Nagpatuloy parin sa pagdaldal ang babaeng nakisabay sakanila kahit na minsan lang namang sumagot si Damon dito. At naiirita talaga siya sa tuwing nagsasalita ito."Maybe we can hang out someday. On saturday- what do you think?"
Napahinto siya sa pagtakbo. Napahinto rin si Damon at tumingin sakaniya, tumingin ito sakaniya nang nagtatanong kung bakit siya huminto.
"Ayoko na. Pagod na ako." Sabi niya. Napatingin sakaniya ang babae na parang ngayon lang siya ulit nito napansin.
"Why? Maaga pa naman." Sabi nito. Parang naiinis.
Inis ka bhe? She mentally rolled her eyes.
"Pake mo?" She pursed her lips in annoyance.
Nagulat ang babae sa sagot niya. Parang hindi nito inaasahan na sasagutin niya ito ng ganon. Napatingin ito kay Damon na parang hiyang-hiya.
She rolled her eyes at the girl. "For your information, you're talking to my husband, naiintindihan mo? Pwedeng itago mo naman yang kaharutan mo? Kung makikisabay ka, makisabay ka lang, gets?" She raised her eye brow at her.
Sumabog siya sa inis. Punong-puno talaga siya sa umagang ito.
Damon pursed his lips, suppressing his laugh at her sudden outburst.
Nakakainis talaga ang mga ganitong tao. Masiyadong pabida. Nakita namang may kasama diba? Tss. Di man lang alamin ang mga bagay sa paligid bago gumawa ng hakbang.
She scoffed and turned her back on them and started walking back to their house. Wala namang problema kung mag-isa siyang uuwi. Mag-isa lang naman talaga siya e, sumama lang talaga to si Damon. Tss.
Pasimple siyang tumingin sa kalangitan at nakitang nagliliwanag na rin naman.
"...my wife is really a jealous person."
Namula ang buong pagmumukha niya sa narinig. Siya? Magseselos? No freakin' way!
She walked fast, but ran eventually. Hindi niya alam kung bakit pero hiyang-hiya talaga siya. Parang inamin niya na ring nagseselos nga siya! Gusto niyang huminto at magkunwaring wala siyang narinig pero hindi niya kaya.
Nagseselos nga kaya talaga siya? Gosh, of course not! Nakakahiya lang talaga ang sinabi ni Damon at hindi niya kayang balewalain iyon. Gosh, ang kadiri naman ng sinabi niya.
Napatili siya nang biglang may humapit sakaniyang baywang na dahilan ng kaniyang bahagyang pag-angat. Amoy palang ay alam niya na kung sino ito.
"Ano ba, Damon!" Tinampal niya ang braso nitong nakapalibot sakaniyang baywang. Hinarap niya ito, hiyang-hiya.
His brows furrowed. "Ba't ka ba tumatakbo? Kung makatakbo ka para kang hinahabol ng kabayo." Inis na sabi nito. "Tapos iniwan mo pa ako don."
"Kabayo ka naman talaga ah? Tikbalang ka diba? At isa pa, malay ko ba kung nage-enjoy kayong dalawang mag-usap don?" Iritadong aniya at muling tumalikod mula dito at nagsimulang maglakad papunta kung saan ang bahay nila.
"Why, are you jealous?"
Napahinto siya at agad napatingin dito. "Yucks ha! Kilabutan ka! Kadiri!"
Ngumisi ito. "Really? Hindi halata ah. The way you talk to her..." Umangat ang kilay nito.
"Yuck Damon. Ano ba yang mga pumapasok sa isip mo. That would never happen." She rolled her eyes.
Nagsimula na siyang maglakad ulit.
"Talaga? Di ka nagseselos?" Parang nanghahamon na sabi nito.
Inis na hinarap niya ito. "I said Im not! How many times do you want me to repeat that?"
BINABASA MO ANG
Marrying The Ruthless
Random"Now, be my wife and be the mother of my son." He did not plead, he commanded her. She did not refuse, she don't have the guts to refuse. Because if she did, goodbye to their company. She will be his wife and will be the mother of his four year...