Nagising ako dahil sa naririnig kong nag-uusap sa baba. Hindi ko sila masyado naiintindihan pero alam kong boses iyon ni Sid at ng isa pang pamilyar boses. Tinignan ko ang wall clock at nakita na alas otso pa lang ng umaga.
Tumayo na ako at naghilamos at magtoothbrush. After I finished doing my morning routine, I put my contact lenses on and brushed my hair. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko pa roon ang nakasabit na jacket ni Siderius.
"Wear this. It's cold outside." His voiced echoed through my mind. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Hindi ko mapigilan ang kiligin.
Siderius is really melting my heart.
Nang mahimasmasan, tinungo ko na ang papunta sa baba. Sinalubong ako ng pigura ni Sid habang siya ay nasa kusina. Nakaboxer shorts lamang ito at nakasando na pinatungan ng apron.
Ang kisig talaga ng tindig niya. Maskulado ang bawat parte ng katawan at moreno ang kulay ng balat niya.
I can't stop myself from staring at his toned back and his fat butt. He is so damn alluring.
I stiffed when he turned around and looked at me. "Mornin'" he said with his baritone voice. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa boses at kagwapuhan niya.
Kung ito ba naman ang makikita ko pagkagising ko araw-araw ay tiyak na 'di ako magrereklamo.
"G-Good morning." Nauutal kong sambit. Tipid siyang ngumiti at ibinaling ulit ang tingin sa ginagawa niya.
"Hindi ka ba pupunta sa coffee shop ngayon?" Dagdag ko. Lagi naman siyang pumapasok nang maaga kaya hindi ko na siya naaabutan paggising ko but today is different.
"Nope. I decided to skip this morning. Mamaya na lang ata ako papasok na hapon." Sagot niya na hindi ako nililingon.
Teka di'ba may kausap siya kanina? Sino naman kaya iyon?
"Good morning, Ate!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang may humawak sa tagiliran ko.
"Ikaw pala. Paano ka napadpad dito?" Tanong ko at lumuhod para mapantayan ko siya. Siya 'yung batang binigyan ko ng pera at 'yung binigyan ni Sid ng pagkain noong nakaraan.
"I saw her lurking in the streets earlier this morning while I was taking a jog. Napagdesisyunan ko na isama siya dito sa bahay." Sagot ni Sid. Napatango naman ako at tinignan ulit ang bata.
"Ano ba'ng pangalan mo baby? Okay lang ba sa'yo na pumunta rito?" Tanong ko.
"Saara po, Ate. Opo. Pinagpaalaman po ako ni Kuya Sid kay Tito." Natutuwang wika niya. Napangiti naman ako at iginaya siya na maupo sa salas.
"Gusto mo maglaro? Mayroon akong laruan na bracelets dito. Tara gawa tayo" masayang ani ko at tumango-tango siya. Tumayo ako at kinuha ang karton ng binili sa'kin ni Sid na laruan kagabi.
Binuksan ko naman ito at napangiti ako nang makita na excited na excited si Saara na gumawa ng porselas. Kinuha niya ang mga kagamitan sa loob at masayang pumili ng mga beads.
Habang gumagawa ay hindi ko napigilang magtanong tungkol sa buhay niya. Limang taon pa lang ang batang ito at nasa puder ng kanyang Tito dahil maagang pumanaw ang mga magulang dahil nabunggo ang mga ito ng truck habang tumatawid sa kalsada. Isang taon pa lamang siya noong nangyari ang aksidenteng iyon at nadisgrasya raw ang mga magulang niya dahil bibili sana ito ng gamot niya habang nasa bahay siya ng kanyang Tito.
Hanggang ngayon ay namamalagi siya sa kanyang Tito na hindi masyadong pinalad sa buhay. Nakatira sila sa ilalim ng tulay kasama ang iba pang mga batang walang mga magulang.
BINABASA MO ANG
Diamond Eyes
RomanceBound to marry a stranger, a young and elite Celaine de Leoz went on a vacation in the Philippines before she meets her fiancé. Hiding her identity isn't easy especially that she has light grey eyes and a rich lifestyle to discontinue. Trouble co...