"When did you met each other? Ngayon ko lang siya nakilala tapos asawa mo na agad?" Tumaas ang kilay ng Dad niya sakaniya.She gulped.
Gosh. Anong isasagot niya? Dapat pala nag practice sila ng mga sasabihin bago umalis!
Wala siyang maisip na sabihin kaya pasimple niyang kinurot ang binti ng tikbalang na katabi niya.
He cleared his throat. "We met at the bar long time ago. Nag papapansin siya sakin that time kaya pinansin ko na rin and then there.." He said then shrugged.
Napasinghap siya sa isinagot nito. She looked at him and smile yet eyes were glaring. Kinurot niya ang binti nito.
"Ang yabang mo naman." She laughed fakely, teeth gritted. She looked at her father. "Wag kang maniwala diyan Dad. Coz as far as I know, siya yung nagpapapansin sakin that time Dad. Para ngang sira, sunod nang sunod."
Her step mother laughed. "You're so adorable! Ayaw niyo pang aminin kung sino talaga sainyo ah."
She just snorted.
Their dinner went well. Ngunit ilang minuto pagkatapos nilang kumain ay ipinatawag naman ng Daddy niya si Damon sa library nito para daw sakanilang private talk.
She looked at her step mother. "Ma! Hindi naman kaya gisahin iyon ni Daddy? Ba't kase may pa ganon ganon pa!" Maktol niya.
Maliit na tumawa lamang ito. "Hindi naman 'yon, 'nak. Your father is just securing your safety."
She pursed her lips. "Really.." She trailed.
"Sa gwapo niyon, malamang tinatakot na 'yon ng Daddy mo para di ka iwan!" Tumawa ito.
She pouted. Pumasok sa isip niya ang mukha ni Damon.
Gwapo nga..
She smiled unconsciously.
That's right Dad, takutin mo siya.
Natawa siya sa katangahan at mga naiisip niya. Tss. As if he would like her. And as if she would like him too! Sa gaspang ng pag uugali noon!
Nagkulitan pa sila ng Mama niya bago lumabas sa library ang dalawa. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalawang tahimik lamang.
"Let's go." Mahina ngunit malaming sa sinabi ni Damon.
Humarap ito sa mag asawa at pormal na tumango. "It's getting late. We'll go home now. Thank you for the dinner, Dad, Ma."
Malambing na ngumiti sakanila ang mama niya. "Sure. Mag ingat kayo pauwi. And sa susunod let's dinner together again."
"Of course, Ma. And I'll miss you two. Ma, alagaan mong mabuti si Dad. Alam mo na, matanda na."
Her Dad's face crumpled while her step mother just laughed.
"Joke! Una na po kami."
Tatawa tawa niyang hinila paalis si Damon na walang reklamo namang nagpatianod sakaniya.
"Si Daddy talaga, totoo naman na matanda na siya e." She laughed a bit.
Tiningnan niya si Damon na tahimik lamang habang naglalakad sila papunta kung saan naka-park ang kotse nito. Hanggang sa makasakay sila ay tahimik lamang ito at wala man lang itong reaksiyon. Blangko lamang ang mukha nito habang naka tutok ang mga mata sa kalsada.
Kadalasan naman talaga ay tahimik ito ngunit iba ang sa ngayon. His face were just blank but his aura is too dangerous.
Natatakot tuloy siyang tanungin ito o kaya naman kausapin ito. May naging problema ba sa pag uusap nito at ng Daddy niya? Totoo kayang tinakot talaga ito ng Daddy niya para hindi na siya nito pakawalan kagaya ng sinabi ng Mama niya?
BINABASA MO ANG
Marrying The Ruthless
Random"Now, be my wife and be the mother of my son." He did not plead, he commanded her. She did not refuse, she don't have the guts to refuse. Because if she did, goodbye to their company. She will be his wife and will be the mother of his four year...