Chapter 2

1.3K 82 5
                                    

"Before I meet him, I want to travel. I want to go home. I want to be in the Philippines."

Nagulat silang dalawa at nagtinginan.

"Please let me go. I'm going to be married soon and I just want to have time for myself." Dagdag ko pa na ikinakunot ng noo ni Mommy.

"But you have all the time here, dear. What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Mom.

"I know, but I've been stuck here for many years now. Having this life full of privilege and luxury is tiring. Hindi ko naman sinasabi na I'm ungrateful, I just want to have a rest and live a simple life, Mom." Paliwanag ko. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Bumuntong hininga si Dad at nagsalita.

"At saan mo naman gusto pumunta sa Pilipinas, Celaine?" Tanong ni Dad sa akin.

"Home. I want to feel the fresh breeze and the early morning sun sa probinsya. Gusto ko umuwi ng Bicol." Sagot ko at hindi ko mapigilan na matuwa. Naiisip ko ang itsura ng Bicol at ng dati naming bahay doon.

"Fine then but I will send bodyguards and maids with you." Pagsang-ayon ni Dad pero ayaw ko ng gano'n.

"Please don't. Gusto ko mapag-isa at saka kaya ko naman ang sarili ko, Dad. Wala rin naman may kilala sa akin doon kaya please..." pagmamakaawa ko.

"I just want you to be safe, anak. Oh wait, hon, di'ba andoon si Lightning sa Bicol ngayon?" Baling niya kay Mom.

"I think so. He's checking the branches of his company there at saka, may bahay naman sila doon di'ba?" Sagot ni Mommy. Mas lalo tuloy akong naexcite dahil andoon si Tito Lightning.

"I'll try to contact him. You must pack your things tonight, Celaine. I'm sure Lightning is there." Tugon sa akin ni Dad.

"Yes, I will. Thank you Mom and Dad, you're the best! I'll call you naman everyday para di kayo mag-alala." Ani ko at yinakap silang dalawa. "I have to go somewhere first. I'll see you later po." Pamamaalam ko at sumakay sa elevator.

Bumaba ako sa 5th Floor kung nasaan ang kwarto ko at dali-dali pumasok sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype.

Meet me at the London Eye later. I have something to tell you, guys.

Sent.

Lumabas ako at tinungo ang daan pababa. Pumunta ako sa garahe at sakto nakita ko naman doon si Mang Anton. Sinenyasan ko siya at nakuha niya naman kaagad kung ano ang ibig kong sabihin kaya pumasok siya kaagad sa kotse.

I went to the main door para doon na lang sumakay.

"Mang Anton, to the London Eye please."  Ani ko nang makapasok na sa kotse.

"Yes po, Mam." Sagot niya at pinatakbo na ang sasakyan palabas ng Mansion habang may nakasunod na dalawa pang sasakyan ng mga bodyguards ko.

••••••••

"OMG, you're leaving? But why??" Malungkot na saad ni Samantha.

Kasalukuyan kaming nasa tuktok ng Ferris Wheel at kitang-kita dito ang kagandahan ng London.

"It's just a short period of time, Sam. A vacation. The school year has just ended and I think this is a good opportunity for me to get ready." I answered. Bumusangot naman ang kanyang bibig at siniko ang katabi niya.

Diamond EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon