Kabanata 3

1.7K 47 4
                                    

"What kind of help are you saying? Atsaka ano namang gagawin natin sa kompaniyang ito?"

Tanong niya kahit na may ideya nang pumapasok sa isip niya. Nakasilip siya sa labas ng bintana ng kotse nito habang tinatanaw ang matayog na gusali na nasisinagan ng araw.  Napakainit ng panahon ngayon dahil El Niño.

Nakita niya ang pangalan ng kompaniyang ito mula sa labas. Malalaking letra na ang nakasulat ay Salvatoire Group of Company.

Napakatayog ng building na ito. Galanteng-galante ang itsura ng gusali, talagang namang pinaggastusan.

Nakasunod siya sa lalaking ito na nagngangalang Brendan. Kaya daw siya nitong tulungan at hindi daw siya mag sisisi.

She scoffed. Siguraduhin lang nitong hindi siya magsisisi dahil sa totoo lang ay nawawalan na talaga siya ng pag asa sa dami ng nag reject sakaniya. 

"Just make sure that I wont regret this, Brendan." She said while roaming her sight aroud the grandiose lobby.

Sinabi nito kanina ang pangalan nito sa cafè kaya iyon ang tawag niya dito.

"Ikaw na nga tinutulungan e. Ikaw pa diyan ang matapang." Pumasok sila sa elevator at pinindot nito ang 31st floor.

"Wala man lang 'Really? You'll help me? Thank you so much, Brendan.'" Sarkastikong sabi nito.

"As if I would do that. Who told you that I want you to help me." Mataray na sabi niya at humalukipkip.

"Edi sana tumanggi ka nung inalok kita diba? Eh pagkasabi ko ngang tutulungan kita e tumayo ka kaagad." Tumatawang sabi nito.

Damn this creature.

She slap his shoulder. "Shut your mouth!" She hissed, embarassed.

Sa ginawa niya ay mas lalo itong tumawa. "Nanghahampas? Feeling close?"

Napasinghap siya sa sobrang inis. Ang hiya niya kanina ay napalitan ng inis sa lalaking ito na ngising-ngsi.

"Yes. I really am feeling close. Like this." Hinampas niya ang braso nito ng bag. Wala siyang pakialam kung magasgasan ang limited edition niyang bag. Nag-iisa nalang ito dahil ipinabenta niya na yung iba dahil sa mga problema plus mga bayarin pa sakanila.

Pagkalabas nila ng elevator ay bumungad sa kanila ang isang pinto sa medyo unahan at isang desk na sa tingin niya ay secretary ang ngayon ay nakatayo at nakangiti agad sakanila.

"Good morning, Sir Brendan. Pasensiya na po pero hindi po kayo pwede dito dahil ipina-ban kayo ni Sir." Nakangiwing sabi ng babae. She looked so professional and efficient. So presentable.

"What? Oh come on!" Brendan groaned. She cringe while the girl just smiled slightly, mukhang sanay na ito sa lalaki.

"Busy ba yung boss mo?"

"No, sir." Umiling ito.

"Okay. Thank you."

Hinila siya nito sa braso at nagpatiuna sa paglalakad. Ngunit hinarangan agad ito ng secretary.

"Bawal ka talagang pumasok sir. Malalagot ako nito kay Mr. Salvatoire."

Hinaklas niya naman ang braso niya mula dito. Nagtataka naman siya nitong tiningnan.

"Feeling close?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Pasensiya na talaga sir pero hindi po kayo pwedeng pumasok. Baka masisante ako." Nagpapanic na sabi nito ulit.

Napailing ito. "Okay. Ngayon tawagan mo ang sir mong ugok at sabihin mong kasama ko si Arianna Valentia."

Tumango ito at pumunta sa desk nito at tumawag.

Marrying The RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon