Chapter 11

1.4K 42 0
                                    

Chapter 11

The thing I like the most about our university is that we don't have classes every Monday. So we have like an extra day for us to rest. Di kami masyadong nakaka-relate sa 'I hate Mondays'. But we do have a day that we all hated: Tuesday.

Noon ay hindi ko naman hate ang Tuesday. It was a just a normal school day for me. But after this semester started, I developed a hate towards Tuesdays.

"Parang ayokong pumasok," I murmured as I went out of my room. Gising na si Love and Faith and they're already eating. Pansin kong tapos nang maligo si Faith while nakapantulog pa si Love.

"Ako nga rin eh. Sana may extension pa ng weekend," sabi ni Love. Naupo naman ako sa harap ng dalawa para kumain na rin ng umagahan.

"Wala na ngang pasok ng Mondays. Hihirit pa ng extension? Kayo talaga," said Faith, who's obviously enjoying her food.

"Kailan pala daw balik nina Daddy?" Love queried.

"Di ko alam. Walang binanggit sa akin," I replied. Sakto namang naglapag ng pancakes si Manang sa mesa kaya I asked, "may sinabi po ba sina Mommy kailan balik nila, Manang?"

"This week daw iyon. Wala namang eksaktong araw na sinabi," sagot naman ni Manang. Madalas kasi talaga wala ang parents namin dahil sa business. Kaya si Manang na rin madalas naming nakakasama sa bahay, which is okay na rin naman sa akin since close naman kami sa kanya.

"Sabay ka na dito, Manang. Ang dami na ng niluto mo," sabi naman ni Faith nang mapansing hindi na naupo si Manang.

"Aba'y marami talaga akong niluto kasi ilang araw rin akong wala dito. Baka hindi kayo nakakain nang maayos," she responded.

"Nako, Manang. Nakakakain po kami nang maayos. Hope took care of us," Love said smilingly.

"Maaga ka ata ngayon, Faith?" I queried. Pareho kasi kaming tatlo na 10 am rin ang first class. It's just 7 am pero nakaayos na si Faith.

"Yeah. Uuna na ako ngayon sa school. May aayusin pa kasi kaming report ng groupmates ko," she replied.

"2nd week pa lang pero may reports agad?" Love commented.

"Mas mabuti nga 'yong mauuna kaming mag-report ngayon para wala na kaming ibang iisipin for the rest of the semester aside sa exams and final project. Required kasing mag-reporting each group," she stated.

"Kahit naman marami kang iisipin, you still ace your acads," I commented. Inggit talaga ako sa talino niya. But of course, I'm still a proud sister.

I was about to drink my milk when I felt my tummy hurt. Naudlot tuloy ang plano kong uminom ng gatas.

"Oh? Anong nangyari?" Asked Faith. Siguro ay napansin nilang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ko. God, this hurts.

"Masakit tiyan ko," I replied. It hurt again. "Nope. It wasn't my tummy. Puson pala," I mumbled.

"Baka meron ka?" Love murmured.

"Not until next week," I responded.

"Baka napaaga," sabi naman ni Faith. I just excused myself and went to the comfort room to check. Ang sarap na sana ng kain ko.

I checked pero wala naman. Baka nag-iinarte lang ang puson ko.

"Dala ka na lang extra sa school later. Baka dun ka datnan," Faith suggested after I came back and told them it's still not red time. Bumalik na lang ako sa pagkain.

•●•

Medyo nawala na ang sakit ng puson ko when I arrived at school. Meron pa konti pero di na kasing sakit 'nong kanina. I think I can manage. I already put salon pas para mabawasan ang pananakit.

Forbidden (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon