Chapter 8

5 0 0
                                    

Pagka-akyat namin ni Reese sa kwarto n'ya ay sakto namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita kong tumatawag si Mama kaya sinenyasan ko si Reese na sasagutin ko lang ito at tumango naman s'ya kaya sinagot ko ang tawag ni Mama.

"Ma, bakit po?" nagtatakang tanong ko.

"'Nak? Anong oras ka uuwi? Magkakaro'n tayo ng bisita e." sabi n'ya kaya tinignan ko si Reese at nakita kong nakatingin din s'ya sa akin.

"Pauwi na po, Mama." sabi ko at nagpaalam na sa kan'ya. Kaya lumapit ako kay Reese.

"Reese, sorry, hinahanap na ako ni Mama, magkakaro'n daw kasi kami ng bisita." sabi ko kaya nginitian n'ya ako at tumango.

"No need to say sorry. Ihahatid na kita." nakangiting sabi n'ya.

"Sorry talaga." nahihiyang sabi ko kaya umiling s'ya.

"It's fine, Althea." sabi n'ya at tumayo sa pagkaka-upo sa kama n'ya kaya kinuha ko na ang bag ko para makaalis na rin kami. Habang pababa kami ay tinext ko si Mama.

To: Mama

Mama, p'wedeng maghanda ka po ng mga cupcakes. Thank you gift ko lang po sana kay Reese.

Saktong pagkasend ko ay s'ya namang pagsulpot ni Janus sa harap namin kaya halos matumba ako sa gulat ng makita ko s'ya.

"Saan kayo pupunta?" seryosong tanong n'ya habang nakakunot ang noo n'ya.

"Ihahatid ko lang si Althea. Hinahanap na raw kasi s'ya ng Mama n'ya." sabi ni Reese kaya tumango si Ryzk at hinawakan ang likod ng ulo ni Reese at hinalikan ito sa noo.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho." sabi n'ya at naglakad papalayo kaya hinatak naman ako ni Reese papuntang garahe nila.

Pagkarating namin sa garahe ay agad binuksan ni Reese ang pinto  kaya agad akong sumakay gano'n din s'ya. Mabilis lang ang byahe namin kaya agad naman kaming nakarating sa amin. Nakita ko pa si Mama sa labas na may hawak na box. Kaya agad akong bumaba at humalik sa pisngi ni Mama.

Nang mapansin kong bumaba si Reese sa kotse n'ya ay agad ko s'yang pinakilala kay Mama.

"Mama, s'ya po si Reese. Kaibigan ko po." nakangiting sabi ko kaya ngumiti si Reese kay Mama at ganun din s'ya.

"Ito nga pala," abot ni Mama kay Reese. "Mga cupcakes 'yan. Bake ni Althea."

"Hindi na po sana kayo nag-abala pero salamat po." nahihiyang sabi ni Reese. "Sige po, tutuloy na po ako."

"Gano'n ba? Sige, mag-iingat ka ha?" sabi ni Mama kaya ngumiti si Reese at tumango kay Mama.

"Opo. Maraming salamat po ulit dito sa cupcakes." nakangiting sabi ni Reese at tumango lamang si Mama kaya pumunta na si Reese sa kotse n'ya at pumasok. Kumaway ako sa kan'ya at s'ya naman ay bumusina at umalis na.

Bago kami pumasok ay napansin ko ang isang sasakyan sa harap ng bahay namin kaya tinawag ko si Mama.

"Mama, kaninong sasakyan po 'yan?" tanong ko sabay turo sa sasakyan.

"Sa bisita natin, anak. Pumasok na tayo." sabi ni Mama kaya tumango ako at sumunod sa kan'ya papasok ng bahay.

Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad sa akin ang mag-asawa na may kasamang bata na sa tingin ko ay sampung taon pa lamang ito. Napansin ko na medyo pamilyar ang itsura ng batang lalaki at ang Papa nito hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita.

"Selene, 'wag mo silang titigan nang gan'yan." saway sa akin ni Papa kaya nahihiya akong tumungo.

"Sorry po."

SeparatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon