MAKALIPAS ang dalawang araw ay pinayagan na akong lumabas ng ospital. Kasama ko ang magulang ni Northon. Sila ang tumutulong sa akin upang hanapin si Noah.
"P-pwede po ba na huminto muna tayo dito? " mahinang tanong ko kay tita.
" Hija... "
" Sandali lang po, mabilis lang po ako " nagkatitigan saglit ang mag-asawa bago ako pinayagan. Inalalayan ako ni tita palabas ng kotse.
Nasa labas palang kami ng bahay ay bumigat na ang dibdib ko. Isang linggo palang ang nakakalipas nnag dalhin kami dito ni Northon pero wala na agad.
Pumasok ako doon at iniwasan kong tignan ako kusina kung saan nagsimula ang away namin. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at pinuntahan ang kwarto ni Noah.
Magulo ang kama at may nga ibang damit sa lapag. Kumuha ako doon at nakapikit na niyakap ng mahigpit ang isa sa tshirt niya.
Ilang araw palang pero parang mamamatay na ako, hindi ko kaya na hindi nakikita ang anak ko. Sobrang hirap na hindi ko maramdaman ang presensya ni Noah.
Bawat pag tulo ng luha ko ay galit na nararamdaman ko kay Northon at sa babaeng iyon.
" Avery " mahinang sabi ni tita at niyakap ako, ang mga magulang ko ay nakausap ko na pero hindi ako pumayag na kunin nila ako.
" K-kailangan ko po na makuha ang anak ko tita, t-tulangan niyo po ako " humahagulgol n sabi ko dito, nginitian niya ako.
" Hahanapin natin sila, sa ngayon uuwi muna kita. Kailangan mo magahinga Avery hija " yumakap ako dito pabalik at tumango. Dinala ko ang ilan sa damit ni Noah at lumabas.
Pagpasok namin ng kotse ay nakatulog ako, nagising ako na nasa isang kama na ako pero sa sofa ay andon si tito at tita na seryosong naguusap. Napatingin sila sa akit at agad ay nagsalita si tito.
" We will talk about everything hija, simula nang maghiwalay kayo. Lilinawin ko din kung bakit ko ginawa iyon. " lumapit silang dalawa at umupo sa dulo ng kama.
" Alam ko na wala kang ibang lalaki, p-pero hindi pwede na anak ko ang masisisi. May ibang babae siya at hindi pwedeng kumalat iyon kaya gumawa ako ng paraan para ikaw ang magmukhang nanloko Avery " sabi nito na bumuhay ng galit sa dibdib ko.
" Ang sama sama niyo, makasarili kayo! " sigaw ko sa kanila pero walang emosyon si tito samantalang si tita ay may namumuong luha sa mata.
" I was scared, hindi pwedeng masira ang imahe ng pamilya namin. I-Im sorry " sinamaan ko sila ng tingin at yumuko.
Iyak naman.
Sakit nanaman.
" P-pero pangako ibabalik namin sayo ang apo ko, hindi ako papayag na sa babaeng iyon siya lalaki " tumango ako sa sinabi nila.
" S-sige, magpapahinga na ako " hindi ko hinintay ang sagot nila at humuga ako at tinaklob ko na sa akin ang kumot.
Narinig ko ang buntong hininga nila at mahinang hikbi ni tita hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan.
Umupo ako at muling nagbagsakan ang luha ko. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sana hindi ko na lang siya tinanggap ulit
Sana hindi ko na lang siya minahal ulit.
ILANG oras na walang tigil ang pagbagsak ng luha ko, nakaramdam ako ng panghihina at kumakalam na ang tiyan ko.
Masama ang loob ko sa kanila pero sila ang dahilan kaya kahit papaano ay maayos ako. Naoagdesisyunan kong bumaba dahil kailangan ko ng lakas.
" Northon umuwi ka na! Ibalik mo ang apo ko! "
Saktong pagbaba ko ay nasa sala si tito at may kausap.
Si Northon.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang telepono nito at kausapin si Northon.
" Dad! Okay na kami alam na ni Noah amg totoo at kung gaano kadu- "
" Tangina mo Northon! Ibalik mi ang anak ko! Wala kang karapatan sa kaniya ako ang naghirap para kay Noah! " narinig ko ang mahinang tawa nito
" Pero hindi mo kayang ibigay ang buhay na mabibibi- "
" At hindi kayang ibigay ng babae mo ang pagmamahal ko kay Noah! " ngunit ang sagot nito ay ang lalong dumurog sa pagkatao ko.
" Ikaw ang babae ko Ava at si Talia ang tunay kong kasintahan! Wake up you're so stupid! "
" N-northon kahit si Noah lang ang ibalik mo. A-ayokong mawalan ulit ng anak "
" Fuck! Anak ko siya at hindi mo siya anak! " nakarinig ako tinig ng isang babae " I'm coming wait baby! " tuluyang nawala ang linya.
Kasama ng puso ko.
--------
Hello readers!!
YOU ARE READING
HIMEROS ( COMPLETED )
FanfictionThe Erotes Series #1 " The course of true love never did run smooth "