Sab's Pov
Nagising ako sa lakas ng katok ni mama.
Tinignan ko ang relos.. 8:30am
Anu ba yan ang aga pa ehh. -. -
Saturday ngayon kaya tanghali na ako gumigising kapag ka walang pasok. Pero sa sunday maaga ako kasi yun ang araw ko ng paglalaba at pagpunta ng Church.
Alam naman yun ni mama pero di ko alam bat maaga nya ako ginising ngayon. Inis akong bumangon habang kinukusot ko ang mga mata. Dumeretso ako sa kusina para sana kagalitan si mama ng..
LUNOK....
O_o
Si Louis!!!!
Nakita ko si Louis na nakaupo sa may sala kausap si mama at parang nagkakatuwaan pa ang mga ito.
Shit.. Baka kininwento nya yung nangyari kagabi.. Patay..
Tatalikod na sana ako nang mapansin ako ni mama.
"Ohh Sabrina.. Halikat asikasuhin mo tong bisita mo."
Bisita ko?? Lagot na...
"Ahh.. Hehe ma.. Maaga pa kasi medyo inaantok pa ako." palusot ko sa kanya habang nakatalikod sa kanila.
"Anu ka ba!! Aba eh may bisita ka nga eh kaya halika dito at magluluto ako ng almusal natin."
Humarap naman ito kay Louis at sinabing magluluto muna ng almusal. Lumapit si mama saken at.
"Ayusin mo ang sarili mo."sabi nyang pabulong
Taka naman akong tumingin dito at tumingin pagkatapos kay Louis.
Anu bang ginagawa mo dito ng ganito kaaga!!
" Hintayin mo ako dyan maghihilamos lang ako" sabi ko sabay talikod.
Dumeretso naman ako sa cr para magtoothbrush at maghilamos. Di na ako nagpalit ng damit naka terno ako ng pajama at sando. Saka ako naglagay ng polbos.
Anu bang ginagawa nya dito.. Wag nyang sabihin na gagawin nya yung sinabi nya kagabi???
'Araw araw kitang liligawan.'
>>__<<
Di pwede... Magagalit saken ang nanay ko pag nagpaligaw ako..
Yung pagalis ko nga ng gabi palihim lang kasi alam kong di pa pwede tapos ipapahamak ako ng ugok na yun. Arrgggghhh.....
Alam ko na papaalisin ko agad sya pagkanagkausap kame.
Nagpasya na akong lumabas ng kwarto ng makita kong kumakain na sila mama kuya at Louis ng almusal.
Huh???? Lakas talaga....
"Ohh halika na ang tagal mo namang maghilamos." nakangiting sabi saken ni Louis.
Tumahamik ka...
Tinignan ko sya ng may makahulugan na tingin. Nagbabasakali ako na makuha nya ang ibig sabihin ng tingin na yun.
Pero..
"Ohh. Dito ka na sa tabi ko." saka hinila ang upuan malapit sa kanya.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko maigalaw ang mga paa ko at di ko alam ang gagawin ko.
O_o
"Tatayo ka lang ba dyan." ang kuya ko.
"Ahh. Oo oo." at saka ako kumilos papunta sa mesa at umupo sa tabi ni Louis.
YOU ARE READING
I LOVE YOU AND I LOVE HIM
RomanceSi Sabrina at Louis ay magkakabata at pinangakong sila na ang para sa isat isa pero nagbago ang lahat ng dumating si Marvin. Kaya pa ba nila ipaglaban ang sinumpaang pagibig sa kabila ng pagbabago ng isa.