" Wag mag-kukulit Noah ha, at uubusin ang baon mo. Susunduin kita mamaya "
Tumango ito at nginitian ako
" I love you momma "
niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan sa noo
" I love you to anak, bye na ha susunduin kita mamaya "
----
" Para po! " malakas na sigaw ko sa driver ng jeep.
Nasa tapat ako ng Unibersidad ko at napabuntong hininga.
Pag-pasok ko ay pinagti-tinginan at pinagbu-bulunganako ng mga estudyante. Alam dito na may anak ako at nung nakaraang linggo ay may nagpa-kalat na pokpok ako sa isang bar.
Nakayuko lang ako ng may humintong paa sa tapat ko
" Papasok ka pa eh wala ka namang mararating " natatawang sabi nito kaya umangat ang tingin ko
" Sinabi na namin sayo noon na hindi ka niya seseryosohin pero malandi ka at pinagpatuloy mo " patuloy nitong sabi ni Nimfa
Hindi ako nagsalita at dumiretso sa classroon ko. Pangatlong taon ko na sa kolehiyo at Education ang kinuha ko na kurso. Si Nimfa ay ka-batch ko noon pero dahil nga sa pagbu-buntis ko ay tumigil ako sa pag-aaral. Matagal nang may galit sa akin si Nimfa dahil hindi siya pintulan ni Northon.
Northon, kumuyom ang palad ko ng maalala ang lalaking iyon. Ang sumira ng buhay ko.
" Good Morning Class "
" Good Morning Mr. Reyes "
" Today will be your second semester and I hope you will make me proud "
--------
11am nang matapos ang klase ko at 12noon naman ang klase ni Noah kaya agad akong sumakay ng jeep para makapunta sa eskwelahan nito at sakto naman pagka-dating ko doon ay labasan na nila.
" Momma! " malakas na sigaw nito at patakbong pumunta sa akin at agad ko itong binuhat at hinalikan.
" Momma tignan mo po oh! " masayang sabi nito at pinakita sa akin ang braso na may tatlong star.
" Ang galing galing ng baby ko " tinawanan lang ako nito at niyaya sa karinderya malapit sa amin. Napakadaming kwento nito habang naglalakad kami na tinatawanan ko.
Nang makarating kami ng karinderya ay tumitingin ako ng ulam nang hatakin nito ang laylayan ng palda ko.
" Momma chicken po " nakangusong sabi nito sa akin kaya nginitian ko ito at inorder sa ale ang mga ulam na bibilhin ko.
" Momma bakit po madaming pagkain? Mayaman po tayo ngayon? " inosenteng tanong nito sa akin
Nag-init ang gilid ng mata ko sa tanong nito
" O-oo, diba kagabi bago ako umalis sabi ko sayo susweldo ako? Kaya madami tayong pagkain ngayon " pilit kong pinasaya ang boses ko kahit nagi-init na ang mata ko
" Yehey! Hanggang kelan tayo mayaman Momma? "
" H-hindi ko alam anak eh, tara na para makakain ka na "
Ginulo ko ang buhok nito bago hinila pauwi. Tinulungan ko muna ito gumawa ng assignment.
" Pwede na tayo laro? " tanong nito sa akin na tinanguan ko naman
----
" Babanggain na kita, BOOGSH! " malakas kong binangga ang hawak nitong kotse kaya tumawa ako
" Momma? Bakit po ikaw kalaro ko hindi si Papa? "
Nabigla ako sa tanong nito, ito ang unang beses na lumabas sa bibig niya ang tanong na iyon
" Malayo si Papa eh, nagta-trabaho " simplebg sabi ko dito
" Eh bakit ka po nagwo-work pa? "
Matalino ang anak mo Ava, gaga talaga
" Basta "
Agad akong tumayo at nang makitang ala-sais na ng gabi ay naligo ako at nag-ayos ng gamit at inayos ko na ang kakainin nito at tinakpan iyon.
" Noah? " tawav ko dito
" Ano po? " sagot nito ng makalapit sa akin
" Aalis si mama ha? Dito ka lang uuwi ako mamaya "
Gabi-gabi ay iniiwan ko siya pero tuwing sabado at linggo ay hindi dahil wala naman akong pasok.
" Kakainin mo ito ha at wag kang magpapapasok. "
" Opo, promise! " nakangiting sabi nito
Tuwing ngumingiti ito ay naa-alala ko nanaman Siya.
-----
" Ava, padala sa table no. 5 toh "
Inayos ko muna ang suot ko ang uniform ko na white lace bralette at maikling maong shorts. Kinuha ko ang tray na may laman na iba't ibang klaseng alak.
Nang marating ko ang table ay agad kong inilagay sa lamesa pero naramdaman ko na may nakatingin sa akin ay inangat ko ang ulo ko.
" N-northon " mahinang bulong ko ng magtama ang mata namin.
" Excuse me Miss? " sabi ng lalaki na malapit sa akin.
" W-wala po " nang matapos kong ilapag ang lahat ng alak ay agad akong umalis at bumalik sa counter.
" Ava ito pa oh "
Kahit nanghihina ako ay pinagpatuloy ko ang pagta-trabaho.
-----
Ala-una na nang madaling araw at ina-ayos ko na ang mga gamit ko. Napaupo ako ng maalala kanina ang nangyari
Nandito na siya.
Unti-unting tumulo ang luha ko, hindi ko alam kanina kung dapat ko ba siyang yakapin o sampalin.
" Hoy gaga! "
nabalik ako sa huwisyo ng sigawan ako ni Jerome at tianwanan
" Umuwi ka na, iniintay ka na siguro ng anak mo "
Niyakap ko muna ito bago magpa-alam, plabas na ako ng bar nang may humatak sa braso ko.
Paglingon ko ay hindi ko inaasahang siya pala iyon. Malamig ang tingin nito sa akin
" N-northon "
" Avah.. "
YOU ARE READING
HIMEROS ( COMPLETED )
FanfictionThe Erotes Series #1 " The course of true love never did run smooth "