CHAPTER 29

2K 39 2
                                    

" Wow, gorgeous! "

" Sobrang ganda mo momma!

Matamis ako na napangiti dahil sa sinabi ni Northon at Noah, suot suot ko ang gold gown na pinagawa ni Amanda. Kahit ako ay namangha sa itsura ko.

Nakapusod ang aking buhok at may suot akong dewdrop earrings at nude stiletto heels. Hindi makapag ang make up na nilagay sa akin.

" Ang gwapo gwapo niyong dalawa " sabi ko na nagpahagikgik sa kanila. Pareho silang nakasuot ng itim na two piece suit habang ayos na ayos ang kanilang buhok.

" You're so beautiful baby " malambing na sabi nito at hinalikan ang labi ko.

" Namula tuloy ang labi mo! " natawa kaming pareho.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi nito binitawan ang kamay ko at hinahalikan ang palad ko.

" Kumportable ba ang suot mo? You want to change? "

" I'm fine, I actually like this gown "

" Tss, sumisilip nga ang dibdib mo " inis na sabi nito.

" Ngayon lang naman ito Northon don't worry okay? I love you "

" I love you too "

NANG makarating kami sa events place ay inalalayan ako pababa ni Northon, humawak ako sa kanya at sabay kaming pumasok. Nakangiti ang lahat ng tao saamin, nandito ang mga tao na matagal ko nang hindi nakikita pero tumama ang mata ko sa isang babae.

Si Iris.

Nginitian ko ito at gumanti naman siya,tinignan ko ang katabi nito na si Eros at kinindatan ako.

" Pinaghandaan talaga ito ng kapatid mo "

" Para ko na daw itong 18th birthday " natatawang sabi ko at sumeryoso ito.

" I'm sorry Ava "

" Hayaan mo na, matagal na yon and I'm now happy Northon " pinisil ko ang kamay nito.

" The celebrant Ms. Avery Delos Reyes " nagpalakpakan ang lahat ng tao ng makaakyat ako sa stage.

Tinignan ko ang mg tao na narito at parang may pumiga sa puso ko sa pag-iisip na may kulang. Ang anak ko, sana nandito siya. Siguro ay sobrang kulit niya at patakbo takbo, baka maubos din niya ang mga chocolates sa handa.

" Hey baby, don't cry "

Napahawak ako sa pisnge ko at tama siya, umiiyak na pala ako. Ngumiti ako kay mama at papa, pati sa kapatid ko na ngayon ay tuwang tuwa. Narito rin ang banda na Ace, sila Jerome at junjun. Si scarlet at ang anak nito nasi Elijah, kumpleto sila.

Naging masaya ang buong gabi na iyon, sinayaw ako ng mga lalaking importante sa buhay ko. Nakausap ko muli ang mga kaibigan ko at mga kamag anak.

" Hi? "

" A-avery "

" Call me Avs " nakangiting sabi ko kay Iris.

" A-Avs, pasensiya ka na ha? Hinatak lang ako ni Ero-- "

Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita at niyakap siya ng mahigpit, naramdaman ko ang pagkagulat nito pero hindi ko iyon pinansin. Tuluyang bumagsak ang luha ko ng yakapin ako nito pabalik.

" W-wag ka na umiyak, b-bakit ka ba umiiyak? " nagtama ang tingin namin ni Eros at malungkot ito na ngumiti kaya tumango ako at lumayo kay Iris.

Hindi pa ako naaalala ni Iris.

" P-pasensya ka na, sige kumain na kayo "

" H-happy birthday A-avs " malapad ako na ngumiti at tinalikuran siya.Sapat na saakin na maayos na ang kalagayan niya, nila ni Eros.

HIMEROS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now