Chapter 13

887 87 3
                                    

A/N: Diamond Eyes is currently number one on the Transgender stories <3 Please don't forget to vote. Thank you for reading my story :))

•••••••••••

"Hala sis, hindi bagay sa'yo!" natatawang sambit ni Bella habang papasok ng CR.

"Hoy grabe ka naman. May pinagbabagayan ba ang paglilinis ng CR?" natatawa ko na sagot at ipinagpatuloy ang pagkuskos ng bowl sa isang cubicle. Nagvolunteer kasi ako maglinis ng CR ngayong araw tutal mas busy silang dalawa sa akin.

"Hindi naman sa gano'n. Mas bagay kasi sa'yo ang maupo lang. Sit still, look pretty ganoin." Aniya at pumasok sa kabilang cubicle. Kasasarado lang ng shop at naglilinis na kami ngayon. Si Jugo sa counter at sa mga lamesa. Si Bella naman sa kusina.

"Sorry, Thony di ko na talaga kaya pigilan." Singit niya.

"Ayos lang. Lininisan naman 'to para gamitin ulit." Sagot ko.

Pagkalabas ni Bella ay ipinagpatuloy ko pa ang paglilinis ko. Tatlong cubicle kasi itong CR kaya medyo natagalan ako pero panghuli ko na 'tong cubicle. Lininisan ko na rin ang lababo at pagkatapos kong buhusan ng tubig ang sahig ay lumabas na ako. Hindi naman ako nandiri kasi nakagloves naman ako at face mask.

"Kumusta ang pagiging Banyo Queen mo ngayong araw, Thony?" saad ni Jugo nang makapasok ako sa locker room.

"Ayos naman. Nakakaenjoy maglinis ng CR." I said and let out a chuckle. Kasalukuyan na siyang nag-aayos ng gamit niya kaya binuksan ko na rin locker ko at kinuha roon ang gamit ko. Maya-maya ay pumasok na rin si Bella na nakabihis na.

"Hoy mga baks, una na ako, ha. May date pa kasi ako." Pamamaalam ni Bella. Naikwento niya rin na may manliligaw ito. Ayaw niya pa raw ipakilala, saka na lang daw kapag sure na siya roon.

"Echosera!" saad ni Jugo na ikinatawa naming tatlo.

"Bye! Mainggit na ang mainggit, tse!" tawang-tawa na singit pa ni Bella bago siya umalis. Kalaunan ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa ni Jugo. May bibilhin daw kasi siya sa botika para sa kapatid niyang may sakit ngayon. Gusto ko siyang samahan pero ayaw niya naman daw ako abalahin pa.

Maglalakad na sana ako para mag-abang ng tricycle nang may humawak sa braso ko. Kinabahan ako bigla kaya tinignan ko kaagad kung sino ito.

"Siderius"

"Let's go home and get changed. May pupuntahan tayo." Seryosong wika niya at kinaladkad ako palapit sa kotse niya na nakaparada lang sa di kalayuan. Pero kahit kinakaladkad niya ako, he was careful enough not to hurt me.

At saan niya naman akong balak dalhin?

Nang makapasok ako sa kotse niya ay pinaandar niya na ito. Tahimik lang kaming dalawa habang bumabiyahe pero naabutan kami ng traffic.

"Di naman dito nagkakatraffic ah?"tanong ko sa sarili ko. Bihira lang kasi magkatraffic dito sa probinsya sa pagkakaalam ko. Sa dalawang buwan na pananatili ko rito ay hindi ko pa naman na-experience matraffic. Baka may naaksidente o ano.

"You know, you got me thinking sometimes." Nagulat ako nang magsalita siya habang nakatingin sa labas.

"A-Ako?"

"Sino pa ba ang kasama ko rito ngayon?" sarkastiko niyang sagot. Malay ko ba na kinakausap niya rin sarili niya?

"Oh, ano naman iniisip mo sa'kin? Crush mo'ko noh?" pang-aasar ko. Sorry ka, I'm already taken na rin.

"Psh. Tanungin nga kita, bakit sumasama ka pa rin sa'kin kahit alam mo'ng may baril ako?" at ngayon ay tinitigan niya na ako sa rear view mirror kaya iniwas ko ang tingin ko roon. Ayan na naman siya sa mga patitig niya.

Diamond EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon