Chapter 11

883 68 4
                                    

"Touch her and I'll fucking kill you." Napatigil kaming lahat nang magsalita siya. His dangerous voice echoed the place. Halatang natakot ang tatlong lalaki sa kanya ngunit sinubukan pa nung isa magtapang-tapangan.

"Bakit? Anong gagawin mo?!" Nakangisi pa nitong saad. My God, the audacity of this man.

Hinawakan niya ang braso ko at inilapit sa kanya. Halos makasubsob na ako sa matigas niyang dibdib. Huminga siya nang malalim at dinukot ang baril sa bulsa niya at walang pag-aalinlangang ikinasa ito at itinutok sa kanya.

"Try me." Maangas nitong ani na nagpagulat sa kanilang tatlo. Mas mabilis pa sa liwanag ang takbuhan nila pababa.

Nang umalis sila ay bumitaw na siya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinitigan ko na lang ang gwapo niyang mukha. Itinuro niya sa akin ang pamilyar na kotse niya sabay sabi "Get in."

I was absolutely dumbfounded when I realized I followed his order. Mabilis kong binuksan ang pinto ng backseat at umupo roon. Nang makapasok na siya sa loob ng kanyang kotse ay lumingon siya sa akin.

"Are you seriously coming with this man, Celaine?" I said to myself.

"Uhm duh? Do I have a choice? He has a gun. What do you want me to do?"

"I just saved your life and now you're making me your driver?" sarkastiko niyang saad habang sinusuot ang seatbelt niya.

"I don't feel comfortable sitting on the front seat, I'm sorry." Paliwanag ko.

Uhm hello? I still don't know you.

He let out a sigh and then started the engine. "Lead the way." He said coldly. Itinuro ko naman sa kanya ang daan papunta sa bahay. Ilang minuto rin ang lumipas at itinigil niya na ang sasakyan sa tapat ng gate ng subdivision namin. Wala rin naman sa aming umimik habang bumabyahe.

"T-Thank you." Tipid kong saad nang bumaba sa kotse niya. He didn't even bother to look at me and when I closed the door of his car, he immediately left. Tiningnan ko na lamang ang kotse niyang lumalayo sa kinatatayuan ko.

He just saved my life and I don't even know his name. Pero ang mas weird pa rito ay sa naramdaman ko habang malapit siya sa akin.

I felt comfortable when I was near him.

I felt safe.

•••••••••••••


Hindi ko pa rin maiproseso sa utak ko ang nangyari kaninang umaga. I can't believe that I was in the verge of sexual assault. I'm starting to understand why my Father always wanted to protect me.

I didn't bother to tell Dylan about it. Baka maya-maya ay lagi niya na akong bantayan. Wala rin akong plano ipahanap ang tatlong manyakis na iyon, makakarma rin sila.

"Thony, pinapatawag na tayo sa taas ni Sir Sid." Nabalik ako sa wisyo nang biglang magsalita si Bella. I almost forgot that Felix left the province yesterday at papalitan na siya ngayong linggo.

"Okay ka na ba, Bella?" I asked. Sinisinat daw kasi siya kaninang umaga pero pumasok pa rin siya ngayon sa coffee shop.

She smiled at me. "Oo naman. Medyo okay na ako. Sorry talaga kanina, di kita nasamahan." Malungkot niyang sagot. Hindi ko na rin kwinento sa kanya ang nangyari kanina baka mas lalo lang siyang makonsensya kahit wala naman siyang ginawang masama.

"Okay lang 'yun. Naiintindihan ko naman. Mas mahalaga pa rin 'yung gumaling ka." I sincerely said and her smile widened.

"Awee thank you, Thony. Promise sa susunod sasamahan kita." Aniya at yumakap sa akin kaya yumakap naman ako pabalik.

Diamond EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon