Chapter 8

897 75 4
                                    

A/N: Hi guys, are you enjoying my story or nabobored na kayo? Maganda ba ang flow? Sorry I want to take things slow kasi. A simple comment would suffice. Thank you for reading <3

•••••••••

Nang huminahon na ang sistema ko ay binuksan ko ang pinto ng kusina ngunit wala na siya sa labas.

"Anong sinisilip mo diyan, sis?" saad ni Jugo at sumilip din sa labas. Inilibot ko pa ang tingin ko ngunit hindi ko na siya mahagilap.

"W-Wala, hehe." sagot ko.

Hindi ko talaga kinaya ang lalaking iyon.

"Chosera. May pinagtataguan ka ba?" singit pa nito at tinignan ako.

"Ha? Wala, ah. May nakita lang ako na kakilala ko pero di ako sure kung siya 'yun." palusot ko at isinarado na ang pinto.

"Okay. Maghairnet ka na, mag-aala una na, oh." mukhang naniwala naman siya at ibinigay niya sa akin ang hairnet.

Siya si Jugo, baguhan din siya rito sa shop ni Felix. Bakla rin siya katulad ni Felix at balita ko magaling daw ito magtimpla ng kape kaya nakuha siyang magtrabaho rito.

Moreno rin siya at mas mababa siya sa akin. Sobrang bait din nito at kalog katulad ni Felix.

Nang isinuot ko ang hairnet at saka naman pumasok si Bella. "Hoy mga bakla, tawag tayo ni Felix. Pumunta raw tayo sa office niya." saad niya.

Sumunod naman kami sa kanya sa taas at naabutan namin si Felix na nasa opisina niya. Nakaupo siya at may pinipirmahang papeles.

"Kumusta kayo? First day niyo ngayon, 'wag kayong papalya, ha. Kung may problema man ay tawagin niyo ako rito sa taas." sambit niya habang nakangiti sa amin tatlo. Ngumiti rin kami pabalik.

"Opo. Makakaasa po kayo sa amin." sagot ni Jugo.

"May kailangan din akong sabihin sa inyo." dagdag pa ni Felix.

"Ano po iyon?" tanong naman ni Bella. Si Bella ay katulad ko rin na waitress dito sa café. May kaputian ang kutis at may itsura rin ito.

Pumasok daw siya rito dahil kailangan niya raw tulungan ang kanyang pamilya. Wala raw kasi masyadong benta ang negosyo nila kapag summer kaya naisipan niyang maging waitress.

"Kailangan ko muna kayong iwan sa kakilala ko. Maghahanap kasi kami ng Papa ko ng mga lugar na pwedeng pagtayuan ng branches nitong shop para mas lumago." pagpapaliwanag nito. Sino naman kaya iyon na kakilala niya?

"Sa susunod na linggo na kami aalis ni Papa kaya sa susunod na linggo na rin ako papalitan. 'Wag kayong mag-alala, mabait ang kaibigan kong iyon." singit niya pa. Tumango naman kaming tatlo.

Pagkatapos niyang magpaliwanag ay pinababa niya na sina Jugo at Bella. Naiwan ako rito sa opisina niya.

"Thony?" tawag niya sa akin. Lumapit naman ako sa may lamesa niya.

"Yes po?"

"Sa totoo lang ay hindi ko rin masyadong kilala itong si Sid. Kapamilya daw ito ni Sir Lightning. Kilala mo ba siya?" seryosong tugon niya sa akin.

Sid? Wala akong kilalang Sid sa pamilya ni Tito Lightning.

"Sid? Wala po akong kilalang Sid." naguguluhan kong sagot. Baka pamangkin ito ni Tito Lightning at hindi ko pa siya nakikilala.

"Ah gan'on ba? Siya kasi ang nagbigay ng pondo para maipatayo itong shop at magbibigay pa rin siya para sa susunod na branches nito."

So he's like a shareholder or something?

Diamond EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon