CHAPTER 14

2.2K 37 4
                                    

NAGISING ako ng alas-tres nang umaga, tanghali kami uuwi pero pinilit ko talagang magising ng ganitong oras para tignan kung aalis ba si Northon.

Nakahiga lang ako sa kama at tulala hindi ko manlang namalayan na nakatulog pala ulit ako, nagising lamang ako dahil may narinig akong kotse.

Wala si Northon sa tabi ko kaya agad akong tumayo at sumilip sa bintana, madilim pa kaya siguradong hindi nila ako mapapansin.

Nakatalikod si Northon habang hindi ko naman makita yung kausap niya pero sigurado akong babae ito dahil sinuot nito ang relo kay Northon at hinaplos pa nito ang braso ni Northon.

Ng boyfriend ko!

Pero wala lang iyon kay Northon at tumawa lang siya at tuwang tuwa pa.

Hindi makaka-isa sakin toh.

Padabog akong humiga sa kama at sakto naman ay narinig kong paalis na ang kotse. Tumagilid ako ng higa at agad pumikit ang isang mata ko ng pumasok si Northon.

Naririnig ko ang mahihinang tawa nito habang tinatanggal sa kamay niya ang relo at, lumapit si Northon sa kurtina kung saan ako nakatayo kanina at tumatawa padin.

Bakit ba siya tumatawa!

Pinikit ko pareho ang mata ko habang papalapit siya sa pwesto ko, umupo ito sa kama at humiga. Nararamdaman ko padin ang pag-alog ng balikat niya.

Sayang saya?

Happy?

" Hay nako Talia " natatawang sabi nito bago yumakap sa akin at ilang sandali lang ay nakatulog na ito.

Talia pala ha?

KUMAKAIN kami nang umagahan pero masama lang talaga ang tingin na binibigay ko kay Northon.

" Ava? Why are you looking at me l-like that? " tanong nito kaya pati si Noah ay napatingin sa akin.

Palihim ko itong inirapan kaya lalong kumunot ang noo niya.

Talia mo mukha mo!

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at lalong nangkit ang mata ko.

" Momma? Amg sama mo po tumingin kay papa " hinahatak nito ang braso ko, ngumiti ako ng malapad at hinarap siya.

" Ang gwapo kasi ng papa mo eh " tinignan ko si Northon at inirapan bago muling humarap kay Noah. " sobra, kaya wag mo na kaming pansinin kain ka lang " nagtatakang tumango ito kaya nginitian ko siya.

Oo nga pala!

" Anak, pag magkakaron ka ng kapatid anong gusto mo babae o lalaki? " tanong ko dito agad naman siyang ngumiti.

" Babae po momma! "

" Anong pangalan gusto mo? "

" Alyssa? Para kayo naman po parehong A! "

Palihim akong tumingin kay Northon at ngumiti.

" Ayaw ko ba ng Talia anak? "

napaubo si Northon kaya sinamaan ko siya nang tumingin, napanguso naman ito at yumuko.

" Magkakaron na po ba ako ng kapatid? "

" Baka hindi eh " sumimangot ito " hindi pa ngayon, sa susunod nalang " lumiwanag muli ang mukha nito.

MATAPOS kumain ay pinaliguan ko na si Noah dahil malapit na kaming umalis, pumunta ako sa kwarto namin at pagpasok ko ay tumayo si Northon upang lapitan ako pero tinaasan ko siya ng kilay.

" A-ava bakit ba ganyan ka? "

" Ako pa? Ako ba yung may kausap sa gate kahit madaling araw na? " tanong ko dito at napapikit siya.

" Wala iyon okay? Binalik niya lang yung relo ko "

" Bakit saan mo ba naiwan? "

" S-sa lobby, k-kasi diba may nag-away "

Sinungaling.

Napailing nalang ako at iniwan siya, pumasok ako sa banyo at tumingin sa salamin.

" Agad agad? Ilang araw palang ah? " tumuli ang luha ko.

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil sa kaniya, pero heto ako ngayon at umiiyak.

Binilisan kong maligo at magbihis, lumabas ako sa banyo at hindi pinansin si Northon.

Manigas siya dyan.

" Manang aalis na po kami ha? Sa susunod ulit " magalang na sabi ni Northon sa caretaker ng bahay.

Nasa byahe na kami pero hindi ko padin siys kinakausap, si Noah ay naglalaro lang sa cellphone nang papa niya.

" Ava, please talk to me "

Sumandal ako ng maayos at pinikit ang mata ko, narinig ko ang buntong-hininga nito bago ako makatulog.

" GISING na " pagdilat ko nang mata ay gwapong mukha ni Northonal ang bumungad. Gusto kong hawakan ang pisnge niya pero

Galit ka Ava, galit ka!

Ang hirap naman kasi magalit kung ganto kagwapo bubungad sa paggising mo.

Ava ava!

Tinulak ko it ng mahina at nilagpasan siya, wala na si Noah sa kotse at sigurado akong nagpapahinga na iyon sa kwarto niya.

Gabi na kami nakauwi dahil may pinuntahan pa sa tagaytay si Northon at pinakilala niya sa akin ang mga kaibigan niya doon.

" Ava! Stop it, kausapin mo ko " sigaw nito pagdating namin sa kwarto.

" Bakit ka nagsinungaling?! "

" Ava naman "

" Sumagot ka! " huminga ako ng malalim at tinignan siya.

Ayoko umiyak sa harap niya

" Alam kong magagalit ka, s-sorry "

" Sinong girlfriend ang hindi magagalit kung naiwan ng boyfriend niya yung relo sa kwarto ng ibang babae? "

Yumuko nanaman ito at malungkot akong tinignan.

" Bakit ka nasa kwarto niya? Ni Talia? "

" T-totoong nagkagulo sa resort at kapatid niya pala iyon. Wala akong galos pero dinala niya ako sa kwarto niya at pinainom ng tubig namg hingi din ito ng pasensiya sa akin, y-yun lang "

" Then why?! Bakit naiwan mo yung relo mo? ".

" Ava... "

" Ginawa niyo? " agad itong umiling

" Bakit mo naiwan yung relo? " ulit ko

" W-we almost did it but--- " agad ko itong sinampal at tumulo ang luha ko. Lumapit ito at akmang pupunasan ang luha ko pero tinabig ko ang kamay niya.

Kumuha ako nang damit at dumiretso sa kwarro ni Noah, naglinis ako ng katawan ang tumabi sa kaniya.

Kumalma ako ng makitang mahimbing itong natutulog,tinabi ko ang mga buhok na nasa mukha niya at hinalikan siya sa pisnge.

Pinunasan ko ang luha ko at niyakap siya.

" Goodnight baby, I love you " ungol lanv nito ang narinig ko pero yumakap ito sa akin ng mahigpit.

Si Noah lang ang may kakayanan na pakalmahin at pasayahin ako ng ganito.

Ang anak ko lang





HIMEROS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now