CHAPTER 27

1.9K 37 1
                                    

Iniwan ko sa bahay nila mana si Noah dahil ayaw nila itong pakawalan kaya ngayon ay papunta kami sa unit ko. Naalala ko pa kung paano muling sapakin ni papa si Northon kaya naman namumula ang pisnge nito ngayon.

Ilang minuto pagkarating namin sa unit ko ay dumating ang dalawang malaking box na naglalaman ng gown na susuotin ko sa party ko. Hindi ko pa ito binubuksan dahil mas kailangan kong kausapin si Northon. Kagabi ay hindi ito tumigil sa pagtatanong hanggang hindi ako nagsasabi ng totoo kaya tinulugan ko siya at paggising ko ay hindi ako nito pinapansin.

" Northon, hindi mo ba talaga ako papansinin? " nakangusong tanong ko pero nanatili ang paningin nito sa TV.

" Anong gusto mo na kainin natin mamayang tanghali? " tanong ko ulit

" I swear Northon, kapag hindi mo ako pinansin palalayasin kita dito " tinignan lang ako nito at muling tumingin sa TV kaya naman napairap ako.

" Okay, magpapasama nalang ako kay Xander kumain sa labas " akmang kukunin ko na ang bag ko ng yakapin ako ni Northon.

" Don't you dare Ava " napangiti ako sa sinabi nito at niyakap siya ng mahigpit.

" So what so you want for lunch? "

" Adobo please " I kissed hia cheeks and went in the kitchen. Habang nagluluto ako ay nakangiti ako dahil kimakanta siya. Hanggang ngayon ay malamig parin ang boses nito, ang sarap pakinggan ng boses niya.

" Maganda ang boses ni Noah, tulad ng sayo " sambit ko habang naghihiwa ng sibuyas.

" Well, I haven't heard it yet "

" For four years? Mahilig yon kumanta, kahit pa nag-aaral siya " nilagay ko sa kaldero ang lahat ng kailangan at tinakpan iyon. Umupo ako sa sofa at tumabi naman si Northon.

" He's mad at me what do you expect? " I looked at him and smiled.

" Atleast ngayon balik na kayo sa dati, malapit na ulit kayo sa isa't isa. "

" That's because of you, kaya mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nagpapasaya at umaayos ng buhay ko. "

" About Talia-- " naputol ang sinasabi ko ng magsalita ito.

" I don't want to talk about her Ava, naiirita lang ako " natawa ako sa mukha nito na mukhang diring diri.

" I want you to do something for me "

" What is it? "

" I want you to talk to her "

" Wait. What? Nababal-- "

" I need more evidence Northon, hindi pwedeng pictures at files lang ang mapapakita ko. Gusto ko marinig mula sa bibig niya na user siya at ikaw lang ang makakagawa non. "

" Hayaan nalang natin siya, ang importante masaya tayo. " sumama ang tingin ko sa kaniya.

" No, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Sinaktan niya ang anak ko, pinaglayo niya tayo. Pinagtangkaan niya akong patayin "

" W-what? "

" Two years ago papunta ako ng Nueva Ecija kasama ang kaibigan ko na si Iris para sa ipapatayo namin na studio ng Ace doon pero hindi ako natuloy dahil biglaang dinala si papa sa hospital " kumuyom ang kamao ko kasabag ang pagtulo ng luha ko.

" Tumuloy si Iris kasama ang isang driver ko at nalaman ko nalang na na aksidente sila laking pasasalamat namin na hindi siga namatay pero nacommatose si Iris at nawalan ng ala-ala. Ngayon naghihirap si Eros, hindi niya alam paano niya pababalikin ang Iris na minahal niya. Hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko Northon, ako dapat ang naaksidente hindi ang kaibigan ko. "

" T-talia.. " banggit ni Northon.

" Hinding hindi ko rin palalampasin ang pananakit niya sa anak ko. " pinunasan ko ang luha at tumingin kay Northon na ngayon ay nakayuko.

" Tutulungan kita, s-sorry kasalanan ko lahat toh " napangiti ako sa sinabi ni Northon.

Matapos namin kumain ay agad na umalis si Northon upang puntahan si Talia. Habang wala siya ay binuksan ko ang box na laman ang gown na pinadala ni Amansa. Namangha ako sa itsura into. Simple ito ngunit nakakaakit sa mata. Isang kulay puti at ginto.

" Nahihirapan tuloy akong pumili kung anong gagamitin ko sa party " napanguso ako.

Kaya ayoko na may pagpipilian dahil napakahirpa pumili, parehong maganda ang nga gown na ito. Napailing ako at sinara ang box, ayokong maistress sa pag-iisip kung ano sa dalawa ang gagamitin ko. Kinuha ko sa bag ko ang mga pinadala ni Eros.

Galit na galit si Eros sa nangyari kay Iris kaya sobra ito kung tumulong aa akin, ilang beses na akong humingi sa kaniya tawad at lagi nitong sinasabi na wala akong kasalanan. Simula ng magkita si Eros at Talia ay gustong gusto na niya itong patayin.

Tinignan ko ang laman ng envelope. Manuel amd Talia entering a hotel. Natuwa ako sa sumunod, nakaakbay si Manuel kay Talia papasok sila sa iisang kwarto.

" Great job Eros " mahinang sambit ko habang tinitignan ang ibang pictures, iba dito ay pictures niya habang nasa US. Hindi alam ni Talia na tauhan ni Eros ang bumibili ng droga na binebenta niya.

Kapag umuwi si Northon na dala ang voice record na Talia ay tapos na siya. Mayron na din kaming ebidensya sa tangkang pagpatay nito sa akin noon.

Napangiti ako ng halikan ni Northon ang noo ko ay yakapin ako ng mahigpit.

" What happened? Did you get it? "

" Yes, it's here " binigay nito ang cellphone niya sa akin, umupo ako sa sofa at hinanap ang record.

" Bakit ngayon ka lang nakauwi? " I asked hin pero hindi ito nagsalita.

" Totoo ba na gumagmit ka ng droga? Anong problema mo? " narinig ko na sabi ni Northon.

" It's none of your business " si Talia.

" So it's true? "

" O-ofcoure not "

" Talia! "

" Wala akong kinalaman sa mga droga na yan Northon! "

" Tell me the damn truth o talagang iiwan na kita " napatingin ako kay Northon at ngumiwi ito, mga ilang minuto aking walang narinig na nagsasalita, pero may iba akong naririnig.

" Y-yes, I'm using drugs. S-sorry, magbabago na ako please bumalik ka na sa akin " napatigil ako ng marinig ang mga hikbi ni Talia. Kahit pa hindi maganda ang ugnayan namin ay nasasaktan ako para dito.

Naputol ako record pagkatapos non.

" Anong nangyari?! Bakit naputol agad? "

" Nakuha mo na yung gusto mo "

" Did she kiss you? You had sex with her? Diba tunog ng halik yung narinig ko? Ano, bakit ngayon ka lang umuwi? "

" Ava.. "

" Come on tell me! " sigaw ko

" We kissed bu-- "

" We?! " binato ko siya ng suot kong tsinelas at hindi naman siya umilag.

" Gumanti ka? Ano masarap ba? "

" Hanggang don lang yon "

" Still, gumanti ka. Baka naman ikaw pa ang naunang humalil? "

" Ava, no. Listen doon lang siya bibigay kaya ginawa ko iyon. I did that for you, dahil may gusto ka makuha "

" Goodnight " nauna akong pumasok sa kwarto at humiga. Pinunasan ko ang mga luha ko.

HIMEROS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now