang buhay n'ya ng makilala n'y...
