Chapter 12
One of the things I hate is when I'm stuck in a situation I don't like. Tipong I won't be able to think straight. Tipong hindi ko alam kung paano aalis sa sitwasyon na 'yon.
And hell, it's happening.
Para akong tangang napapikit na lang in front of Sir Troy. I don't know what to do. It's so embarrassing.
Nang muli akong mag-angat ng tingin sa kanya ay kita kong nag-aalala rin siya. He kind of looked awkward too.
Ano na lupa, di mo pa ba ako lalamunin?
"Ah, wait," I heard him said as he jogged away. Napaatras na lang ako, kind of pinning my back at the wall para itago sa mga tao ang pulang marka sa shorts ko.
Nakakahiya na talaga! As in wala na atang mas nakakahiya dito! Lahat naman ata ng ginagawa kong katangahan ay si Sir Troy ang witness.
Napapatingin sa akin ang ilang estudyante, probably wondering what the hell I'm doing. Napapayuko na lang ako.
I should think of a way to go out of here. Hindi naman ako pwedeng umalis nang hindi natatakpan itong pula sa likod ko.
I looked at what I'm wearing: shirt and shorts. Iyong bag ko naman ay maliit na backpack. Wala akong jacket or extra shirt to tie around me. Madalas naman akong magdala ng hoodie, bakit ngayon hindi ako nagdala?
I should text anyone right now, my sisters or Clarisse or Lio. Pero walang signal. Di ko pa din napapa-register ang form 5 ko for our free wifi kiosk. Wrong timing for everything.
Muntik na akong sumigaw out of frustration, but I saw someone handing me a maroon hoodie. Pag-angat ko ng tingin, it was Sir Troy.
"You can use that to cover... that," he said. He also smiled shyly at me. Tumakbo pa ata siya papunta sa office niya at pabalik.
Nakakahiya ka, Mary Hope!
Biting my lip, I slowly took it. "Thank you, Sir," mahinang sabi ko. "Promise lalabhan ko 'to pagbalik ko."
I heard him chuckled. "Sure."
"Sige, Sir. Thank you talaga!"
Saglit pa kaming nagkatinginan before I decided to run out of the building. Dali-dali ko ring tinali ang sleeves ng hoodie around my waist.
Nang makalabas ako ng building ay para akong batang nagpapadyak sa asar. Asar sa sarili ko.
After letting out my frustrations, dumiretso ako sa kotse to get some napkins. Buti na lang my sisters suggested I should bring some extra kaya nakapagdala ako. Swerte ko rin 'cause I have my PE jogging pants and some spare underwear. Dali-dali ko iyong ipinasok sa maliit kong bag and ran to the nearest comfort room.
Medyo natagalan ako sa CR because I still have to wait in line. But I didn't mind, basta ba matapos na 'to because it feels so uncomfortable.
"Hoy Mary Hope!" I heard someone called nang makalabas ako ng CR. I saw Clarisse and Lio a few meters away from me. Mukhang kalalabas lang nila ng canteen. "Time na uy!" Dagdag ni Clarisse.
Ugh. Naabutan na 'ko ng time for our next class. Unfortunately, no lunch for me.
Nakasimangot akong nagsimulang maglakad. I want lunch.
"Kinain ka ba ng inidoro?" Tanong naman ni Lio, who's obviously trying to piss me. Malakas ang boses niya kasi medyo malayo pa ang pagitan namin. Hindi na nahiya. May atraso pa nga siya sa akin. Bastos 'to.
Hindi ko na lang sila sinagot and walked towards them. Pero itong si Clarisse ay mukhang tanga na turo nang turo. She was mouthing something which just made me scowl.