"You're leaving again." Malungkot kong sambit nang makapasok ako sa pinto ng opisina niya rito sa bahay.He looks exhausted. Nakaupo siya habang nagtitipa sa kanyang computer. Nakabukas din ang isa sa mga laptop niya. Nakasuot siya ng grey turtle neck na long sleeves at hubog na hubog ang kakisigan niya roon.
He fixed his eyeglasses when he saw me. "Sorry, there's an important client arriving later at the company. Hindi ako pwede mawala roon." Pormal niyang tugon.
Malaki itong opisina niya. Kulay itim at pula ang paligid. Napapalibutan ng mga libro ang dingding at nasa dulo ang lamesa niya. Gawa rin sa salamin ang dingding sa likod ng upuan niya.
I just sighed while standing in front of the door.
Hindi pa rin natatapos ang mga projects niya at ganoon pa rin naman ang nangyayari. Wala siyang oras para sa'kin.
"I know what you're thinking." At tumayo siya at naglakad papalapit sa'kin.
"I'm sorry." Dagdag niya at hinila ako. He hugged me. I felt his warm body on my chest. Maingat niya akong yinakap dahil alam niyang hindi pa magaling ang sugat ko sa dibdib.
"I understand." I exclaimed.
Humiwalay naman siya sa yakap ngunit hawak niya ang magkabilang braso ko.
"I hope you do. I'll be back tomorrow. You have to rest now."
Aalis na naman kasi siya mamaya dahil napaaga ang pagdating ng isang kliyente niya. Wala akong ibang magagawa dahil importante naman talaga iyon para sa kanya. Maghihintay na naman ako rito ng ilang oras bago siya dumating.
"I don't want to." Saad ko.
"'Wag ka na makulit, Babe. It's late and you have to get some sleep." Aniya habang hinahawi ang buhok ko.
"Anong oras ka ba babalik?" Tanong ko. And I'm not expecting it to be early. He's always late.
"I don't know yet. Just wait for me, okay? May gusto ka bang bilhin? I'll buy it for you before I get home." He tried to cheer me up but I didn't feel anything. Hindi pa nga siya umaalis pero parang namimiss ko na siya kaagad.
"Wala. I just want you to be with me."
Halos lahat naman ng bagay ay abot-kamay ko na. Wala na akong ibang gugustuhin pa kundi siya. Gusto ko lang naman siya makasama nang matagal, eh.
"I'm working on it, don't worry. I love you, sige na matulog ka na." Paglalambing niya pa at hinalikan ako sa labi.
"Okay." I said in defeat. I've always been a sucker for his kisses. I hugged him once again and started to walk out of the room.
Ang rupok mo, Celaine!
But I can't resist Vladimir. He's so cute when he does that. Lagi na lang lumalambot ang puso ko kapag nararamdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Ginusto ko naman ang pakasalan siya at dapat kong tanggapin kung anong kaakibat no'n.
Pero nakakapagod na rin.
Nang makapasok ako sa kwarto namin ay napatitig ako sa wedding portrait naming dalawa. We look so happy together even though it was a formal pose. Nakaupo ako at siya naman ay nakatayo. Kita rin sa likod ang malaki naming bahay sa France dahil sa labas ito kinuhanan ng litrato. Bagay-bagay ang aming kutis na dalawa. Parang kape at gatas.
Patience is really a virtue especially when it comes to marriage.
•••••••
BINABASA MO ANG
Diamond Eyes
RomanceBound to marry a stranger, a young and elite Celaine de Leoz went on a vacation in the Philippines before she meets her fiancé. Hiding her identity isn't easy especially that she has light grey eyes and a rich lifestyle to discontinue. Trouble co...