CHAPTER 4
Sumunod na araw ay muli kong iniwan si Noah sa bahay, inaayos ko na ang uniporme na suot ko at lumabas upang maghatid ng orders kada table.
Simula kagabi ay hindi matahimik ang isip ko tungkol kay Northon dahil baka balikan ako noon at ayoko nang mapalapit muli sa kaniya dahil magugulo nanaman ang buhay ko
" Ava mukhang hindi na bumabalik yung kliyente mo ha " natawa ako ng mahina sa sinambit ni Jerome
" Ayos lang yon, parang gusto ko na nga umayaw tapos kukuha nalang ako ng ibang trabaho pagkatapos ko dito " kumunot ang noo ni Jerome sa sinabi ko at mahinang hinampas ako sa braso
" Alam mo gaga, kung ako ikaw gagalingan ko gumiling sa mga mayayaman noh para hayahay ang buhay " tumingin ito sa likod ko at may tinuro " Parang ayon oh si Mr. Villanueva "
Northon nanaman
Umigting ang panga ko ng marinig ang pangalan nito
" Tigilan mo nga ako Jerome sasabunutan kita eh "
" Wala sa trabaho mga bakla? "
Sabay kaming napanguso sa katrabaho naming si Lidya, tinarayan kami nito at iniwan
" Kulang nanaman yon sa lalaking nakain, bruhilda talaga "
" Mamaya na nga Jerome, ikaw kasi eh napakadaldal mo " inirapan ko ito at muling nag-hatid ng mga orders.
Naging maayos ang buong gabi ko sa bar kahit nararamdaman kong may nakatingin sa akin ng masama, hindi ko nalang iyon pinansin at inayos ang trabaho ko.
Nagsara ang bar at lahat kami ay nag-aayos na upang makauwi.
" Hoy gaga, mag-isa ka nanaman bang uuwi? Gusto mo ihatid na kita andyan naman bebe Junjun ko eh " sinimangutan ko si Jerome dahil sa sinabi nito, si Junjun ay kalaguyo nitong bakla na toh at masasabi kong may itsura si Junjun at mapera, nung minsan na hinatid nila ako pauwi ay gusto kong masuka nasa backseat ako at nagulat ako ng hininto nito ang kotse sa gilid ng kalsada at nagsimula silang maghalikan.
" Hoy gaga para kang tanga na nakatulala " tinignan ko ito ng masama dahil sa pagkakabatok niya
" Wag na, ayoko na ulit manood ng liveshow noh " malakas itong natawa sa sinabi ko
" Bitter ka lang wala ka kasing papable tulad ng Junjun ko "
Lumabas kami ng bar at nandon nga si Junjun at agad sinalubong ng yakap si Jerome
" Jero--- "
" Jennie gaga, Jennie ako manahimik ka "
Natawa si Junjun habang ako ay napailing inaya ako ng dalawa ngunit tumanggi ako, agad umalis ang dalawa dahil gagawa daw sila ng babies na tinangua-
GAGAWA SILA NG BABIES?!
" Grabe naman yung buntong hininga na iyon Judy "
Napalingon ako sa nag salita
" S-sir Manuel "
" Gusto sana kita bayaran ulit bukas "
natahimik ako sa sinabi nito, ngumiti lamang ito
" Call me "
Tumango ako dito at nagpa-alam, agad itong sumakay ng kotse at umalis. Ang maganda kay Sir. Manuel ay hindi ito namimilit at kahit papaano ay nirerespeto ako
" So bayarang babae ka nga " pagsulpot ni Northon sa harapan ko
" Good thing na nakinig ako kay papa na iwanan ka dahil malandi ka at pera ko lang ang gusto mo" nakangising sabi nito, hindi ko alam pero parang nahihirapan akong huminga sa mga sinasabi niyo
" Tanga ka Northon, ang tanga tanga mo para maniwala sa tatay mo " mariin na sabi ko dito
" Ikaw ang tanga, I gave you everything pero niloko mo ako at pumatol sa kaibigan ko. "
Tumawa ako at kumunot naman ang noo nito.
" Ewan ko sayo, kung ayaw mo maniwala " lumapit ako dito at tumingkayad sapat na para maging katapat ng labi ko ang labi niya. Napangisi ako ng pumikit ito. " EDI WAG! "
Napalayo ito dahil sa pagsigaw na ginawa ko, habang ako naman ay tawa ng tawa.
" Bitch! " sigaw nito, nawala ang ngiti ko at seryosong tinitigan si Northon
Masakit padin
Mapait na nginitian ko ito
" May bago? Una palang naman diba yan na ang pinaniwalaan mo? "
Tinalikuram ko ito at naglakad palayo, at hindi ako lumilingon kahit tinawag pa nito ang pangalan ko.
" I-Im sorry Ava " nanghina ang tuhod ko ng maramdaman ang pag-yakap nito sa akin mula sa likuran.
" I-Im really sorry, hindi ko sinasadya yung nasabi ko kanina. Please bumalik ka na "
Tinanggal ko ang pagkaka-yapap nito sa akin at humarap
" Hindi na, hinding hindi na ako babalik sayo "
Muli ko itong tinalikuran, wala sa oras akong nakapag para sa taxi at agad pumasok. Lahat ng luha kanina na pilit kong pinipigilan ay bumuhos.
Kung sana lang naniwala at nakinig ka, masaya sana tayo ngayon.
YOU ARE READING
HIMEROS ( COMPLETED )
Hayran KurguThe Erotes Series #1 " The course of true love never did run smooth "