"Ma'am, pinapatawag ka po ni Sir sa kwarto niya." Sabi ng katulong na kumatok at nagsalita mula sa labas ng pinto ng kinaroroonan niyang silid.Hindi niya ito pinansin. Galit parin siya sa nangyare at natatakot parin siyang baka saktan nanaman siya nito. Alagang-alaga niya ang balat niya tapos mamarkahan lang nito.
"Ma'am, pinapataw—"
"Oo na. Narinig ko." She hissed.
"Pasensiya na po." Mapagpakumbabang sabi nito pagkatapos ay narinig na niya ang papalayong yabag nito. Masiyadong tahimik ang bahay kaya rinig niya ang kahit anong ingay.
Ano nanaman kayang problema nito? Hindi parin ata tapos sa panenermon sakaniya.
Fine. It's her fault.
She can't help it. Ayaw niya talaga sa mga bata. Lalo na sa mga makululit pero wala rin namang karapatan ang Damon na iyon na saktan siya!
Ngayon ay medyo nagiguilty siya sa pagsusungit niya sa bata na ang nais lang naman ay magkaroon ng ituturing na Ina.
"Bakit?" Tanong niya pagkapasok niya sa kwarto nito. Medyo nagaalangan pa siyang pumasok at ito lamang ang kasama.
His room were just simple but elegant. Ang kulay ng kabuuang kwarto nito ay binubuo lamang ng kulay na kulay-abo at puti. Samantalang ang kwarto naman na pinaglalagian niya ngayon ay binubuo ng kulay na puti at pink.
Simple lamang ang mga kagamitan at hindi masiyadong marami.
Magkatabi lang naman kwarto nila tapos nagpatawag pa ng maid para tawagin siya.
Nakaupo ito sa malaking kama na kulay-abo. Naka-unat ang mga paa nito at may naka-patong na laptop.
Umupo siya sa gilid ng kama sa pinakadulo malayo dito.
"Did I told you to sit?" Malamig na ani nito habang hindi parin inaalis ang tingin sa screen na nasa harap.
"Bakit? Ginto ba 'tong kama mo?"
"Sa akin ang lahat ng makikita mo dito kaya ako ang masusunod."
Tumingin siya dito nang hindi makapaniwala.
"Pag-upo ko nalang pinoproblema mo parin? Normal ka pa ba?" Parang gusto niyang tumawa sa kabaliwan nito.
"Ikaw, normal ka ba? Pati bata pinapatulan mo? Ikaw ang abnormal dito." Tumingin ito sakaniya. Ang talim nanaman ng tingin nito. Napahigpit ang kapit niya sa kobre ng kama. Wag naman sana siya nitong saktan.
"Wag ka ngang mag-malinis, abnormal ka rin naman. Babae pinapatulan mo."
"It was your fault. Pasalamat ka nga babae ka e, dahil kung hindi baka hindi kana nasikatan ng araw sa ginawa mo sa anak ko." Ang talim ng tingin nito sakaniya. Kulang nalang ay batuhin na siya nito ng hawak na laptop dahil ang higpit ng kapit nito doon.
"Napaka-OA mo. Natural lang sa bata ang umiyak. At hindi ako artista para ma-perfect ang gusto mong ipagawa saakin. And no one's stopping you." Humalukipkip siya. "No one is seeing us right now. Go, kill me."
"I'm not like you." Nandiyan nanaman ang nanunuyang mga tingin nito at galit na mga mata.
Hilaw siyang natawa. "Baliw ka talaga ano? Bakit, sino bang pinatay ko?" Napailing siya. "Baliw talaga." She murmured.
Misteryoso itong ngumisi sakaniya. "You didn't know? Oh, stop pretending you don't know anything. You were there."
"Nababaliw kana ba talaga? Ano bang sinasabi mo?" Napakunot-noo na siya. Sobra na talaga ito. Gagawin pa siyang mamamatay tao.
BINABASA MO ANG
Marrying The Ruthless
Rastgele"Now, be my wife and be the mother of my son." He did not plead, he commanded her. She did not refuse, she don't have the guts to refuse. Because if she did, goodbye to their company. She will be his wife and will be the mother of his four year...