Tahimik lang siya nang sumakay ng kotse. Ramdam na ramdam niya ang malalim na tingin nito. Hindi sila nagpansinan hanggang sa naramdaman niyang umaandar na ang kotse. Sumandal siya sa upuan at huminga ng malalim.I'm now safe. It's okay.
"Si Ace?" Namamaos na tanong niya nang makitang lumagpas sila sa school. Good thing wala siyang nakitang hindi ka aya-aya.
"Manang is taking care of him."
Hindi na siya nagsalita at tahimik na tumingin nalang sa labas ng bintana.
Gustong gusto niyang sabihin dito ang nangyare sakaniya pero nag-aalangan siya. Baka mapahiya lang siya lalo't wala naman itong pakialam sakaniya.
Mas gugustuhin niya pang itago nalang dito ang nangyari kaysa ang umasang may pakialam ito.
"What.. what happened lately?"
"Wala."
"I heard a voice that you were —"
"Wala 'yon. Di naman ako yung kausap 'non. Yung katabi ko."
"Eh ano pala 'yon? Ba't ganon ang boses mo?"
"Like what you said, drama ko lang 'yon. Wala kasing dumadaang taxi nung pauwi na'ko. So I just called my friends and I hangout with them." She smoothly said.
Marahas itong napabuntong hininga. Ilang segundo itong natahimik. Parang pinipigilan nito ang sarili masigawan siya dahil sa ka-artehan niya.
"Di ka na talaga nagbago 'no? Tss. Pinapa-init mo nanaman ang ulo ko." His voice was laced with disappointment and anger.
Two weeks palang naman sila tapos nag-eexpect na agad ito ng pagbabago sakaniya. Ano 'yon— magic?
Di nalang siya nagsalita para hindi narin madagdagan pa ang sasabihin nito.
She's tired.
Nakakapagod ang nangyari sa araw na ito at gusto niya nalang iyon kalimutan at mag pahinga para makapag maldita na siya dito.
Hindi na talaga siya tatapak ulit sa loob ng school na 'yon. Ayaw niya nang mangyare ulit ang bagay na iyon. Its.. its terrifying.
Pagod ulit siyang sumandal sa kina-uupuan niya at pumikit. Nagmulat lamang siya ng kaniyang mga mata nang maramdamang huminto at na ang kotse at nakitang nakapasok na pala ng gate ang kotse. Bumaba na siya at agad pumasok ng kwarto.
Ilang minuto na siyang naka-tingin sa kisame ng kwarto nila. Oo, kwarto nila.
Naglalakad-lakad siya sa hallway kung saan madadaanan ang bawat kwarto. Namamangha kasi siya sa bawat cute na chandeliers na nakasabit sa itaas at magagandang painting sa pader.
Nakakatuwa dahil ang ganda ng bahay na tinitirhan niya ngayon. Though hindi niya alam kung kailan ba siya mapapalayas dito, dahil sa araw-araw na pamb-bwisit na ginagawa niya kay Damon. Mabuti nalang at parang ang haba ng pasensiya nito sakaniya. Puro lang ito sigaw at pambabanta sakaniya.
Siyempre hindi niya ipapahalatang nagagandahan siya sa bahay na ito sa tikbalang na iyon, baka yabangan pa siya. Kaya naman hindi siya naglilibot ng tingin sa paligid kapag nasa paligid lang ito kahit pa gusto niyang silipin ang bawat parte ng bahay na ito.
Simula nga ngayon ay babawas-bawasan niya na ang pamb-bwisit dito para ma-extend pa ang pag-stay niya sa magandang bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Marrying The Ruthless
De Todo"Now, be my wife and be the mother of my son." He did not plead, he commanded her. She did not refuse, she don't have the guts to refuse. Because if she did, goodbye to their company. She will be his wife and will be the mother of his four year...