NORTHON
Nakangiti ako habang nakatingin kay Ava na mahimbing ang tulog. Nakadamit na kami pareho, dinamitan ko ito habang natutulog. Ang ganda ganda niya, mukha siyang anghel.
Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan para sa akin kung bakit ko siya sinaktan, kung paano ko nasaktan ang isang tulad niya. Kung paano ko siya natiis habang umiiyak siya sa harap ko. Napakagago ko para hindi magtiwala sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, wala nang makakapigil pa sa akin na bawiin siya kahit pa ang pamilya ni Talia. Ilang taon ko na gusto balikan si Ava pero palagi akong pinipigilan ng magulang ni Talia dahil pag pinuntahan ko si Ava ay sisiraan nila kumpanya namin.
Mas mayaman ang pamilya nila kaya natakot ako sa pwedeng mangyari. Ayokong mawala ang pinaghirapan nila mama at ngayon na bumabagsak na ang kumpanya ng mga Lee ay hindi na nila kami masisira pa dahil wala na silang kakayanan, nakulong pa ang kamag anak nito. Nakabuo na din ako ng sarili kong kumpanya ng hindi niya alam.
Gusto ko na muling magkita ang mag-ina ko, ilang taon na akong hindi kinakausap ni Noah ng maayos nang malaman nito ang totoong nangyari. Kahit bata pa lang ito ay mabilis niyang naiintindihan ang nangyayari.
Nilagay ko sa likod ng tenga ni Ava ang mga kumawalang buhok niya na nakakalat sa mukha niya. Kagabi ay muli kong naramdaman ang pagmamahal niya saakin. Kung paano niya ako halikan, nandon padin ang pagmamahal.
Hinalikan ko ito sa noo at labi, bumukas ang mata nito.
" N-Northon? " ngumiti ako at hinalikan muli ang labi niya.
Bat ba ang sarap ng labi niya?
" Goodmorning " masayang bati ko dito.
" G-goodmorning " nakayukong sabi nito
" Kumain na tayo, nagluto ako " hinatak ko ito papuntang kainan at pinaupo siya.
" Pasensiya ka na nakielam ako " sabi ko dito habang tinitimplahan siya ng gatas.
" Bakit nandito ka pa? "
" Hindi naman pwedeng basta kitang iwan " sabi ko dito.
" Diba magaling ka naman sa usapan na iwanan? " napabuntong hininga ako sa sinabi nito at umupo sa katapat niya.
" Ava, hindi ko naman gustong iwan ka "
" Pero ilang beses mo ginawa? "
" Pag-usapan natin yung nangyari kagabi " nagtitigan kami at ngumisi siya.
" Yeah, we had sex " sabi nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi nito pero hindi ko pinakita.
" So what about that? Normal lang yon " muling sabi nito.
" Sex? Are you fucking joking? "
" Mukha ba akong nagbibiro? "
Tumayo ako at ginulo ang buhok ko.
" Making love Ava not sex! "
" I don't love you "
" Naramdaman ko! You still love m--- "
" Stop imagining Northon, tapos na tayo. You can leave " iniwan ako nito at pumasok sa kwarto niya.
Napapikit ako sa galit at lungkot.
What have you done Northon?
Kinuha ko ang mga gamit ko, nagayos din ako at pumunta sa kotse ko. Tinawagan ko si Talia at agad tong sumagot.
" Where the hell are you? Siguro nangbabae ka nanaman! " sigaw nito na kinainis ko.
" I am going home and we need to talk " binaba ko ang tawag at nang makauwi ako ay dumiretso ako sa kwarto namin. Agad sumalubong ang sampal nito.
YOU ARE READING
HIMEROS ( COMPLETED )
FanfictionThe Erotes Series #1 " The course of true love never did run smooth "