ITO ang huling araw namin sa batangas, dinala kami ni Northon sa resthouse nila, tatlong gabi kami dito at bukas ay uuwi na kami.
Bago pa kami makarating dito ay huminto kami sa isang park, nagulat ako dahil madaming mga lobo doon at mga petals sa sahig.
" Give me a chance baby, I won't hurt you I promise. " nakangiting sabi nito sa akin
Walang dahilan para hindi ko siya pagbigyan.
Mahal namin ang isa't isa.
Sapat nang dahilan iyon.
I am now his girl!
Binigyan ko siya ng pagkakataon at sinigurado niya na hindi ako iiyak at nanisala ako sa kaniya. Maging si Noah ay masaya din tungkol sa amin ni Northon.
Sa unang araw namin sa batangas ay buong araw naligo ang mag-ama kaya talagang nag iba ang kulay ng balat nila pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nila.
Nagkaroon din ng ilang kaibigan si Noah habang naliligo sa dagat, isa sa mga bata doon ay laging kinukulit di Noah at asar na asar naman ang anak ko.
" Momma ayaw niya akong tigilan! " pagsusumbong ni Noah at tinuro ang isang batang babae na nakatingin sa kaniya, napatingin sa akin ang bata ang nginitian ko siya at ngumiti din ito.
" Crush ka ata non eh "
" Pange panget nung Diana na yon eh "
Diana huh?
Napatawa nalang ako dahil hindi na umalis si Noah sa tabi ko habang ang bata naman ay nakangusong nakatingin sa amin.
Nilibot din kami ni Northon sa resort nila, halatang mayayaman lahat nang andoon kaya nangliit ako pero laking gulat ko nang halikan ako ni Northon at ipakilala bilang asawa niya at feeling ko non ay isa akong teenager dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Sa pangalawang araw ay pumunta kami sa isang isla na pag mamayari din nila Northon, may mga ilang babae na ang lagkit makatingin sa asawa ko kaya buong orad na nasa isla kami ay nakakapit lang ako sa braso niya.
" Selos na selos ka hmm " piningot pa nito ng mahina ang ilong ko kaya piningot ko ang tenga niya.
" Aray! Aray naman Ava " lumayo ako sa kaniya at lumapit kay Noah na gumagawa ng sand castle.
" Wag kang mag selos don, mas maganda ka don "
" Maganda lang? "
" Mas hot ka, mas sexy tapos mahal pa kita " lumapit ito at bumulong " masarap pa " pabirong hinampas ko ang balikat niya at hinalikan siya sa labi narinig ko ang ilang pagsinghap sa paligid namin pero wala akong pakielam.
" Momma! " sigaw ng nakabusangot na si Noah.
Ngayong araw na ito ay naka upo lamang ako sa buhangin habang naglalaro ang dalawa sa dagat.
Tahimik ngayon dahil wala masyadong tao, tanghaling tapat kasi kaya sobrang init. Napatingin ako sa isang babae na nakangiti habang nakatingin sa dagat.
Hindi pala
Kay Northon siya naka tingin
Maganda ang babae at maputi ang balat, nakasuot ito ng itim na bikini na mas nagpapaputi sa kaniya.
Pabalik na dito ang mag ama ko pero hindi nakaiwas sa akin ang pagtititigan ng dalawa,nang magtama ang mata namin ni Northon ay agad akong umiwas at kumuha ng towel para kay Noah.
" Momma ayoko na, kulubot na oh " sabi nito at pinakita sa aking ang mga daliri niya.
" Grabe kasi kayong magbabad dalawa, walang kasawaan nangitim tuloy kayo "
" Minsan lang naman kasi " sabi ni Northon at hinawakan ang bewang ko.
Bumalik kami sa resthouse ni Northon pero agad itong nagpaalam sa akin dahil kailangan saw siya sa resort nila.
Nag-aayos ako ngayon ng mga damit namin dahil bukas ng umaga ay uuwi agad kami, hinintay kong makatulog si Noah bago ko inayos ang mga damit niya.
Sinara ko ang ilaw ng kwarto niya at lumabas.
" Hey "
" Anong oras na ha? " tanong ko dito
" Sorry, mayron kasing nagsapakan sa resort at yung isa ay malala ang natamo " napailing ito " tara na? Maliligo lang ako sandali tapos matulog na tayo "
Pag-akyat sa kwarto ay hinanda ko ang sando at pajama sa susuotin nito, kumuha din ako ng librong pwedeng basahin at umupo kama.
Nasa kalagitnaan na ako ng may mag tumawag kay Northon, patuloy lang sa pagba-vibrate ang phone niya. Pag kuha ko sa phone niya ay may limang missed calls pero unknown ang number. Hindi ko din mabuksan dahil may passcode pero biglang may nagtext.
From: 092XXXXXXXX
Your watch is here in my room honey, let me bring it back to you tomorrow before you go home.
Sino naman ito?
At bakit nasa kwarto niya ang relo ni Northon?
Agad kong binitawan ang phone niya at bumalik sa pag babasa ng libro, naka towel lang ito at at nakangisi sa akin.
Dati ay palagi akong nasasabik tuwing ganyan siya pero iba ngayon. May iba, parang ayoko siyang makita.
Nilagay ko sa katabing lamesa ang libro ko at humiga sa kama, tumagilid ako at pumikit.
" Ava? "
Hindi ko siya pinansin
" Ava, come on isa lang " nakahiga ito sa gilid ko at hinahalikan ang balikat ko nararamdaman ko din na may suot na ito.
" P-pagod ako, sa susunod nalang " bumuntong hininga ito at niyakap ako ng mahigpit.
" Okay, goodnight baby I love you "
Hihintayin ko bukas kung sino ang kikitain niyang babae.
Manloloko.
YOU ARE READING
HIMEROS ( COMPLETED )
FanficThe Erotes Series #1 " The course of true love never did run smooth "