Maaga akong nagising at kasalukuyan na akong nag-aayos ng buhok ko. Itinali ko na lamang ito sa isang maliit na pony tail. Isinuot ko na rin ang contact lens kong itim dahil lalabas ako ngayon.Araw ng Lunes ngayon at yinaya ko silang mamasyal pero uuwi raw si Jugo sa katabi naming probinsya para bisitahin ang mga kapatid niya pero babalik lang naman daw siya mamayang tanghali. Si Bella naman ay hindi raw ako masasamahan dahil may sinat daw siya.
Napagdesisyunan ko na magjogging na lang ngayong araw na 'to. Ala siete pa lang naman ng umaga at hapon pa naman ang pasok ko sa Coffee Shop kaya marami akong oras.
Pagkatapos kong itali ay tinignan ko ulit ang kabuohan ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng itim sports bra at itim na leggings. Nang matapos ay isinuot ko na ang sapatos na binili namin sa bangketa ni Dylan noong nakaarang Linggo.
Hindi ito original pero gano'n pa rin naman ang feeling. Sapatos pa rin ito at halos wala namang pinagkaiba ang peke sa orihinal. One thing I learned by staying here is no matter what you wear whether it's expensive or not, it still depends on how you're going to wear it.
Basta dapat kumportable ka sa kung anong isinusuot mo at 'yun ang mahalaga.
Nang matapos ay kinuha ko na ang bottled water ko at lumabas na ng bahay. Naisipan ko na bisitahin man lang ang dati naming bahay dito sa probinsya.
Sinimulan ko na ang pagjogging palabas ng subdivision at tinahak papunta ang daan papunta sa dati naming bahay. Ilang taon na rin ang nakalipas nang umalis kami roon.
Nakahinga rin ako nang maluwag dahil wala naman masyadong tao pa dahil maaga pa lang.
Napatigil ako nang madaanan ko ang coffee shop dahil maingay sa parte na iyon.
Huh? 'Di ba sarado pa ang shop sa oras na 'to?
I jogged nearer and nearer and I saw a bunch of children. Isang dosenang bata ang nasa harap ng coffee shop at nagkukumpulan silang lahat. Masaya sila habang may bitbit na mga pagkain.
Mas lalo pa silang umingay nang may lumapit sa kanila na lalaki.
Teka, pamilyar ang tindig niya.
Nakatalikod siya sa anggulo kung nasaan ako. I can't help but to look at his broad shoulders.
"Oh, kain pa kayo. Marami pa rito." saad ng lalaki. I recognized his voice. Siya 'yung gwapong lalaki sa coffee shop at 'yung nasa labas ng bahay noong isang araw.
So he likes kids?
Iniabot niya ang mga dala niyang paper bag sa mga bata at labis na kasiyahan ang pumuna sa kanila.
May binuhat siyang babae at akmang haharap siya sa akin. Shet. Ambilis ng pangyayari, magtatago pa sana ako ngunit nakita niya na ako.
His eyes widened when he saw me and my heart started to pound real fast. Iniiwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.
"Ate! Ate!" a familiar voice called me that caused me to look back again.
I recognized the little girl who called me. Siya 'yung bata na binigyan ko ng pera noong first day ko rito sa shop at kasalukuyan siyang karga-karga no'ng lalaki.
I still don't know his name.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin habang karga 'yung bata.
Shet. It really makes my heart melt when a man is good with kids.
"Hello po, Ateng maganda! Good morning po!" masayang bati niya sa akin. A smile plastered on my face.
BINABASA MO ANG
Diamond Eyes
RomanceBound to marry a stranger, a young and elite Celaine de Leoz went on a vacation in the Philippines before she meets her fiancé. Hiding her identity isn't easy especially that she has light grey eyes and a rich lifestyle to discontinue. Trouble co...