Chapter 29

949 69 10
                                    


A/N: Rated SPG emz! First time ko magsulat ng ganito pagpasensyahan niyo na! HAHAHA. Please don't forget to vote and comment. Thank you for reading my work! Ily!

-clinquanttt
glittering with gold and silver

•••••••

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang liwanag na dumadampi sa aking mukha. I opened my eyes and saw the familiar view of our balcony.

Nakabalot ako sa kumot at nasisinagan na ako ng araw sa mukha. I realized that I'm in our bedroom.

Teka, di'ba sa sala ako natulog kagabi?

Bumangon ako sa pagkahiga ko at nakita sa orasan na alas otso na ng umaga. My heart started to hurt and my throat started to feel dry.

That was one of our worst fights.

Alas otso na at wala na naman siya sa tabi ko. Nasa trabaho na naman siya. I can't stop myself from crying.

Hinayaan ko na lamang ito tumulo habang papalabas ako ng kwarto. The house was quiet as usual. Walang presensya ni Vladimir.

Nadaanan ko pa sa sala ang bagong dating na mga karton galing sa Louis Vuitton at Chanel ngunit walang excitement na naidulot ito sa'kin. I just want to spend time with Vladimir right now.

"You're awake." Napatigil ako nang makita siya sa kusina. Nakasuot siya ng apron at nakasando at boxers lamang na panloob.

"I guess I'm still dreaming again." Ani ko at napasinghot. Sa panaginip ko na lang ata siya makakasama nang matagal.

"I'm real. I cancelled all of my meetings." Mahina niyang tugon at inilapag ang mga pagkain sa dining table. Napako lamang ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala na nandito pa rin siya.

"Come here, Babe. Hindi ka kumain kagabi at hindi ako papayag na hindi ka kakain ngayon." Seryoso niyang dagdag at iginaya ako sa upuan. The table was full of breakfast dishes. Nakita ko ang macaroons at iyon ang pinagkaabalahan ko.

Hindi ko alam. Hindi pa rin nawawala ang iniisip ko. Bigla na namang bumalik ngayon. I feel guilty dahil kinansela niya mga meeting niya dahil lang sa'kin.

"Are you still mad? I already booked a flight to Mi---"

"I only fly first class." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. He was surprised but then he looked worried afterwards.

He sighed. "Let's eat first." Malumanay niyang sabi at uminom ng kape. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sinimulan din ang pagkain.

We were silent for a while. Tanging mga kubyertos lang ang naririnig sa buong dining area. Nang matapos akong kumain ay akmang tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

"Celaine."

"What?"

"What's wrong? Can we please talk about it right now? Come on, let's fix this." Kalmado niyang tanong sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

"What do you think is wrong?" Pagbabalik tanong ko sa kanya.

"Is it about my time? I'm sorry, I really am. I'm here, I won't leave you."

"You only did it because you're guilty. Stop this already, alam kong mas importante ang kumpanya mo. You should get ready for work." Kalmado kong sagot. Kung hindi naman ako nagkakaganito ay hindi niya 'to gagawin, eh. Bumalik na lang sana kami kung saan kami sanay.

"No, I want to spend time with you too. Babe, please. I'll make it up to you, I promise." His dark eyes were twinkling that made my heart flutter. Lumambot na naman ang puso ko at hindi ko na naman mapigilang umiyak.

Diamond EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon