Chapter 31
My sisters were cool about Troy and I's relationship. Ramdam kong kinakabahan sila sa amin, kahit naman ako eh. But I just don't know why I can't let him go. Hindi ko ata kaya. Minsan na nga lang akong magkagusto nang ganito, papalampasin ko pa?
It was a weekend and we're just at home. Kaso itong mga kapatid ko ay naisipang i-invite si Troy sa bahay for dinner. Hindi nga sana ako papayag but they insisted. Gusto daw kasi nilang makausap.
Nang sabihin ko kay Troy ang tungkol doon ay hindi rin siya nagdalawang-isip na pumayag. He said he's serious about me kaya wala raw dapat siyang ikatakot. Kung pwede nga lang daw na parents ko agad ang harapin niya kaso hindi niya magawa because I told him he can't. For now. Alam ko kasing magagalit ang parents ko kapag nalaman ang tungkol sa amin. Kung iisipin, marami nga talaga ang aayaw sa aming dalawa kapag nalaman nila. Pero alam ko namang malalampasan rin namin 'to. More than a year and the struggle will be over.
Sa tuwing naiisip kong dadating 'yong araw na pwede ko na siyang iharap sa mga tao, na hindi ko na siya kailangang itago, it gives me hope. Matatapos naman 'to eh. It's not forever he's my Instructor. Sooner I'll graduate and we'll get through it.
"Hoy, 'wag kang bantay nang bantay diyan!" Natatawang sabi ni Love. Napansin niya sigurong panay ang pagtambay ko malapit sa bintana kung saan kita ang gate namin. Sa tuwing nakakarinig kasi ako ng tunog ng sasakyan ay akala ko'y si Troy na kaya para akong hindi mapakali. Naupo na lang tuloy ako dito para kapag dumating siya ay ako ang unang makakaalam.
"Excited ka, Hope?" I heard Faith. Nakatalikod ako sa kanila but I could sense they're smiling.
"Ngayon lang kita nakitang ganyan," sabi naman ni Love. "Darating 'yon, don't worry," she added.
For the dinner tonight ay napagpasyahan naming um-order na lang ng pagkain. Masyado kasi akong aligaga kaya hindi ako nakapagluto. Si Faith naman ay may ginawa kanina samantalang si Love ay hindi naman mapagkakatiwalaan sa kusina. That's why we ended up ordering a bunch of food.
"Alam na ba ni Clarisse?" Love queried. This time ay humarap na ako sa kanila, but still not leaving my seat near the window.
I shook my head as a reply. Hindi pa kasi ako makatyempo eh. I don't know how to break it to her. Kahit si Lio nga ay kinukulit na akong sabihin ko na raw kay Clarisse. Baka kasi magtampo kasi siya ang huling makakaalam. Kaso iyon nga, hindi ko alam paano sasabihin sa kanya ang lahat. Si Clarisse pa naman ang pinakamatindi kung magtampo sa amin. Minsan tumatagal pa ng ilang araw. Mahirap pa naman siyang suyuin. Lalo na para sa akin na hindi naman ganoon ka-sweet na tao.
"Hala ka, Sis. Baka magtampo na 'yon," Love said.
"Sasabihin ko naman. Hindi ko lang alam kung paano," I replied.
"Uhmmm durrr." Love rolled her eyes. "Tell her," she then paused and cleared her throat, "Clar, may boyfriend na me. Guess sinetch itey."
Faith laughed. "Baliw," I retorted. Medyo natawa rin ako.
"Or...." She cleared her throat again. "Girl, boyfriend ko na ang isa sa mga pinaka-hot na instructor dito sa school. Aren't you proud of me?"
Tawa na nang tawa sa Faith sa mga naiisip ni Love.
"Or! Or!" This time, she seemed too excited. "Hindi ko kamukha si Mama Mary, ka-birthday ko lang. Pero may Sir Marco na ako."
"Ay, gets ko 'yong reference!" Natatawang sabi ni Faith.
"Baliw talaga. Ewan ko sa 'yo," natatawa na ring sabi ko. Dadagdagan ko pa sana ang sasabihin ko pero may narinig na akong sasakyang huminto sa tapat ng gate namin. Mabilis ko 'yong nilingon and saw it was indeed Troy's car.
Mabilis akong napatayo at tumakbo palabas.
"Ay, excited talaga siya," narinig ko pang sabi ni Love. Pero hindi ko na 'yon sinagot saka dumiretso na sa labas.
Nang makalapit na sa gate ay sakto naman ang pagbaba niya mula sa sasakyan niya. He hurriedly smiled at me and I returned it just as sweetly as his.
May kinuha lang siya sa passenger's seat. It was a box of cheesecake.
"Your favorite," nakangiti niyang sabi sa akin habang pinapakita ang box na hawak niya. Mabilis kong binuksan ang gate para papasukin siya.
"Thank you," I murmured. Sabay na kaming naglakad papasok ng bahay. "Di ka kinakabahan?" I asked. Para kasing ang chill niya lang na makakaharap niya ang dalawang kapatid ko.
"A bit," he said. "I already met them, so I guess it helped. Mas iba siguro ang kaba kapag parents mo na ang haharapin ko," he added. He smiled at me sweetly.
At the right time, Troy.
Nang makapasok sa bahay ay nakita kong naghahanda na sina Love and Faith sa dining. Doon na kami dumiretso.
"Good evening, Sir! Welcome to our humble home!" Masiglang bati ni Love. Si Faith ay nakangiti lang.
"Here, I bought some cheesecakes for dessert," Troy mumbled.
"Wow, thank you," Love said sabay kuha ng box para ilagay sa lalagyan at ma-serve.
Nagsiupo na kami sa upuan. Katabi ko si Troy na nasa kaliwa ko. Nasa kanan ko naman si Faith na katabi naman si Love. Love and I are facing each other.
Bago magsimulang kumain ay nilingon ko pa si Troy to check on him. He just smiled at then I felt him held my hand under the table. Nagpigil lang ako ng ngiti.
Love cleared her throat kaya nawala 'yong pansamantalang bubble naming dalawa. And then we prayed and began eating.
At first, we were talking about random stuff. It's like warming up. Chill and easy topics muna before the nerve-cracking one- about us. Komportable naman si Troy and he doesn't seem nervous at all. Nasasabayan niya naman ang mga kabaliwan ni Love at nasasagot ang mga tanong ni Faith.
"So... about you two..." Love began. I knew it would be her who will bring it up. Sa amin naman kasing tatlo ay siya ang pinakamakapal ang mukha at pinaka may lakas ng loob sa amin.
"I'm sorry we hid it from you," Troy said.
"Gets naman namin why you hid it so it's okay," Love murmured.
"We just want to remind you two to be extra careful. We're not against you being together because we know it makes both of you happy. But if the public will know about this, it will surely affect both of you. So just be careful," Faith said.
"Of course," Troy said.
"You're still an instructor for us but if ever you hurt our sister, pasensyahan talaga tayo, Sir. Kasi nanggugulpi ako ng mga mapanakit na mga tao," Love said.
Troy smiled at her and then I felt him look at me. Nasa gitna pa naman ako ng pagnguya.
"I will never hurt her," he murmured.
I had to drink water to mask what I'm really feeling. Naramdaman ko kasi ang pag-init ng mukha ko.
"I love Hope, and I only intend to make her happy."
Siguro kung ako lang mag-isa ngayon ay nagtatalon at nagsisigaw na ako sa kilig. Pero hanggang pigil lang ako kasi nasa harap ko ang mga kapatid ko.
"Just one more year and we don't have to hide," he said.
Yes, just one more year. We just have to hang in there.
Nang magkasalubong ang tingin namin ni Troy ay napangiti na lang ako.
I could see the love in those eyes.
The love I never thought I'll receive.
I do love him. And I can't wait for the time that we don't have to hide. For now, we'll just have to be contented with whatever we have and can do together.
I love him. He loves me. And I guess it's an enough reason for us to keep this relationship going.