CHAPTER 19

2.1K 43 2
                                    

Galit na galit ang mga magulang ko kay Northon at Talia. Kinwento ko lahat sa kanila nang nangyare, pati ang pagtatrabaho ko sa bar. Hindi ako tinigilan ni papa sa paghingi niya ng tawad dahil pinalayas niya ako noon.

Isang linggo na naming pinapahanap si Noah pero wala parin, isang malaking katanunangan parin kung nasaan ang anak.

Isa sa mga investigator ang nagsabi na may resthouse daw sa Cebu ang pamilya ni Talia kaya ito ngayon ang aasikasuhin nila papa at tito. Mahirap daw ito mahanap dahil ibang apelyido ang ginamit para sa lupa na ito. Una ay ayaw nila akong pasamahin pero hindi ako pumayag, kahit si mama ay sumama din.

" Princess, Let's go? " tumango ako kay papa at ngumiti kay mama. Sumakay kami sa isang itim na kotse habang nasa kabila si tito at tita.

" P-pano kung wala sila doon? "

" We will try again princess " nakangiting sabi ni papa habang niyakap lang ako ni mama. Yakap ko ang isa sa mga damit ni Noah.

Oh God please, I want to see my son

" Gusto mo ba na ipakulong natin sila? " natigilan kao sa tanong ni mama, tinignan ko ito at umiling ako.

Hinding hindi ako papayag na makukulong lang sila, nilayo nila sa akin si Noah at pinatay nila ang anak ko. Hindi batas ang makakapag alis ng galit nang isang nanay.

Huminto kami sa tapat ng isang magarbong bahay, pagbaba namin sa kotse ay naounta ang tingin ko kay tito pero napayuko lang ako.

Sinira niya pa din ako, isa siya sa dahilan ng paghihirap ko.

May mga kasama kaming pulis kaya walang nagawa ang mga guard at katulong kung hindi ang papasukin kami. Tinuro nila sa amin na nasa likod ang mga amo nila.

Napangiti ako dahil sa wakas makikita ko na ang anak ko, mayayakap at mahahalikan ko na siya. Mabilis akong tumakbo at pumunta sa likod bahay nila. Tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.

Noah, sigurado akong hinahanap niya na ako, ngayon lang kami nagkalayo nang ganito. Baka ilang beses na siyang umiiyak, kumakain kaya siya sa tamang oras? Oh God.

" Noah! " napatulala ako sa nakita ko at tuluyang nawasak ang puso ko.

Ang saya nila.

Noah's in the pool with Northon and Talia's laughing while looking at them. Napalingon silang tatlo sa akin, gulat si Talia samantalang galit na nakatingin sa akin si Northon.

" Noah... " blanko ang ekspresyon ng anak ko.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Northon, umalis sa pool ang dalawa at lumapit kay Talia.

" Ibalik mo sa akin ang anak ko! " sabi ko dito.

" No! He's mine, hinding hindi ako papayag na mapupunta sayo ang anak ko " sinamaan ko nang tingin si Northon at tinignan ang anak ko na nakakapit kay Talia.

Nawalan ako ng salita sa nakikita ko, wasak ako pero sila masaya?

" Gago kang bata ka! " rinig kong sigaw ni tito at sinugod si Northon. Bumagsak ito sa lapag at hindi lumalaban.

Pinuntahan ko si Noah at hinatak ito papalayo kay Talia, binuhat ko ito at niyakap ng mahigpit.

" Namiss mo ba ako bab-- "

" Mommy! " sigaw ni Noah

Napako ako sa kinakatayuan ko habang tumutulo ang luha ko.

Mommy.

Nanghina ako at nabitawam siya, aga ditong tumakbo kay Talia na ngayon ay nakangisi sa akin.

" Kukunin namin ang apo ko Northon, I am really dissapointed " sabi ni tito habang si papa ay muling sinapak si Northon.

HIMEROS ( COMPLETED )Where stories live. Discover now